Kabanata 12

15 2 0
                                    








Nagdaan ang pasko at bagong taon, patuloy pa rin ang palitan ng mensahe nina Sera at Jino. They may be apart the whole duration of the vacation, but they both know that they grew closer. He even gave her a pet name.


"Good morning, ganda," isang pamilyar na boses ang bumati sa kaniya at sumabay sa kaniyang paglalakad.


Nang lingunin niya ito ay agad na bumungad sa kaniya ang nakangiting si Jino. Saglit lamang niya itong natitigan dahil agad niyang naramdaman ang pag-init ng kaniyang magkabilang pisngi at ang agarang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.


Tila ba gusto niya ring bigyan ang sarili ng isang malakas na sampal nang maalala ang isang bahagi ng palitan nila ng mensahe noong mga nakaraang linggo.


[Kapag ako hindi nakapag-timpi sa'yo, mahalin kita diyan.]


"Ang kalat mo, Sera, bakit gano'n?" Bulong niya sa kaniyang sarili.


"Naka-isip ka na ba ng pet name mo sa'kin?" Tanong ni Jino.


"Nagmamadali? May lakad?" Tanging tawa lamang ang tugon nito sa kaniya. "'Wag mo akong i-pressure. Makakaisip din ako."


"Willing to wait, ma'am," anito na binigyan pa siya ng isang saludo.


"Sera!"


Kapwa silang napalingon ni Jino sa tumawag na iyon. Nakita nilang papalapit sa kanila si Jop at nakangiti.


"Pres. Mukhang maganda ang pasok ng bagong taon sa'yo, a?" Biro niya rito.


Bahagya naman itong natawa sa komento niyang iyon. "Bagong taon, bagong buhay," sambit nito. "Good morning sa inyo."


"Bagong buhay? Wala naman akong maalalang may masama sa'yo, pres. Hindi mo kailangan no'n."


Sumabay ito sa kanilang paglalakad at pumwesto sa kabilang gilid niya. "Kumusta ang pag aaral mo?"


She fakes a gasp and side-eyes him. "Pa, ikaw ba 'yan?"


Agad naman itong natawa, at marahang inilagay sa kaniyang ulo ang kamay nito at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok. "Cute."


Sa pagkakataong ito, napatitig na siya nang matagal sa lalaki. Maging si Jino, na tahimik lamang na nakatayo sa tabi niya, ay tinapunan ito ng tingin.


"Happy new year sa'kin, pres," sambit ni Sera. "Ikaw ba talaga 'yan?"


"Bakit?" Natatawang tanong nito.


"Wala lang. Tinawag mo lang naman akong cute. Wow."


"Ha? Sa pagkakatanda ko, hindi ito ang unang beses?"


"Talaga ba? Bakit wala akong maalala kung kailan mo ako tinawag na cute?" Aniya at napahawak sa baba. Saglit lamang iyon. "Ay, ewan. Basta tinawag mo akong cute, wala nang bawian."


Jop laughed at her response and Jino's sudden clearing of his throat interrupted him. The former stopped, while the latter kept his silence.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Throwback Mahal Kita [Ongoing]Where stories live. Discover now