Kabanata 5

54 2 0
                                    






Sera and Jino are eating their lunch in complete silence. Tanging tunog lamang ng kanilang mga kubyertos ang maririnig sa loob ng silid. Paminsan-minsa'y inaangat niya ang kaniyang ulo, at nagnanakaw ng tingin sa lalaking nakaupo sa upuan sa harap niya, Kung maaari lang ay gusto niya itong panuorin nang maragal.


Napalingon siya sa likod ng silid ng Gold, section nila Jino, nang marinig ang isang malakas na tawa mula sa silid nila. Judging by the sound of it, it was Shen.


Nakakunot ang noong ibinalik niya ang tingin sa kasama, at maging ito ay napatingin sa kaniya nang may parehong ekspresyon. The corners of Jino's mouth lift as she starts giggling. Kasunod niyon, maging silang dalawa ay natawa na sa hindi malamang dahilan.


"Ang lakas no'n," sambit nito.


Tumango siya at bahagya pa ring tumatawa. "Oo nga."


"Gano'n ka rin minsan."


"Hoy!"


Muli ay nagtawanan sila hanggang sa matapos nila ang pagkain, at nagsimula na siyang ayusin ang kaniyang pinagkainan..

"Tapos ka nang mag-duty?" Tanong ni Sera.

Jino nods and stands up to get himself some water from the water jug inside the room. "Oo, sa covered court ako naka-assign kaninang umaga."

"Ah. Anong game?"


"Table tennis." Muli itong naupo sa upuan sa harap niya. "Sobrang busy mo sa field kanina 'pag daan ko papuntang court, tapos no'ng pabalik na ako rito."

Natawa siya sa sinabi nito. "Oo nga e. Masiyado kasing malaki ang field kaya paikot-ikot ako sa mga junior at mga senior para kumuha ng i-a-assign sa mga laro."


"Parang ikaw lang ang nakikita kong kumikilos kanina?"


"Hindi naman. Sabi ko nga, malaki ang field kaya nagkalat din ang mga officer. 'Yung iba, nag-a-asikaso ng pagkain ng mga athlete."


Tumango si Jino at tumayo. Nagulat siya nang ilapat nito ang palad sa kaniyang noo nang lumapit ito sa kaniya. Nagsimulang magrigidon muli sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso.


"Medyo nawala na ang sinat mo."

Bahagya siyang umiwas sa kamay nito at tumingala rito nang nakangiti. "Grabe naman 'yung sa sinat. Okay lang kaya ako kanina. Gutom lang siguro kasi ang aga kong nag-almusal, tapos anong oras na ako nag-tanghalian."


"Siguro nga. Tsaka, pabago-bago rin ang panahon. Tignan mo. Ang lakas na ng ulan ngayon samantalang kanina, sobrang init." Lumapit ito sa bintana at dumungaw sa labas. "Babalik ka pa niyan?"

"Hmm. Baka hindi na kasi medyo sinusumpong ako ng migraine. Ang aga ko rin kasing nagising." Inilabas ni Sera ang kaniyang cellphone, at nag-tipa ng mensahe para kay Tina na hindi na siya makakabalik ng hapong iyon.


"Pahinga ka na lang muna diyan." Hinarap siya nito. "Mamaya na lang ako mag-fo-floorwax."

"Sigurado ka?" Tumango ito. "Nice. Magsasabi pa lang sana akong makikitulog muna ako rito kasi naglilinis pa sila sa kabila."

Throwback Mahal Kita [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon