Kabanata 6

41 2 0
                                    

   


Patuloy ang pag-ring ng cellphone ni Sera nang makabalik na siya sa kwarto niya pagkatapos niyang maghilamos. Kinuha niya iyon sa kama at nakitang si Bea ang tumatawag. Sinagot niyo iyon habang nagpupunas ng binti.


"Hello?"


"Hindi mo man lang ako sinabihang si fafa Jino pala ang ipinalit mo kay Andrei," anito sa kabilang linya na sinundan ng impit na tili.

      

"Hindi ko naman matandaang may kami pala ni Andrei."


"Ay, wow. Napaka-landi."
    

"Hoy!" She exclaimed followed by a hearty laughter. "Talagang tumawag ka para sabihan ako niyan? Ang dami mo yatang load."


"Mayaman ako ngayon. Naka-unli text ako kasi may sinalihan akong text clan. Tsaka, naka-unli call din ako. Kahit buong magdamag tayong mag-usap, walang problema."


"At ano namang pag-uusapan natin buong magdamag? Wala kang balak matulog? Martes pa lang bukas."


"Ha! Batak 'to. Nagbabasa nga ako ng fanfics hanggang ala-una ng madaling-araw. Partida, gigising pa ako ng alas-quatro para magbasa ulit bago mag-asikaso papasok sa school." Natawa nang malakas si Sera sa sinabi nitong iyon. Alam niya iyon dahil kahit sa classroom nila ay hindi ito papaawat sa pagbabasa. "Pag-uusapan natin kung gaano ako ka-proud na marunong ka nang humarot. I'm so proud of you." Bea faked a sob from the other line.


"Ewan ko sa'yo." Napailing siya at naupo sa kama. "Ibinalik niya 'yung tumbler ko na naiwan ko sa room nila no'ng Biyernes. Ayon. Sa kaniya na rin ako nagtanong kung sino ba sa kanila ang marunong mag-gitara. Hindi ko naman inasahan na magbo-volunteer siya."


"Ah-hmmm. Ummkaaay," tugon nito nang may panunukso sa tono ng boses. "'Wag kang mag-alala. Hindi na naman ako nagulat kasi nga 'di ba? First time niyo pa lang mag-usap no'ng joint performance sa English pero may sarili na agad kayong mundo habang nagpa-practice. Ayieee! Keep it up, anak. Mommy is proud of you." Again, Bea faked a sob.


She rolled her eyes at this.


"In fairness, ang galing ng tandem niyo. Bakit hindi kaya kayo mag-perform sa culminating activity natin sa February, next year?"


Nahiga si Sera habang nakadikit pa rin ang cellphone sa tainga. "Buti sana kung papayag si Pres. Tsaka sa production si Jino, 'di ba? Buti sana kung papayag siya."


"Ang tanong diyan, papayag ka ba?"


"Bakit hindi? Ayos lang naman sa'kin para may ambag na agad ako sa culmi."


"Nagpa-bebe pa. Pwede mo namang sabihing gustong-gusto mong mag-perform kasama si fafa Jino."

    

Oo, gusto niya 'yon. Ngunit hindi niya aaminin sa kaibigan niya. "Bahala ka diyan."


Tawa lamang ang sinagot ni Bea sa tugon niyang iyon, kasunod ang katahimikan sa kabilang linya. Napatingin siya sa kaniyang cellphone kung naputol ba ang tawag nito. Hindi naman. Sadyang natahimik lang ang kaniyang kaibigan.


"Bea? Nakatulog ka na ba diyan?"

    

"Sera, alam mo namang suportado kita sa kalandian mo, 'di ba?"


Throwback Mahal Kita [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon