Kabanata 10

23 3 0
                                    

    
    
    


Nasa bandang canteen na si Sera nang makasalubong niya si Tina, isa sa mga C.A.T officers na kaibigan niya, at agad siyang tumigil upang batiin ito. Gano'n din ang ginawa nito.

    

"Kakagaling mo lang sa dumpsite?" Tanong nito sa kaniya.

     

"Oo. Busy na ang lahat para bukas e. Papunta ka rin ba do'n?"

     

Umiling ito. "Hindi. Dadaan ako sa office bago umuwi. Iniwan ko kasi do'n kanina yung mga gamit ko. Dumaan ka na ba do'n? Hinahanap ka ni corps, a."

     

"Oo, dumaan ako bago magtapon ng basura. Nagbiro pa nga. Kailan ba raw naging basurahan yung office at may dala akong sako do'n."

      

Natatawang napailing si Tina sa sinambit niyang iyon. Akma siyang magsasalitang muli nang mahagip ng kaniyang paningin ang paparating mula sa likuran nito.

     

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Jino kasama si Ranz na naglalakad patungong direksyon nila. Panic rises inside her, and all she wants is to find an exit  from that place.

     

Binigyan niya ng isang pilit na ngiti si Tina at dali-daling nagpaalam dito bago umikot patungong salungat na direksyon. Ni hindi niya nga alam kung bakit siya nagpa-panic nang mga oras na iyon. Basta ang nasa isip niya ay makaalis doon.

     

Dumaan siya sa malawak na school field papuntang silid nila. Kung tutuusin ay mas malayo-layong lakaran iyon ngunit hindi niya na inisip iyon. Sa susunod na taon na lang niya kakausapin ulit si Jino kung mabibigyan ng pagkakataon.

      

Nang makarating siya sa gusali nila ay sumalubong sa kaniya ang nakapamaywang na si Bea— May kunot sa noo nito habang iniirapan siya.

      

Napakunot na rin ang noo niya rito. "Ano na namang kasalanan ko at ganiyan ang mukha mo?"

      

Dumaan siya sa gilid nito at tinahak ang hagdan paakyat. Agad naman itong sumunod sa kaniya.

     

"Anong pauso 'yon?" Tanong nito sa likod niya.

     

"Anong pauso 'yon? Alin?"

      

With hurried steps, Bea walks next to her. "Nakita ko lang naman si Flash kanina sa may canteen. Parang kilala ko nga siya e. Ano ngang pangalan no'n? Sera Perez yata?" Tinapunan niya ito ng tingin at pinandilatan naman siya nito. "Akala mo, hindi ko nakita 'yon?"

     

"Anong pinagsasabi mo diyan, Beatrice Mendoza? Bakit hindi mo na lang ako diretsahin at dinamay mo pa si Flash?"

       

"Sa canteen kani-kanina lang. Tumingin ako kung may nagtitinda pa, e wala na. No'ng paglabas ko ng pinto, nakita kitang kausap si Tina. Tatawagin sana kita, tapos biglang dumating sina Jino. Aba, kumaripas ka kamo ng takbo, ni hindi mo man lang napansing nakasalubong mo ako." Guilty of the accusation, Sera looks anywhere but her friend. "Iniiwasan mo ba siya?"

Throwback Mahal Kita [Ongoing]Where stories live. Discover now