Kabanata 3

55 2 0
                                    

    

    



Patuloy ang paglagaslas ng tubig nang isang malakas at sunud-sunod na katok ang pumukaw sa atensyon ni Sera.


Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at ang pamilyar na pader ang bumungad sa kaniyang paningin. After blinking her eyes a couple of times, her gaze falls on the running water coming from the faucet before her.


Nagpalinga-linga siya at tahimik na sinuri ang kaniyang paligid. Nasa loob siya ng banyo— Not the one in her apartment, but the one back in their home.


"Sera!" Isang malakas na tawag ang kaniyang narinig sa likod ng nakasarang pinto ng banyo. "Sera, ang tubig kanina pa umaapaw. Nakatulog ka na naman ba diyan?" Boses iyon ng kaniyang ina.


Hearing her mother's familiar voice adds up to the confusion that starts to circulate in her mind. Binisita ba siya nito dahil kaarawan niya? Pero kakauwi niya lang noong isang araw. O baka naman bukas pa iyon kaya naman nasa banyo sa bahay nila siya ngayon? Panaginip lang ba lahat ng nangyari sa ika-dalawampu't limang kaarawan niya? Bea's early morning call, and Jino's early morning greeting?


Muli siyang tinawag ng kaniyang ina at inulit ang naunang tanong nito.


"H-hindi, ma," sagot niya, at ipinihit ang gripo upang isara iyon.


Dahan-dahang inikot niya ang kaniyang kanang kamay, at iniangat naman ang kaliwa. Napatitig siya sa mga iyon at napansing may kakaiba. Mas malaman ang kaniyang mga palad at mga daliri kung ikukumpara sa pagkakatanda niya. Also, she remembers wearing nude polish, but now they're gone and her nails are bare.


Dinala niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang basang buhok at kinapa iyon— Her hair is shorter, and she also has fringe. Sa pagkakatanda niya ay wala siya niyon, at mahaba ang kaniyang buhok.


She proceeds on checking her arms and legs, and finds them meatier compared to what she can remember. And the more she observes her physical changes, the more she gets confuse.


"Anong nangyayari?" Bulong niya sa kaniyang sarili habang ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang dibdib.


"Bilisan mo na ang kilos mo diyan, Sera. Male-late ka na naman sa first subject mo," muling nagsalita ang kaniyang ina kasunod ang isang katok. "Hindi ka pa nag-a-almusal."


The crease on her forehead deepens upon hearing this. "First subject? Ha?"


Balot man ng pagtataka ay dali-dali siyang kumilos upang banlawan ang natitirang sabon sa kaniyang katawan at shampoo sa kaniyang buhok. Agad siyang nagpunas at nagpatuyo pagkatapos niyon gamit ang tuwalya. Dito niya napansin ang nakasabit na damit sa hanger.


Kinuha niya iyon at tinitigan nang mabuti; High school uniform niya iyon at tila ba unti-unti siyang binibigyan ng kasagutan. Ngunit mas lalo lang siyang naguluhan kaya naman, sinuot na lamang niya iyon at lumabas na ng banyo.


She went straight to their dining area. Doon ay natagpuan niyang naghahain ng pagkain sa hapag ang kaniyang ina, habang abala naman ang kaniyang kapatid sa pagsandok at paglagay sa kaniyang sariling pinggan. She watches how her sister shoves a spoonful of rice inside her mouth, and turns her head toward the television. Pamilyar din ang palabas na pinapanuod nito.

    

But what she noticed was her sister seemed to look younger. At sa pagkakatanda niya, nasa kolehiyo na ito. But her uniform clearly screams elementary.

Throwback Mahal Kita [Ongoing]Where stories live. Discover now