Kabanata 7

26 3 0
                                    





"Anong ginagawa mo dyan Sera?"

Napaangat ng tingin si Sera mula sa papel na sinasagutan nang may kung sinong nagsalita sa kaliwang bahagi niya. Bumungad sa kaniya si Ranz na kasalukuyang inaakyat ang bawat baitang ng hagdan papunta sa palapag na iyon.


"Uy, Ranz," bati niya rito nang nakangiti. "Nagsasagot ng quiz sa Chemistry."


Bahagyang napakunot ang noo nito at marahang natawa. Tumayo ito sa kanang bahagi niya at humilig papalapit upang aninagin ang ginagawa niya.


"Bakit sa labas ka nagsasagot niyan?"


"Medyo naiingayan ako sa loob. Ang lakas kasing magpatugtog ni Joseph e wala naman ako sa mood mag-sound trip." Naglakad ito patungong pinto ng silid nila at sumilip. Umiiling itong bumalik sa pwesto niya, at naupo sa tabi niya. "Nasagutan niyo na ba 'to?" Tanong niya rito.


"Hmm. Patingin nga," anito. Iniabot niya rito ang papel na hawak-hawak at agad naman nito iyong pinasadahan ng tingin. "Ah. Oo. Kahapong quiz namin 'to."


"Talaga? Ang hirap naman. Nasagutan mo ba lahat?"


Tumango ito at ibinalik sa kaniya ang papel. "Nairaos," sambit nito na sinundan ng mahinang tawa. "Gusto mo, tulungan ka—"


"Hoy, Ranz!"


Kapwa sila nagulat nang may tumawag dito. Napalingon sila sa direksyon niyon at natagpuan si Julie na papalapit sa pwesto nila.


"Hoy ka rin," sagot ni Ranz dito.


"Bwisit ka. Kanina ka pa hinihintay ni Pauline. Ang tagal mo raw, e hindi niyo pa tapos 'yung report niyo para mamaya."


"Hala, oo nga pala." Napatayo ito at marahang pinagpagan ang pantalon. "Saan na naman ang punta mo? Canteen?"


"Ano ngayon? Bilisan mo na. Sabi mo raw pupunta ka lang ng CR saglit, natagalan ka na. Malamang niyan, sa canteen ka na naman nagpunta."


"E ano kung oo?" Sagot nito kay Julie na umirap lang dito. Humarap ito sa kaniya at nahihiyang ngumiti. "Sorry, Sera. Papupuntahin ko na lang dito 'yung pwedeng tumulong sa'yo."


"Nako, kahit hindi na. Okay lang, Ranz. Thank you." Ngumiti siya rito bago ito tuluyang umikot at nagmamadaling bumalik sa silid nito.


"Sorry Sera a," ani Julie sa kaniya. Umiling lamang siya at nginitian ito. "Tungkol saan ba 'yan?"


"Quiz sa Chemistry. Ang hirap pala nito."


"Ay oo. Hirap na hirap din ako dyan kahapon. Hayaan mo. Magtatawag naman 'yung kulugo na 'yon ng magaling dyan para tumulong sa'yo." Ngiti na lamang ang naging tugon niya sa sinabi nito bago ito nagpaalam sa kaniya at umalis.


Nang tuluyan na itong nakababa ay ipinilig niya ang kaniyang ulo sa harap at napatitig sa bubong ng gusaling katapat ng sa kanila. She tries to recall what happened in the past. She can remember Jino approaching her on that same spot and sat next to her in silence.


Hindi niya tuloy mapigilang mapaisip kung isa ba ito sa mga bagay na nabago na mula sa nakaraan— Dahil hindi niya maalalang nakausap niya sina Ranz at Julie bago ito lumapit sa kaniya.


'Tsaka, magaling ba sa Chemistry si Jino?'


Pumikit na lamang siya, umiling, at muling ibinalik ang atensyon sa sinasagutang papel.


Throwback Mahal Kita [Ongoing]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt