Kabanata 9

30 3 0
                                    

    





"Sofie, dadaan kami sa canteen. Sasama ka?"


Tanong ng mga kaklase ni Sofie rito nang makalabas na sila sa gusali kung saan naroroon ang silid-aklatan. Sinamahan ni Sera ang mga ito dahil na rin sa pabor na hiningi nito sa kaniya.


"Hindi na. May gagawin pa ako sa room kaya sasabay na lang ako kay ate Sera. Pabili na lang ng egg sandwich." Nag-abot ito sa mga kaibigan ng pera bago humarap ang mga ito sa kaniya at muling nagpasalamat.


Nginitian niya ang mga ito at kumaway bago ito tuluyang makaalis. Nagsimula naman silang maglakad ni Sofie sa kabilang direksyon patungo sa mga silid nila.


"Ate Sera, sobrang thank you talaga na tinulungan mo po kami sa science investigatory project namin," anito habang naglalakad sila.


She glances at the girl and smiles. "Ano ka ba? Wala 'yon. Nagulat nga ako na sa'kin kayo nagpatulong e medyo limot ko na rin yung ginawa namin do'n lalo na sa data collection," natatawang tugon niya rito.


"Tingin ko ate, memorize mo by heart 'yon kasi nasagot mo po ang lahat ng tanong namin kanina," sambit ni Sofie nang nakangiti. "Buti na lang po talaga at nakita namin yung S.I.P niyo last year kasi may data pa po kaming kulang. E deadline na po ng submission no'n next week."

     

"Mabuti talaga at nagtingin kayo sa library. Minsan kasi, wala sa internet ang sagot sa lahat lalo na sa mga ganiyan na kailangan niyo ng manual data collection galing sa surveys at sample projects."

    

"Oo nga po e. Kaya sobrang thank you po talaga."

     

"Wala 'yon. Masaya naman akong makatulong kahit papaano."

      

"Ang bait niyo po. Tama nga si Jino."

      

Napatingin siya rito habang patuloy pa rin sa paglalakad nang mabanggit nito ang pangalan ng lalaki. He mentioned her to Sofie? "Ano namang sinabi niya tungkol sa'kin?"

      

"Na approachable ka po kaya 'wag daw akong mahihiyang magtanong sa'yo." Ang lakas ng pintig ng puso niya nang marinig iyon. "Nakakainis nga po yun e. Ayaw niya kaming tulungan. Tiwala naman daw siya na kaya ko nang tapusin 'tong S.I.P namin."

     

Napabuntong-hininga na lamang siya sa loob-loob niya at ngumiti rito. "Napaka-supportive naman pala ni Jino kung gano'n. Hinahayaan ka niyang maging independent kasi naniniwala siyang kaya mo."

      

"Hindi, ate. May gagawin daw sila nina Ranz kaya hindi niya ako matutulungan. Kung hindi dahil sa tulong mo ate, siguradong hindi namin matatapos 'to."

      

"I'm sure, tutulungan ka niya kung wala lang silang gagawin. Pero alam kong kahit walang tulong ko, kaya niyo. Nahanap niyo nga yung kailangan niyong data, 'di ba?"

     

"A basta, ate. Buti na lang talaga at may friend si Jino na katulad mo. Kung hindi, nganga kami next week."

     

Nginitian na lamang niya ito bago napatingin sa paanan niya. Kaibigan. Totoo naman, pero bakit ang sakit pa rin na para siyang sinampal ng salitang iyon?

Throwback Mahal Kita [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon