Kabanata 2

62 4 0
                                    

   

October, 2019


Ang patuloy na pag-ring ng kaniyang cellphone ang gumising kay Sera mula sa mahimbing na pagkakatulog. Mula sa tagilid na pagkakahiga ay iginalaw niya ang kaniyang mga paa upang kunin iyon sa kaniyang paanan.



Finally holding the phone, she lazily answered the call without looking at the caller's name. Ni hindi man lamang niya iminulat ang kaniyang mga mata dahil natutulog pa rin ang kaniyang diwa.


"Hello?" Tinatamad na sagot niya.


"Good morning sa best friend kong ubod ng ganda!" Malakas na bati ng pamilyar na boses ni Bea sa kabilang linya, kasunod ang pagkanta nito ng isang birthday song. "Natutulog ka pa ba?" Tanong nito nang matapos ang pagkanta.


Isang buntong-hininga lamang ang naging tugon niya roon. The girl laughed from the other line.


"Tumatanda ka na nga talaga."


"Dapat ba akong matuwa na ang aga-aga mo akong tinawagan para diyan?"


"Para batiin ka ng happy birthday? Syempre naman! Nag-alarm pa kaya ako."


"Salamat, ha? Sana sinabi mo para hindi na ako nag-alarm. Nauna ka pa sa alarm clock ko," sarkastikong tugon niya rito at nag-inat ng katawan. Tinawanan lamang siya nito. "Pero thank you sa pagbati."


"Maliit na bagay. So, ano? Party tayo mamaya? Xylo after ng shift," mungkahi nito.


"Gaga ka. Lunes na lunes, walwal agad ang nasa isip mo."


"Anong Lunes lang? Every day of the week kaya, walwal ang nasa isip ko. Tsaka, why not? Dapat nga nag-birthday leave ka na ngayon pero hindi mo naman ginawa. Mag-sick leave na lang tayo bukas. One day lang naman so hindi na kailangan ng medical certificate. Ano? Tara?"


"Napaka-bad influence mong gaga ka. Bahala ka diyan. Patulugin mo muna ako. Bye."


Hindi niya na hinintay na makapagsalita pa ito at agad na tinapos ang tawag. She pushes her phone under her pillow, and closes her eyes to take a quick nap.


Wala pa mang limang minutong nakasara ang kaniyang mga mata nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. Napabuntong-hininga siya nang malakas bago kinuha iyon at pabarag na sinagot.


"Pwede ba, Beatrice Mendoza? 30 minutes pa bago mag-alarm ang cellphone ko, patulugin mo muna ako!" Naiinis na sambit niya bago pa man makapagsalita ang nasa kabilang linya.


"Sorry. Napaaga yata ang tawag ko."


Hearing a male's voice from the other line, her eyelids flew open and her gaze immediately settled on her phone's screen. Napasinghap siya nang makitang si Jino ang nasa kabilang linya, at agad siyang napaupo na animo ay binuhusan ng malamig na tubig ang kaniyang pagkatao.


"Jino!" She exclaimed, failing to control the surprise in her voice.


"Good morning, Sera. Nagising ba kita?"


Throwback Mahal Kita [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon