Kabanata 8

37 3 0
                                    










Ibinaling ni Sera ang tingin sa gitara habang tumutugtog si Jino gamit iyon at kumakanta. She sways her hands as she avoids his gaze, mentally telling her heart to calm down.


Mula sa sulok ng kaniyang mata ay nakita niyang papalapit sa direksyon nila si Pauline. Ngumiti ito sa kaniya na agad naman niyang tinugon ng isa ring ngiti.


She stops and stands next to Ranz. Tumigil naman ang huli sa pagbi-beatbox nito habang patuloy lamang si Jino sa ginagawa nito.


"Oy. Bayad niyo muna sa props para sa sayaw bukas bago kayo mangharana dyan," sambit ni Pauline dahilan upang bahagya siyang matawa.


Iyon ay dahil hindi lamang sa sinabi nito, kundi dahil na rin sa tugon ni Jino nang tapunan niya ng tingin ang mukha nito. Tumango lamang kasi ito habang nakatingin sa kaniya nang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Hindi niya tuloy mawari kung ang kaibigan ba nito ang inaasar nito, o siya.


"Ayan si Jino," ngumuso si Ranz sa direksyon ng lalaki habang may dinudukot sa bulsa. "Busy sa panghaharana. Assistant lang ako rito," anito na nag-abot ng pera kay Pauline.


Kumunot ang noo niya sa sinabi nitong iyon bago nakangiting umiling.

    

"Concert niya raw, Pauline. Tara. Samahan mo ako, libre lang naman daw," pag-aya niya habang pasimpleng ipinunas sa palda ang namamawis na palad.


She may appear calm on the outside, but she's screaming deep inside because of what Ranz had jokingly pointed out. Idagdag pang nararamdaman niya pa rin ang mga mata ng lalaking patuloy lamang ang pagtugtog sa kaniya.


"Concert talaga?" Ani Pauline.


Sa pagkakataong iyon, nilingon ito ni Jino nang hindi pa rin tumitigil sa pagkanta at nakita niya itong tumango sa kaibigan. Tinaasan ito ng isang kilay ng huli bago nakangiting umiling at tumingin sa kaniya.


"Hindi na, Sera. Mangha-haunting pa ako ng mga kaklase naming kung saan-saan nagpakalat-kalat ngayon." Naglakad ito papalapit kay Jino at hinampas ito sa likod na natawa lamang dito. "Magbayad ka pagkatapos mo dyan. Gawin kong doble 'yung sa'yo e."


Pagkasabi niyon ay nagpaalam na ito at bumaba ng hagdan.


Bumalik naman sa pagtugtog ng beatbox si Ranz hanggang sa matapos nila ang buong kanta. Agad siyang pumalakpak na may kasamang sigaw.


"Ang galing! Deserving ng malakas na palakpakan na may kasamang sigawan," aniya.


"At tubig," dugtong ni Ranz.


"At tubig," pagsang-ayon niya. "Kasali ba kayo sa battle of the bands bukas?"


"Oo, Sera. Nagpalista sina Errol. Manunuod ba kayo?"


She places her forefinger on her chin, as if thinking deeply on what to respond at Ranz's question. And then, she nods.


"Kung kasali pala kayo, e di pupunta kami sa umaga para mag-cheer sa inyo. Dapat sa hapon lang sana kami pupunta para sa dance contest e."


"Kasali kayo do'n?"


"Oo. 'Wag mong sabihing sumali rin kayo?"


Tumango si Ranz at bahagyang tumawa. "Sila Julie naman ang nagpalista do'n. Ang active nila, 'no? Paano ba naman kasi, hindi na raw magpapa-quiz si ma'am Calizo kapag sumali raw do'n," paliwanag nito.


Natawa siya nang malakas. "Aba't pareho pala tayo ng kondisyon."


Nagkibit-balikat na lamang ito, at napailing naman si Jino.


Throwback Mahal Kita [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon