Kabanata 4

53 2 0
                                    







Patuloy ang paglipas ng mga araw, at ang inaakalang panaginip ni Sera ay ang kaniya na ngayong kasalukuyan. Indeed, she misses her job and all the benefits that come along with it. Nami-miss niyang bilhin lahat ng nais niyang bilhin, at gawin ang nais niyang gawin. But she admits, being a struggling student once again makes her appreciate little things more— Gaya na lang ng egg sandwich na nabili niyang nagkakahalagang walong-piso sa canteen.

"Na-miss ko 'to," aniya at kumagat sa pagkaing binili.


Napailing ang kaibigan niyang naglalakad sa tabi niya. "Halos araw-araw mong kinakain 'yan, bakit kung makapag-salita ka, parang ilang taon kang hindi nakakain ng egg sandwich ng canteen?" Ani Shenalyn, isa sa mga kaklase niya.


"Wala lang. Masama ba kung araw-araw ko 'tong mami-miss?"

Her friend chuckles and bumps her shoulder against hers while they ascend the stairs toward their classroom. Hindi niya mapigilang tapunan ng tingin ang katabing silid-aralan nang mapatapat na sila sa pinto ng sa kanila. Saglit lamang iyon at agad din siyang sumunod kay Shen papasok sa loob.


"Okay, wala si Sir Seron," anunsiyo ng isa sa mga kaklase niyang lalaki nang nagmamadali itong pumasok sa classroom. "May meeting daw siya."


Agad namang nagdiwang ang buong klase at nagpatuloy sa kaniya-kaniyang mga gawain.

"Okay! At dahil diyan," Cindy, one of her classmates, places her laptop on top of the teacher's desk, "manood tayo. Panuorin na natin 'yung Koizora. Na-download ko na kagabi."


Sa sinabi nitong iyon, nagsi-pwesto malapit sa harap ang mga interesadong manuod. Mahaba-haba ang oras na gugugulin nila sa panunuod dahil ang susunod na klase nila ay alas-dos pa ng hapon.


Hindi mapigilang mapa-ngiti ni Sera habang pinapanuod ang mga ito.


"Isa 'to sa mga na-miss ko sa high school life ko. Mag-aral nang hindi pino-problema ang mawalan ng oras para magsaya. Panood-nood lang kapag vacant o walang subject teacher."


Naupo si Sera sa isang bakanteng upuang naka-tapat sa pinto ng classroom nila habang patuloy ang pag-nguya ng sandwich na binili niya.


Doon siya madalas umuupo kapag may hinihintay siya para kumpletuhin ang araw niya. That was one thing she also missed about high school.


Bahagya siyang natigilan sa pagkagat sa pagkain nang masulyapan sa bintana ang paglabas ni Jino sa classroom nito. May kausap ito bago tila saglit na nagpaalam at naglakad padaan sa tapat nila. Doon ito dumadaan dahil ang kanilang silid ang malapit sa hagdan pababa sa ground floor ng gusaling iyon.


If you think this is what she anticipates every school day since the day she started liking him, then you are right. Maging siya ay hindi maipaliwanag kung paanong ang pagtanaw dito sa tuwing ito ay daraan sa tapat ng silid nila ay isa sa mga kumukumpleto sa araw niya. Biglang isang araw, inaabangan niya nang mangyari iyon, at maging sa mga sumunod na araw na nagdaan.


Silently watching him as he passes by their room during vacant time or even while in the middle of a class, like he carries a magnet everywhere with him that draws her attention toward him. Hindi niya mapigilang sulyapan o tapunan ito ng tingin.


And every time he would occasionally glances inside their room, she would look away and pretend to be busy with anything— Anything but looking at him. Oo, tawagin na siyang assumera. Ni hindi niya naman kailangang gawin iyon dahil baka nagkakataon lang na napapatingin ito sa loob ng silid nila. Ngunit magsisinungaling siya kapag sinabi niyang sa iilang pagkakataong iyon, hindi niya hiniling na sana isa siya sa mga naging rason kung bakit niya ginagawa iyon.


Throwback Mahal Kita [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon