Chapter 9

453 55 1
                                    


(Present Year 2021)

Jaydee's POV

Nasa mall ako ngayon kasama si Laney, nagpatulong ako sakaniya bumili ng gamit para bukas. Mabuti nalang at day off naming dalawa kundi ako lang mag-isa dito.

"Bebang ano sa tingin mong maganda kulay?" tanong ko kay Laney, bumibili kami ngayon ng led lights.

"Mas okay tong dim lang kesa sa iba ibang kulay" Sabi niya

"Osge, eto nalang" mabuti nalang talaga andito siya

"Nga pala laney, kamusta kayo ni dada?"

"Okay naman, ganon pa din. Walang label. Ewan ko ba dun, wala yatang balak jowain ako eh" reklamo ni laney

"tagal niyo na ah? 9 months?" mag-iisang taon na din pala silang walang label

"galing! bilang na bilang ah?" -laney

"oo kasi diba nagstart kayo mag-usap, malapit na bday mo non. Tsaka matandain talaga ako sa mga date date na yan" sabi ko

"pag ako nainis, ako na magtatanong sakaniya" sambit niya

"Wala naman masama dun, mahal mo naman siya diba? Kung ako sayo, unahan mo na. Baka kasi pagpinatagal niyo pa yan, mawala pa isa sainyo." payo ko sakaniya. Hindi ko naman jina-judge yung relasyon na meron sila, ang akin lang, magulo yung ganyang set up. Hindi mo alam kung ano kayo. Friends with benefits ganon?

Inisa-isa namin yung mga nakalista na bibilhin. Ang dami pala neto, tapos iba-ibang shop pa kaya nakakapagod. Sana magustuhan ni pranses ang surpresa ko sakanya para bukas, 3rd anniversary na kasi namin. Naisipan kong surpresahin siya pero sa bahay lang, balak kong gawin bago pa siya makauwi ng bahay. Buti nalang full schedule siya kaya makakapag-ayos ako

Excited ako kasi ngayon ko nalang ulit susurpresahin ng ganto si queen. Nung 2nd anniversary kasi namin nagkaproblema kaya hindi na namin nacelebrate

Kahit na nagbabangayan kami lagi ni Frances, mahal na mahal ko pa din siya. Asawa ko yun ih, kahit na naubusan na siya ng kasweetan sa katawan at lalong sumeryoso sa buhay, mahal na mahal ko pa din ang babaeng iyon.

Nang mabili na namin lahat ng kailangan naming bilhin, nilibre ko ng lunch si laney dahil nakakahiya naman sakaniya, nagpatulong lang ako. Nasa may restaurant kami ngayon dito pa din sa loob ng mall

"Pili kana ng gusto mo, mag-cr lang ako" paalam ko kay laney

Ng makapasok ako sa cr, nagulat ako sa babaeng naghuhugas ng kamay

"Madong!!" tawag ko sakaniya

"Oh jaydee? Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" Tanong niya

"Ah kasama ko kaibigan ko, kakain kami ng dinner. Ikaw sino kasama mo?"

"Si Miggy, gusto niya kasi kumain sa labas. Nagsawa yata sa pagkaen ng ospital" -madie

"Gusto niyo ba share nalang tayo table?" aya ko sakniya

"Sige sure" nakangiting sabi niya

--

"laney, si madie nga pala yung kinukwento ko sainyo non na childhood bestfriend ko" pinakilala ko si Madie kay Laney

"Si Laney kaibigan ko and ka-work ko din"

"Hello nice to meet you" masayang bati ni Laney kay Madie

"Nice to meet you too laney, nga pala, anak ko. Si miggy, baby say hi to tita laney" -madie

"hello po tita laney" bati ni miggy sakaniya

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now