Chapter 10🌻

511 52 3
                                    


Jaydee's POV


Nagising ako dahil tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Nakita ko si madie natutulog sa upuan katabi ng anak niya. Anong oras na ba?

Mag 7 na pala. Kailangan ko ng umuwi. Hindi ko na ginising si Madie dahil wala pa siyang tulog, hinayaan ko na muna siya.

Pagpasok ko ng sasakyan nakita ko yung mga gamit na binili namin kahapon. Ah shit! Oonga pala. Anniversary na nga pala namin. Sa sobrang dami ng nangyare kagabi diko na naalala. Dali-dali akong nagmaneho pauwi para maabutan ko si Queen sa bahay.


Pagkauwi ko hinanap ko agad si queen pero naka-lock na lahat ng pinto. Aga niya yata umalis? Hindi na din kami nagkasabay mag-almusal. Hay. After ko kumain, nagpahinga muna ako sa kwarto. Iidlip pa muna ako ulit, 10 pa naman pasok ko.


--


Nandito na ako sa ospital pero diko pa din mahagilap ang asawa ko. Full schedule nga pala siya today, baka busy na siya sa mga patients niya. Nag-rounds na muna ako kase wala pa ako patient

Habang naglalakad, naalala ko si Miggy. Okay na kaya siya? Puntahan ko muna.

--

Kumatok ako sa pinto ng room ni miggy. "Oh Jaydee ikaw pala" bungad sakin ni Madie

"Kakamustahin ko lang sana si Miggy, gising ba siya?" pumasok ako nakita kong naglalaro na si Miggy ng mga toys nya

"Hi baby miggy" bati ko sakaniya

"Hello po tita jaydee, laro po tayo" aya niya sakin

"sige sure, good boy ka talaga baby. Lakas lakas mo na ah" I said while patting his head

"thank you po tita for helping me and for not leaving mommy while i'm sick" he said. Awww my heart. Ang talino talaga ng anak ni Madie kaya sobrang nalalapit loob ko sakaniya

"No problem baby, that's my job, So I will make sure na you're always okay" Niyakap ko siya ng di gaanong kahigpit


--


"Kamusta pala yung surpise mo mamaya?" tanong ni Laney, nasa canteen kami kumakain ng lunch

"Mamayang out ko palang aayusin" sagot ko

"Gusto mo ba tulong doc? Maaga out ko ngayon" sabi ni Brei

"Really? I badly need help talagaaa, kung wala kayong gagawin puntahan niyo lang ako sa bahay" Sabi ko sakanila

"Sige I'll go" -Gabb

"Pass muna ako doc, dami ako patients ngayon eh" sabi ni Amy

"Ako hahabol nalang if ever" -Laney

"Okay lang mga panot! Kaya ko naman siya ng mag-isa, mas mabilis nga lang matatapos if may kasama ako" I said. Excited na talaga ako, sana magustuhan ni queen

"G lang, wala naman kami gagawin" -brei

"basta libre mo nalang kami katapos" -laney

"I think, tama" -gabb

"ay kaya ko na palang mag-isa" sabi ko sakanila

"kuripot mo talaga! mag-sama kayo ng asawa mo" sabi ni Laney. HAHAHAHA ganon talaga ang buhay may asawa. Hindi na basta basta gumagastos

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now