Chapter 7: High School Life

147 10 5
                                    

Laxxus POV

UNANG araw ko ngayon bilang high school student sa San Nikolas High School at ngayon ang simula ng aming klase. Maswerte ako at may nagbigay sa akin ng scholarship nang makapagtapos ako sa elementarya kaya isang malaking oportunidad na rin ito para sa pagtupad ng aking mga pangarap.

Nasa bungad na ako ng aking eskwelahan, pinagmasdan ko ang kabuuan nito mula sa labas. Malawak ito kumpara sa ibang paaralan dito sa bayan, pansin ko na maayos ang pasilidad at maging ang seguridad ay maayos. Nang makapasok sa loob ay mas lalo akong namangha, natulala pa at tila ginaganahan akong mag-aral ngayon.

Maraming estudyante ang nagkalat sa buong paligid. Naglakad na ako upang hanapin ang aking magiging classroom at makalipas ang ilang minutong paghahanap ay nahanap ko rin ito sa wakas.

Nasa pintuan pa lang ako nang bumungad na sa akin ang mga magiging kaklase ko. Nahihiya akong napayuko at tumuloy na lamang ako sa dulo sa may likod na bahagi ng silid. Ramdam ko pa rin ang bawat tingin nila sa akin, naka-simpleng t-shirt lang ako at pantalon at pinaresan ko iyon ng puting rubber shoes.

Alam kong pang-mayaman ang paaralan na ito at hindi ako nababagay rito ngunit hindi ko pwedeng ikatakot ang pang-aapi sa akin kung sakali. Rinig ko ang bulungan ng iba, tila intensyon talaga nila iyon na iparinig sa akin.

"Anak daw iyan ng mamamatay tao,"

"Mahirap pa!"

"Gwapo naman siya, huwag niyo naman siyang husgahan." Rinig kong pagtatanggol ng isa sa kanila.

Iilan sa mga iyan ang aking narinig sa isang grupo sa loob ng klase. Inangat ko sila nang tingin at napailing na lang noong taasan ako ng kilay ng isang babae at batid ko na may kasungitan na taglay ang isang iyon.

"What are you looking at?" maarteng tanong sa akin nang babae.

Napaayos ako ng upo, ayaw kong makipag-away ngayon. Ayaw kong makarating kay Aling Berna ang ganitong sitwasyon na nangyayari dito sa akin. Hangga't kaya kong ipagtanggol ang sarili ko, hindi ko muna hahayaan si Aling Berna na ipagtanggol ako. Kailangan kong matuto at tumayo sa sarili kong paa.

"May tinitignan ba ako?" sarkastikong tanong ko sa kaniya, "hindi kita tinitingnan kung iyon ang ipinapalagay mo." giit ko sa kaniya.

Umirap ito sa akin at padabog na umalis sa akingn harapan. Papansin! Akala niya siguro tinitignan ko siya, pwes mali ang kaniyang mga mata.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang aming bagong guro. Bumati ito sa amin bago nagpakilala.

"Ako si Bb. Clara Madrid at ako ang magiging adviser at teacher niyo sa buong isang taon. Kung gayon, kayo ay magpakilala rin sa akin, maliwanag ba?"

Sabay sabay kaming sumagot, "opo!"

"Kung ganoon, maaari ba na si likod tayo mag-umpisa?" muling tanong niya kaya tanging tango lang ang sagot namin. Lumingon ito sa aking gawi at nginitian ako, "ikaw ang mauna, hijo."

Napakamot ako sa aking ulo dahil nahihiya ako. Inayos ko ang aking sarili bago bumuo ng salitang sasabihin ko.

"Laxxus Harris Sarmiento, ako'y ulila na." Iyon lang ang aking sinabi at mabilis na umupo.

"Iyon lamang ba ang impormasyon na maiibigay mo sa pagpapakilala? Wala ka bang hilig gawin na iba?" muling tanong ni Bb. Clara.

"Mahirap naman kasi iyan, Ma'am kaya walang kayang gawin." sabat ng isa kong kaklase.

"Quiet! Magsalita lang kapag kailangan at huwag kayong manghusga ng kapuwa niyo,"

Humingi ng paumanhin sa klase ang babae kong kaklase. Muli akong tumayo at sinagot ang kaniyang katanungan.

"Mahirap lang ako, wala akong hilig sa ibang bagay. Hindi ko lamang po priority ang mga bagay na hindi ko naman kailangan," sagot ko sa kaniya. "hindi kasi katulad ng karamihan, na halos maging sakim na sa pamumuhay ng marangya."

Tumango-tango lang ito kaya naupo na ako. Nagpatuloy ang pagpapakilala hanggang sa matapos ito. Wala naman akong tinandaan sa kanilang mga pangalan dahil wala akong balak tandaan ni isa sa mga iyon. Nais ko lang makapag-aral ng maayos at hindi makipag-away sa loob ng isang taon.

Nagpaalam si Bb. Clara sa amin kaya tahimik lang akong nagmasid sa aking paligid. Muling nag-ingay ang mga kaklase ko na tila matagal ng magkakakilala. Sabagay, mayayaman kaya sanay ng makihalubilo sa kapuwa mayayaman.

Tahimik lang ako nang sumulpot sa harap ko ang babaeng masungit. Tinapunan ko siya nang masamang tingin.

"May kailangan ka?" mariin kong tanong. "Kung wala, makakaalis ka na sa harap ko kasi hindi ko papatulan ang pang-mamaliit mo sa akin," pranka kong saad.

"Hmp! Sungit, gusto ko lang naman makipag-kaibigan," aniya bago umalis sa aking kinauupuan.

Bumalik siya sa mga kaibigan niya at nagtataka ako na puro lalaki ang mga iyon. Wala naman sigurong malisya ngunit hindi talaga ako mapalagay na puro lalaki ang mga kasama niya. Hindi ko naman buhay ang kung mapahamak siya.

DUMAKO ang tanghalian kaya mabilis akong lumabas sa aming classroom upang magtungo sa canteen. Habang naglalakad ako patungo roon ay patingin-tingin ako sa paligid na tila nagmamasid. Hindi pa rin talaga mawala ang aking pagkamangha sa aking bagong paaralan.

Kumakain ako ng aking tanghalian at akmang susubo na ako nang umupo ulit ang babae sa aking harapan. Bakit ba siya nangungulit sa akin? Pabagsak kong inilapag ang aking kutsara't tinidor.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Tila naiinis kong tanong sa kaniya. "Hindi kita kilala kaya tumigil ka sa kakasulpot sa harap ko,"

Napansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi maging ang kaniyang mata. Umiyak kaya siya? Hindi ko alam pero parang may mali sa kaniyang mukha. Nangalumbaba ito sa aking harapan at pinakatitigan ako bago magsalita.

"Yesha..." usal niya, "Yesha ang aking pangalan,"

Napakagandang pangalan ngunit pangit naman ang ugali. Hindi na kataka-taka kung maging isang kaaway ko siya dito sa paaralan. Hindi naman siya siguro katulad niyong dati kong kaklase na si Vina na matapobre at mayabang.

"Hindi ako interesado sa pangalan mo," wika ko. "wala akong balak makipagkaibigan sa mga mayayaman na tinatapak-tapakan ang mga mahihirap na kagaya ko."

Sa halip na mainis siya sa akin ay mas lalo namang lumapad ang kaniyang ngiti. Napakamot na lang ako sa aking sentido dahil hindi ko alam kung hanggang kailan aabot ang pasensya ko sa babaeng ito.

"Pero interesado ang mga kaibigan kong kaibiganin ka. Kaya paunlakan mo sana ang kanilang kagustuhan," sagot niya.

Umiling ako, "kung ayaw nang tao, huwag niyong pilitin." giit ko sa kaniya. Hindi naman ito umimik kaya nakahinga ako ng maayos nang umalis siya sa aking harapan.

Pinagmasdan ko ang likod niyang papalayo. May katangkaran siya ngunit mas matangkad pa rin ako. Ibinaba ko na ang aking tingin at mabilis na tinapos ang aking pagkain.

"Hindi ako maaaring magpa-api sa mga katulad niyo na bulok ang pag-uugali," bulong ko na tanging sarili ko lamang ang makakarinig.




To be continued...

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon