Chapter 14: Buhay sa Lungsod

94 9 1
                                    

Laxxus POV

PAGKATAPAK ko pa lang ng Maynila, walang sariwang hangin, mainit at maraming sasakyan. Napangiti na lang ako dahil iba talaga ang buhay dito sa lungsod kaysa sa probinsya.

"Paano ba iyan Laxxus, dito ka na muna tumuloy pansamantala," imporma sa akin ni Mang Kanor.

Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Pansamantala muna akong matutulog rito sa barong-barong na tulugan ng mga drayber ng truck. Sabagay, kapag siguro makalipas ang isang linggo may mahanap na rin akong paupahan.

"Sige po, Mang Kanor. Maraming salamat po."

Tinapik nito ang aking balikat. "Iiwan na muna kita rito, kailangan ko rin umuwi sa asawa ko," natatawa niyang saad sa akin. "Mahirap na at baka palayasin ako sa bahay, selosa pa man din iyon," biro niya na siyang ikinatawa ko.

"Sige, Mang Kanor. Ingat po sa daan,"

"Ikaw ang mag-ingat, Laxxus. Maraming masasamang loob rito," seryosong paalala niya.

Ngumiti na lang ako ng pilit sa kaniya. Umalis na rin ito at naiwan akong mag-isa. Napabuntong-hininga ako, naupo ako sa isang mahabang upuan. Inayos ko ang aking dalang bag at iyon ang ginamit na unan.

Matutulog na sana ako ngunit may narinig akong kaluskos. Napabangon ako ng mabilis nang may marinig akong nagsalita.

"Gago, pare! Ang kinis ng babaeng iyon, gusto ko tuloy siyang i-kama!" napahalakhak pa ang lalaki.

Nakikinig lang ako sa kanilang usapan habang nakakunot ang aking noo. Tila nagbalik ang isang ala-ala sa utak ko na ayaw kong mangyari muli. Ayaw ko nang alalahanin pa ang bagay na iyon dahil magiging sagabal lang sa pagbabagong buhay ko.

"Ako rin, pare! Kung hindi lang dumating ang boyfriend niya siguro sarap na sarap na tayo ngayon," pagsang-ayon ng kasama nito.

Tumawa silang dalawa na tila ba baliw at hayok sa isang babae. Mabilis akong nagtago sa ilalim ng medyo maayos na pa naman na kama dahil narinig ko ang yabag nilang papasok sa loob.

"Bakit iba ang amoy rito sa loob? Parang may bagong salta, pare."

Tinakpan ko ang aking bibig upang walang marinig na kahit anong tunog. Hindi rin ako makahinga dahil nasisikipan ako sa aking pinagtataguan. Sinubukan kong tumagilid at hindi gumawa ng kahit na anong tunog.

"Guni-guni mo lang iyon pare,"

Humiga ang isa sa kama. Pinilit kong huwag huminga ng mga ilang segundo. Nakikita ko ang biyas ng isa pang lalaki na nakatayo pa lang sa gilid ng kama. Napaigtid ako nang maramdaman kong sisilip siya sa ilalim pero mabuti na lang at napigilan ng kaniyang kasama.

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Tangina! Muntik na ako roon, ah. Bulong ko sa aking isipan.

Naging tahimik ang buong paligid, namatay na rin ang ilaw na nagsisilbing liwanag sa buong kwarto. Minumura ko ang aking sarili dahil panay ang kagat sa akin ng lamok. Anong aasahan ko rito? Wala na ngang bentilador, marumi pa ang buong paligid.

Hindi sa minamaliit ko ang tulugan ng mga ibang kargador at drayber ng truck pero mukhang mas malinis pa ng kaunti sa aming baryo. Ipinikit ko na lamang ang aking mata at hindi inalintana ang pagkagat sa akin ng mga lamok.

KINABUKASAN, maaga akong nagising. Wala na rin ang dalawang lalaki sa loob. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan, nag-inat pa ako at talagang masakit ang aking likuran dahil sa sahig lang naman ako natulog.

Pagbukas ko ng pinto, umalingasaw sa akin ang amoy ng Maynila, ang amoy ng squatter na aking nakasanayan. Paglabas ko pa lang ay nakita na ako ni Mang Kanor kaya agad akong lumapit sa kaniya.

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon