Chapter 15: Babae sa iskinita

115 9 0
                                    

Laxxus POV

PASADO alas syete na ng gabi at narito pa rin ako sa paradahan ng truck ng mga gulay. Kasama ko sila Kuya Berting at Kunoy na nakikipagtawanan sa ibang kasamahan namin sa pagbubuhat. Hindi ko sila kilala pero wari ko ay matagal na rin sila rito.

Naninigarilyo ang isa kaya naningkit ang aking mga mata, ayaw ko ang amoy niyon at ayaw ko rin alalahanin ang mapait kong nakaraan. Lumayo ako nang kaunti na siyang ikinataka ng dalawa kong kasamahan.

"Oh bakit ka lumalayo, Laxxus?" Tanong ni Kuya Berting na siyang ikinalingon ng iba naming kasama. "Ayaw mo ba sa usok ng sigarilyo?" dagdag niya.

Napakamot ako sa aking ulo, pilit akong ngumiti sa kanila. "Bata pa po ako at ayaw ko po na lumalanghap ng usok ng sigarilyo," nahihiyang sagot ko.

Tumango-tango na lamang ito at bumalik na sa pakikipag-usap sa mga kasama. Nakikinig lamang ako dahil ayaw ko naman sumabat dahil nakakahiya iyon. Pinag-uusapan nila ang buhay nila noon bago pa sila naging kargador at drayber ng truck.

Napangiti na lang ako sa sinasabi ni Mang Ignacio.

"Hindi ko pinangarap ang magkaroon ng maraming pera noon. Ang tanging gusto ko lang ay ang maging maayos ang buhay ko na walang tinatapakan na tao," kwento nito sa aming mga kasamahan.

"Paano naman ang buhay kung walang pera?" naiiling na sagot ni Kuya Berting sa kaniya. "E doon nabubuhay ang mga tao."

Napangisi na lamang ang matanda, "Hindi dahilan ang pera para maging ganid ang isang tao sa buhay na gusto niya. Kung ma-diskarte ito, ang pera madali niya lamang kikitain nang may prinsipyo't dangal."

"May punto si Mang Ignacio," pagsang-ayon ng hindi ko kilalang kasamahan namin.

Tama nga naman siya. Hindi dapat maging ganid ang isang tao sapagkat ang dangal at prinsipyo ay mahirap ng ibalik kapag ito ay nasira na.

LUMIPAS ang ilang oras ay nagpaalam na rin ako sa kanila. Habang naglalakad patungo sa aking inuupahan sa may madilim na iskinita, may naririnig akong ungol na tila nasasarapan at umiiyak. Kumunot ang aking noo, naglakad pa ako upang mas lalong mapalapit sa kamunduhang ginagawa ng mga ito at tama ang hinala ko.

Nakita ko kung paano hugutin ng lalaki ang kaniyang sandata sa babae. Napatakip ako sa aking bibig sa nakita kong pangyayari. Ang babae ay nakasalampak na ngayon sa may semento at umiiyak. 

"Ano, masarap hindi ba?" ani ng lalaking hindi ko makita. "Sinabi ko naman sayo masarap akong tumira kaya lang hindi kami makabuo ng nanay mo," dagdag pa niya.

Nanlaki ang aking mata. Ibig sabihin, anak ng lalaking ito ay ginagahasa ang sarili niyang anak. Anong klaseng lugar at tao ang mayroon rito? Tangina!

"M-Manyak... wala kang kwentang Ama!" galit na sigaw ng babae rito.

Mabilis na nilapitan siya ng lalaki at marahas na hinawakan ang panga nito. Sa tingin ko ay sasaktan o gagalawin na naman niya ito pero sa halip na gawin iyon ay malakas niya lang itong sinampal na siyang ikinaiyak ulit ng babae.

Wala akong magawa, tila bumabalik sa aking isip ang nangyari noon sa aming lugar. Ayaw kong maulit ang pangyayaring iyon. Ano ang gagawin ko? Hahayaan ko ba na mawalan ng dignidad ang babae?

"Pasalamat ka at pinag-aksayahan ko pa ng oras ang katawan mo, sigurado naman akong mapapagod ang katawan mo kapag iba na ang tumira sa iyo."

Napasandal na lang ako sa aking pinagtataguan. Hindi ko kayang makita na may minamaltrato na babae. Hindi ko kayang makita ang ganitong pangyayari, lahat bumabalik sa akin.

Wala siyang kwentang Ama! Imbes na siya ang magtanggol sa anak niya, siya ang gumawa ng ikakasira ng kaniyang anak. Tangina, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mundong ito ngayon, may sakit na sa utak ang mga taong ito.

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Where stories live. Discover now