Chapter 9: Alak

126 10 4
                                    

Laxxus POV

LUMIPAS ang ilang araw, ang nasaksihan kong pangyayari ay paulit-ulit sa aking isipan. Hindi ko rin sinabi ang tungkol sa nangyari kay Aling Berna. Nanatili akong tahimik.

Paggising ko noong umagang iyon ay bumungad sa akin ang balita, patay na ang lalaking pinalo ng babaeng tinulungan ko noong nakaraan. Labis akong nakaramdam ng takot. Napansin rin ni Aling Berna ang pagiging tahimik ko at tulala pero sinabi kong wala lang iyon.

Nasa paaralan ako ngayon, tahimik na nakikinig sa diskusyon ng guro sa harapan. Tungkol ito sa maling pagpapatakbo ng mga politiko. Hindi ko alam pero bumigat ang aking puso habang pinapakinggan ito.

"Naniniwala ba kayo na ang mga politiko ay walang masamang ginagawa?" kalaunan ay tanong ni Bb. Clara.

Nais kong magtaas ng kamay pero mayroon nang nauna sa akin. Hindi ko kilala kung sino basta nakatingin lang ako sa kaniya.

"Hindi po ako naniniwala, kasi pinagsisilbihan nila ang kanilang nasasakupan." sagot nito.

Napailing na lang ako, hindi naman totoo 'yan. Pinagsisilbihan man nila ang kanilang mga nasasakupan pero ibinubulsa naman ang pera ng bayan.

"May iba pa bang kasagutan?"

Nagtaas na ako ng kamay. Sinagot ko ang tanong ni Bb. Clara. Gusto kong magpakatotoo sa aking sagot.

"Naniniwala akong mayroon silang masamang ginagawa..." simula ko. Napapikit ako nang maalala ang pagkamatay ng aking mga magulang at ang pag-usbong ng isyu noon sa pagkamatay ni Mayor Alaxon ng kabilang distrito. "natatago sila sa likod ng maskara. Oo at pinagsisilbihan nila ang bayan pero subukan rin natin na huwag silang pagkatiwalaan." direktang sagot ko.

"Paano mo nasabi na huwag pagkatiwalaan ang mga politiko?" muling tanong ni Bb. Clara.

Lihim kong ikinuyom ang aking mga kamao. "Kasi pilit nilang itinatago ang kanilang masamang gawain at kapag nabuko sila, idadamay ang inosenteng tao."

Alam kong pinapatay ang magulang ko ng pamilya ng dating Mayor sa kabilang distrito. Hindi ko alam pero tila may mali sa pangyayaring iyon. Hindi naman siguro pinatay ng aking ama at sadyang napagbintangan lamang.

"Kung malinis ang gawain ng mga politiko, sana ang lugar namin ay maayos at hindi magulo." huling banggit ko bago naupo.

Tulala ang aking mga kaklase sa aking naging sagot.

"Hindi ko aakalain na sa edad mong iyan ay ganiyan ang iyong kasagutan at paniniwala, pero huwag natin lahatin na may masamang ginagawa ang ibang politiko." paalala ni Bb. Clara.

Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na nagsalita. Natapos ang aming klase kaya dumiretso ako sa likod ng paaralan para magpahangin. Sa hindi ko inaasahan, nakita ko ang magbabarkada na sina Yesha at hindi ko alam ang mga kasama niyang lalaki.

Palibot silang nakaupo sa damuhan, maingay sila't nagtatawanan. Dahil sa kuryusidad, maingat akong lumapit sa kanila. Rinig ko ang kanilang pinag-uusapan at nabigla ako nang mapansin ang isang bote ng alak.

Ito ba ang kanilang ginagawa? Bakit hindi man lang napapansin ng mga guro na mayroong nag-iinumang estudyante?

"Yesha, tikman mo rin ito, tila magiging hyper ka pa." wika ng kasama niya na hindi ko kilala.

"Gago!" pagmumura niya.

Nagtawanan sila pero kalaunan ay napilit nila si Yesha na tikman iyon. Hindi ko alam pero nangangati akong lumapit sa kanila kaya napag-pasyahan kong tumungo sa kanilang kinaroroonan.

Nabigla ako sa aking nakita sa lapag. Mayroong sigarilyo, alak at isang kapirasong maliit na plastik na puti ang laman at tila pino na parang asukal.

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt