Chapter 23: Atty. Mishel Marrey

179 12 0
                                    

Laxxus POV

"ARAY! Magdahan-dahan ka naman!" sigaw sa akin ng babaeng nabangga ko. Tumingin lamang ako sa kaniya na walang ka-emo-emosyon sa mukha. Nanghihina ako ngunit hindi ko alam kung bakit nakatitig ako sa bilugan niyang mukha. Maganda ang pagkakahulma sa kaniyang labi maging ang kaniyang kilay ay perpekto ngunit iwinaksi ko iyon at ibinaling ang ulo sa aking gilid.

Dahil sa labis na panghihina ng aking katawan, nanlulumo akong humingi ng paumanhin sa kaniya. "So-" naputol ang aking sasabihin nang bigla na lamang akong natumba at tanging naramdaman ko na lang ay isang bisig na pumulupot sa aking beywang.

Nagising ako sa isang puting silid. Nahihilo at tila nasusuka ako. Inilibot ko ang aking tingin at nakita kong may kung anong aparato ang nakaturok sa aking kamay. Nasapo ko ang aking ulo at inaalala kung ano ang nangyari. Nang maalala ang nangyari ay umawang ang aking labi.

Lapastangan akong ginahasa ni Mr. Zach Versoza. Wala akong nagawa dahil binantaan niya ang buhay ko. Iniwan na lamang niya ako roon at tinapunan pa nang pera bago umalis sa silid na iyon.

Bababa na sana ako sa aking kinahihigaan para umalis dahil wala naman akong pambayad kung sakali nang biglang nagbukas ang pinto at iniluwa doon ang isang magandang dilag.

She's wearing a formal suit-navy blue pencil cut skirt, pairing it of a white blouse. Her face is small and her eyes is so intimidating. Her presence makes my heart beat fast.

"W-Who are you?" I asked, weakly.

She walked on towards me. "I'm Attorney Mishel Marrey Suarez," pakilala niya.

Her name suits her well also. Tumikhim ako para kalimutan ang iniisip ng utak ko tungkol sa babaeng kaharap ko.

"Ano po ang nangyari? Why I am here?" magkasunod kong tanong.

Inilapag niya sa maliit na lamesa ang dala niyang nakapaper-bag bago ito tumingin sa akin. "You passed out," simpleng sagot niya.

Did I really passed out? I asked myself in mind.

"Kailangan ko na pong lumabas," aligaga akong bumangon sa aking kinahihigaan. "Wala po akong pambayad dito sa ospital."

I heard her sighed deeply, "stay there!" sikmat niya. "Hindi ka pa magaling. The doctor said that you are tired and did you have..." naputol ang sasabihin niya kaya ako na ang nagtuloy niyon.

"-sex?" malamig kong pagpapatuloy sa sinabi niya. "Yeah, I was rape, Attorney!" gigil kong sagot sa kaniya habang may namumuong luha sa aking mata.

Hinagod nito ang aking likod. "It's alright. Please, calm down."

Naikuyom ko ang aking kamao. Nagsusumamong tumingin sa kaniya. "P-Paano ako kakalma, Attorney... kung dinungisan niya ang puri ko? Kung inapakan nito ang dignidad at pagkalalaki ko?" nanghihina kong tanong sa kaniya.

"We'll talk about that, okay?" She uttered. "You still need a rest to relax your mind," She added.

Napahilot ako sa aking sentido. Sinubukan kong batukan ang aking sarili. Hindi ko alam pero paulit-ulit ang pangyayaring iyon sa aking isip hanggang sa magsisisigaw na lamang ako.

Sinubukan nitong lumapit sa akin ngunit iniharang ko ang aking kamay. "Huwag! H-Huwag kang lalapit sa akin... parang awa mo na," mangiyak-ngiyak kong sambit.

Wala akong naririnig kahit nakikita kong bumubuka ang kaniyang bibig. Tanging ang boses ng lalaking iyon ang naririnig ko sa aking taing. Nagwala ako sa sarili kong kama, binaklas ko ang dextrose na nakakabit sa aking kamay. Ibinato ko ang mga unan.

"Ahh!" sigaw ko, "l-lumayo kayo... hindi! Huwag niyo akong lapitan... maawa kayo." humahagulgol kong usal.

Hindi ko alam, pero tanging naramdaman ko na lamang ay ang masakit na tumutusok sa aking braso. Nakaramdam ako nang pagkahilo, nanghihina na rin ang katawan ko na kanina ay nagwawala lang hanggang sa mawalan na ako nang ulirat.

Atty. Mishel Marrey's POV

Laxxus Harris Sarmiento- pangalan ng lalaking kasama ko rito sa ospital. May matikas na pangangatawan at hinulmang mukha na tila nanggaling sa Bundok Olympus.

Kinailangan niya nang matinding pahinga dahil ayon sa Doctor na sumuri sa kaniyang katawan, nagkaroon komplikasyon sa kaniyang puwitan. Tila na-pwersa itong pinasukan ng ari. Ibig sabihin niyon, ang kaniyang pagiging tulala at pagwawala ay dahil sa paggahasa sa kaniya.

Hindi ako sigurado pero kailangan kong siguruhin ang kaligtasan niya. Kailangan kong malaman kung ano ang tunay na nangyari sa kaniya. Sa aking tahimik na pag-iisip, lumapit sa akin ang Doctor na sumuri sa kaniya.

"Are you his guardian? Nob-" I cut him off.

"No," agap ko. "I just saw him in the street and he passed out," giit ko.

Nakatitig lang ito sa akin na parang sinisiguro na totoo ang aking sinabi ngunit nagsalita rin lang ito sa huli. "He's stable and calm right now but I sedate him dahil sa pagwawala niya. I'll recommend him to a psychiatrist."

Nakikinig lang ako sa kaniyang sinabi. Yeah, I also think about that he needs a psychiatrist. Naisip kong ma-de-depress ito kapag nakalabas siya sa ospital.

"Alright, Doc. Thank you!" propesyunal kong pasalamat.

Umalis na ang Doctor. Nanatili ako sa labas ng kaniyang silid. Nag-isip kung ano ang totoong nangyari sa kaniya. Base sa aking kalkulasyon, galing ito sa Club dahil na rin sa nakita ko ang ID niya. Nagtratrabaho siya siguro roon ngunit hindi ko alam kung waiter o ilegal na prostitusyon ang kaniyang trabaho.

Naisipan ko na lang pumasok sa kaniyang silid. Nilapitan ko ang kaniyang kama at pinakatitigan siya. Hindi mawaglit sa aking mata ang kaniyang perpektong pagmumukha. Hindi ko alam pero may naramdaman akong pitik sa aking dibdib habang tinititigan siya.

Am I attracted to him?

Ipinagsawalang bahala ko ang aking naisip at ang pagtibok ng aking puso. Hindi ako pwedeng mahulog sa kaniya. Mas matanda ako sa kaniya. Maybe 3 years ahead from him. It is not right and it is not appropriate to me as a lawyer.

KINABUKASAN nagising ako at kinapa ang kamang kinahihigaan ko. Napamulat ako nang mata nang maramdaman na wala akong katabi at inilibot ko ang aking tingin. Hospital! Oh my Gosh! Hinanap ko ang lalaking dapat nakahiga rito sa hospital bed pero wala akong natagpuan sa loob ng silid.

Mabilis kong kinuha ang aking bag pero may nahulog doon na kapirasong papel at may laman na sulat.

Miss,

Sorry for the trouble and I owe you my life. Pasensya na sa abala, beautiful Attorney!

Btw, you sleep like a baby!

Sincerely,

L. Harris

Hindi ko alam pero napangiti ako sa sulat na 'yon. Tinupi ko ang papel at isinuksok sa aking bag. Napagtanto ko na bakit tila masaya ito sa pagsulat ng maikling liham para sa akin. Hindi ba dapat ay depress ito ngayon dahil sa nangyari sa kaniya? Is he out of his mind?




To be continued...

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz