01

5.3K 196 68
                                    

"Chimin, tama na yan kakain na tayo." Muli kong nilingon ang apat na taong gulang kong anak na nanonood ng tv.

"Mommy wait lang po." Sabado ngayon at wala siyang pasok kaya maghapon siyang nanonood ng tv.

"Chimin naman mamaya na yan at naghihintay ang pagkain dito." Sigaw ko ulit pero parang wala siyang naririnig kaya lumapit ako sa kanya na dala dala ang plato.

Umupo ako sa tabi niya. "Susubuan nalang kita." Sabi ko pero lumingon siya sakin na nakanguso. "Mommy naman, hindi na po ako baby, big boy na po ako." Natawa nalang ako sa kanya.

"Weh? Nagwiwi ka nga sa kama kanina eh." Pangaasar ako.

"Mommy naman ganon talaga pag pogi." Tapos nag pogi sign pa siya. Kinurot ko yung left cheek niya at napa aray siya ng malakas.

"Mommy pinagtitripan niyo na naman po ako." Tumawa lang ako ng malakas at sinubuan siya. "Mommy ako na po." Kinuha niya yung plato at nilagay sa mini table dito sa sala. Pinabayaan ko nalang siya at umupo ulit sa dining table.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko na tumutunog.

Amanda

"Hoy! Mag iisang oras na akong naghihintay sainyo dito baka gusto niyong bilisan."

"Huh? Teka nasan ka ba?"

"Jusko Summer diba may usapan tayo kahapon na magkikita tayo sa mall." Damn! Nakalimutan ko.

"Teka hintayin mo kami saglit lang." Pinatay ko na ang tawag at pinuntahan si Chimin sa sala.

"Chimin bilisan mo kumain naghihintay si tita ninang." Nataranta akong umakyat sa kwarto at naligo. Bakit ko ba nakalimutan yun? Ngayon kasi kami bibili ng ingredients para sa lulutuin namin bukas.

Pagkatapos kong maligo ay pinaliguan ko na din si Chimin.

"Mommy saan po tayo pupunta?"

"Secret." Ngumuso naman siya kaya napangiti ako. Ang hilig kasi niyang mag pout isang bagay na namana niya sakanya.

Lumabas na kami ng bahay at nagmadali akong nagdrive papunta sa mall kung saan kami magkikita.

Pagpasok namin sa starbucks ay nakita kagad namin si Amanda na halatang inip na inip.

"Gaga ka! Bakit ang tagal tagal niyo?" Nakasimangot niyang sabi. Ngumiti lang ako, di ko kasi alam sasabihin ko hahaha.

"Hi Tita ninang." Bati ni Chimin. "Uy nandito pala ang poging baby ko." Pinaulanan niya ng halik yung buong mukha ni Chimin na lagi niyang ginagawa.

"Pasalamat ka at nandito ang baby ko tsk tara na nga." Tumayo na kami at naglakad palabas ng starbucks.

"Tita ninang hindi na po ako baby." Tumingin si Amanda kay Chimin na nakakunot ang noo.

"Baby ka pa!" Sigaw niya kaya natawa nalang ako.

Habang naglalakad kami napadaan kami sa isang bilihan ng mga cd at karamihan ay mga albums.

"Mommy bilhan niyo po ako nun." Sabay turo sa album niya.

"Anak next time nalang at nagmamadali tayo." Maaga kasing nagsasara ang mall na ito mga 6pm ay sarado na. Nakita kong lumungkot ang mukha niya kaya binuhat ko siya. Kahit 4 years old na siya para siyang 3 years old dahil sa height niya. Napangiti naman ako, manang mana talaga sa kanya maliit din.

"Anak naman ang dami dami mo ng albums sa bahay hindi ka ba nagsasawa?" Tanong ko pero siniksik lang niya yung mukha niya sa leeg ko at ibig sabihin ay nagtatampo na siya.

Wala akong nagawa kaya pumasok kami doon. Hindi ko kasi siya matiis.

"Sige na pumili kana." Binaba ko siya.

"Hindi ka po galit?" Ngumiti ako sa kanya at umiling.

Nakangiti siyang lumapit sakin na hawak hawak yung album na napili niya. Binayaran na namin.

Dumiretso na kami sa department store para makapili ng regalo para kay Tita Amy, mama ni Amanda. Pagkatapos ay nag grocery para sa lulutuin namin bukas. Birthday kasi ni Tita Amy bukas at naisipan namin na ipaghanda siya.

"Mommy thank you po ah." Nakangiting sabi ni Chimin. Hinalikan ko naman siya sa cheeks niya.

"Ikaw pa! Alam mo naman na hindi kita matitiis." Nakangiti kong sabi.

Pagkatapos namin mamili ay umuwi na kami. Nagpaalam na din si Amanda na uuwi na rin daw siya.

7pm na din kaya nagluto na ako ng kakainin namin sa dinner. Naabutan ko si Chimin na binubuksan yung album na binili niya. Lumapit ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa picture niya. Malungkot siyang nakatitig doon kaya niyakap ko siya. Siniksik naman niya mukha niya sa leeg ko at naramdaman ko na umiiyak siya.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kapag ganito siya. Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko. Ayokong nakikita siyang ganito.

"M-mommy namimiss k-ko na po si D-daddy. Kailan po ba siya b-babalik?" Ramdam ko yung pangungulila niya.

"Soon baby....very very soon."

Park Jimin's Child (Completed)Where stories live. Discover now