03

4K 149 47
                                    

"Summer?" Muli akong lumingon sa likod ko at nakita ko si Amanda kasama ang kapatid niya. Mabilis ako lumapit sa kanya at hinila siya palabas.

"Teka bakit ka nagmamadali?" Takang tanong niya nang makalayo kami. Kahit sino naman ay magtataka sa reaksyon ko. Tinignan ko si Chimin na kumakain ng ice cream na inagaw niya kay Amanda.

"Ah..wala naman." Tanging sagot ko.

"Chimin punta tayo dun oh. Laro tayo." Tumango naman si Chimin at sumama kay Luhan. Nakatatandang kapatid siya ni Amanda.

Maraming nagsasabi na mukha siyang babae dahil sa looks nito at lalong lalo na kapag kumilos na siya. Mas babae pa nga ata siya kung kumilos kaysa sa akin.

"Amanda, I saw Taehyung a while ago." Pagsisimula ko. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ko nung nakita ko siya basta ang alam ko kinabahan ako ng todong todo.

"Taehyung? As in Kim Taehyung?" Tumango ako.

"That bastard! I will fucking kill him kapag nag krus ang landas namin." Madiin na sabi niya. Ewan ko kung may past ba sila or wala. Ayaw kasi nilang umamin that time.

"Chill. Ako nga chill lang." Natatawa kong sabi. Binatukan naman niya ako dahilan para mapadaing ako sa sakit.

"Chill? Kaya pala natataranta ka." She rolled her eyes.

Napatingin ako sa screen na malaki. At nakita ko kung sino ang nandoon, pinaglalapit na talaga ang landas namin.

"Are you dating someone?"

"Are you staying here for good?"

"Who's Summer Lee?" Nagulat ako sa tanong nung reporter. What the fucking fuck? Bakit kilala niya ako? Nakita kong natigilan siya sa huling tanong. Akala ko sasagutin niya iyon pero akala ko lang pala.

So what? Siya ang nangiwan hindi ako. Hinanap ng mata ko si Chimin at nakita ko sila ni Luhan sa may x-box chuchu na sikat dito sa mall na ito.

"Ang cute."

"Parang may kamukha teka saglit."

Hindi ko sila pinansin at kinuha yung phone ko para videohan sila. Bakit nga ba walang namana sakin itong batang 'to? Baka naman hindi ko yan anak? Or nagkapalit yung mga babies kagaya sa mga teleserye? Jusque.

Sunod nilang sinayaw yung Boy In Luv ng BTS. Medyo dumadami na din yung mga taong nanonood kaya nakakaproud. Hindi naman kasi ako marunong sumayaw ni kanta nga pinagkait pa sakin tsk.

Pagkatapos nung kanta ay lumapit sakin si Chimin na nakangiti.

"Ang galing galing naman ng baby ko." Kinurot ko yung magkabilang pisngi niya kaya nag pout siya.

"Ahm.. excuse me." Lumingon ako sa babaeng kumalabit sakin.

"Ano po yun?"

"Anak niyo po ba siya?" Binaling niya ang tingin kay Chimin.

"Ah opo."

"Mommy itatanong ko sana kung gusto niyong pag audition-in itong anak niyo. Open po BigHit para sa mga gustong mag audition." Binigyan niya ako ng papel.

"Umm.. pagiisipan ko." Sabi ko nalang. Gusto kong sabihin na ayoko kaso trabaho niya iyon kaya ayokong ma offend siya.

Pumunta kami sa bahay nila Amanda kasi nga birthday ng mommy niya kaya magluluto kami.

Naalala ko na naman yung news kanina. Base sa interview, nandito siya. Ano naman ang gagawin niya dito? Manggugulo? Damn him! Anong tingin niya samin laruan na kapag nagsawa iiwanan tapos kapag naalala babalikan at lalaruin ulit? Tangina ba niya.

Park Jimin's Child (Completed)Where stories live. Discover now