06

3.5K 132 44
                                    

Panoorin niyo yung video selemet ahehe.

I bought 2 VIP tickets for me and Chimin. Alam ko na magtatampo siya kapag hindi siya nakapunta sa concert ng BTS. Si Luhan ang nagsabi na bumili ako ng ticket para mapasaya ang anak ko, kahit may konting kaba kung para sa anak ko ay okay lang.

Narinig kong nagring yung phone ko. Ewan ko pero feeling ko may kakaiba.

"Amanda?"

"S-summer?"

"Oh bakit ka umiiyak? May problema ba?"

"S-summer nasan k-ka?"

"Pauwi na ako. Bakit nga? Anong nangyari?"

"Summer, s-si C-chimin..." Napatigil ako sa paglalakad. Nagsimula na akong kabahan.

"Si Chimin? Anong nangyari?" Pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko.

"Nasa ospital si C-chimin...Summer si C-himin.." Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok yung puso ko. Si Chimin...siya nalang yung natitira sakin. Siya nalang yung dahilan kung bakit ako nabubuhay. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pinipilit kong maging matatag. Kaya kong iwan lahat para sa anak ko. Lahat gagawin ko para sa kanya.

"Saang ospital?" Naramdaman ko na may tumulong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Sinabi niya kung saang ospital kaya agad akong pumara ng taxi papunta sa ospital kung nasaan si Chimin. Yung anak ko..

Panginoon, alam kong marami akong kasalanan sa inyo. Hindi naman ako perpektong tao pero sana hindi malala ang nangyari sa anak ko. Panginoon, tulungan niyo po ako. Siya nalang ang mayroon ako, kahit ako nalang ang parusahan niyo wag lang ang anak ko. Please, help me..

Pagdating ko sa ospital ay nakita ko kaagad si Amanda sa labas ng E.R, umiiyak. Yung mga luha kong hindi parin tumitigil sa pagtulo.

"Amanda anong nangyari?" Mahinahon kong sabi. Hindi dapat ako magpanic kailangan kong maging kalmado.

"Summer.." Niyakap niya ako ng mahigpit at humagulgol sa pagiyak. " I'm sorry..hindi ko siya n-nabantayan ng m-maayos..Summer..I'm so sorry.." Hinawakan ko siya sa balikat.

"Wala kang kasalanan. A-anong nangyari s-sa a-anak ko?"

"N-nasagasaan siya...Summer h-hindi k-ko s-sinasadya. Ang sabi ko h-hintayin niya a-ako pero p-pagbalik ko..pagbalik ko p-pinagkaguluhan s-siya ng mga t-tao...wala na s-siyang malay.."

Panginoon, tulungan niyo po ang anak ko. Wag niyo po siyang pababayaan. Ako nalang po ang kunin niyo wag lang ang anak ko, masyado pa siyang bata. Please kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang ay pagbigyan niyo ako sa hinihiling ko.

Wag niyo po siyang kunin sakin. Hindi ko kakayanin...wag po. Maawa po kayo sakin. Kahit ito lang pagbigyan niyo po ako. Parang awa niyo na.

"Sino po ang magulang ng pasyente?" Lumabas yung doktor kaya kaagad akong lumapit.

"A-ako po..Doc kamusta na po ang anak ko? Maayos na po ba ang lagay niya?" Tinignan niya ako atsaka umiling at sa puntong iyon. Parang bumagsak lahat ng kasiyahan ko.

"I'm sorry Misis masyadong malakas ang impact ng pagbagsak niya at hindi na kinaya ng katawan niya. I'm sorry. Excuse me." Napaupo ako sa sahig at napahawak sa bibig ko. Hindi.. Hindi pwede. Yung anak ko.

Humagulgol ako sa pagiyak. Bakit ganon? Ginawa ko naman ang lahat. Bakit si Chimin pa? Bakit yung anak ko pa? Lumakas ang pagiyak ko at naramdaman kong niyakap ako ni Amanda.

Chimin, ang daya daya mo. Sabi mo hindi mo iiwan si Mommy pero bakit mo ako iniwan? Diba nangako ka na hindi mo ako iiwan? Bakit? Ang sakit sakit.

Pakiramdam ko ako na yung pinakawalang kwentang ina sa mundo. Kaisa isang anak ko ay hindi ko naalagaan ng maayos. Kasalanan ko 'to kung hindi ko siya iniwan hindi mangyayari 'to. Wala akong kwentang ina.

Patuloy lang ako sa pagiyak and everything went black.

--

Tatlong linggo na simula nung mawala sakin si Chimin. Halos araw araw ang nasa bar ako. Wala ng dahilan para mabuhay ako sa mundong ito. Napakawalang kwenta ko. Sarili kong anak ay hindi ko naalagan.

Pinunasan ko yung luhang patuloy sa pagtulo atsaka ininom ng diretso ang alak na hawak ko. Ano bang naging kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Lumaki ako ng walang tinatapakan na tao. Buong buhay ko wala akong naging kaalitan.

Buong buhay ko nilaan ko lahat ng oras sa anak ko. Naging mabait naman ako sa mga taong nakapaligid sakin. Kung tutuusin ay wala akong nagawang mali pero bakit ako yung pinaparusahan?

Ganon ba kagalit ang Diyos sakin para parusahan ako?

Lumabas ako ng bar at naglakad papuntang park kung saan lagi si Chimin naglalaro. Umupo ako sa may bench at tinignan ang mga batang naglalaro kasama nila yung mga nanay nila na nakaalalay sa kanila. Malapit na mag 9pm pero marami paring tao dito sa park.

Siguro kung nandito pa si Chimin ay naglalaro na yun ngayon. Masaya siguro kaming magkasama ngayon.

Napahagulgol na naman ako sa pagiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumigil na ako sa pagtatrabaho matapos ng mangyari kay Chimin. Para saan pa kung magtatrabaho pa ako?

Napatingin ako sa langit at ngumiti ng mapait. Gustong gusto ni Chimin ang mga stars kasi sabi niya isa daw na superstar ang Daddy niya kaya kapag nakakakita siya ng stars ay naaalala niya ang Daddy niya.

"Summer?" Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Jimin na nakatayo doon kaya napatayo ako sa kinauupuan ko. Unti unti siyang lumapit sakin pero nakatingin lang ako sa mukha niya. Pakiramdam ko ay nakikita ko si Chimin kasi magkamukhang-magkamukha silang dalawa.

Nang makalapit siya ay niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol ulit sa pagiyak "J-jimin.." Naramdaman ko na niyakap niya ako pabalik kaya lalong lumakas ang pagiyak ko.

"I'm sorry...J-jimin I'm s-so s-sorry.."

"Shh.." Hinalikan niya ako sa noo.

"Hindi ako naging mabuting ina. Jimin kasalanan ko. I'm sorry.."

"What happened?" Tanong niya. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya bago magsalita.

"W-wala na ang anak ko Jimin. Wala na a-ang anak n-natin. Kasalanan ko 'to. Jimin kasalanan ko! Tatanggapin ko kung magalit ka. Saktan mo ako, sampalin mo ako. Tatanggapin ko lahat." Naramdaman ko na napatigil siya sa paghagod sa likod ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap at tinignan siya.

"Saktan mo ako. Napaka gaga ko! Kasalanan ko! Kasalanan ko!" Pinagsasampal ko yung sarili ko habang umiiyak. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko para pigilan ako. Nung tumingin ako sa mga mata niya nakita ko ang luha niya na tumutulo. Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako. Nagpupumiglas ako pero maasyado siyang malakas.

"Ano ba Jimin?! Saktan mo na ako! Kasalanan ko naman diba?!"

"Shh..tama na." Nasasaktan ako. Nasasaktan ako nung nakita ko ang mga luha niya. Alam ko na ako ang dahilan kasi hindi ko inalagaan ng maayos ang anak namin. Pero bakit ganito? Hindi ito ang inaasahan ko. Dapat ay magalit siya sakin. Kamuhian niya ako kasi nawala ang anak namin ng dahil sakin dahil sa kapabayaan ko.

"Shh. Hindi mo kasalanan." Yun ang huli kong narinig and everything went black.

***

Naiyak ako sa video na yun, swear. Doon ako nagkaroon ng idea para sa update ko. I'm sorry kung disappointed kayo sa update pero kasi wala na akong maisip dapat nga idedelete ko na itong story na 'to then napanood ko nga yung mv. Ang sama sama ko kay Summer.

Park Jimin's Child (Completed)Where stories live. Discover now