11

3.1K 108 22
                                    

"Lumayo ka sakin."

"Ayaw."

"Isa."

"Ayoko."

"Dalawa. Putangina ka kapag hindi ka lumayo babasagin ko yang bungo mo."

"Babe naman. Naglalambing lang naman ako."

"Then fuck you Byun Baekhyun!"

"Ngayon na?" Malakas na siniko ni Cherryle si Baekhyun na ngayon ay nakayakap sa likod niya. Kanina pa nagbabangayan ang dalawang yan, ang ingay ingay. Ang landi naman kasi talaga ni Baekhyun.

"Noona, nagugutom na ako." Nakangusong sabi ni Jungkook. Sinimangutan ko siya, ano ba ang tingin nila sakin at sa bahay ko? Isang hotel na tutuluyan ng mga walang bayag o isang motel ba tutuluyan ng malilibog? Tapos ngayon chef na magluluto para pagsilbihan sila. Aba aba hindi ata pwede yun. Bahay ko 'to at ako ang masusunod.

"Eh di magluto ka, problema ba yun?"

"Ang sungit naman. Halikan kita diyan eh!" Magrereact sana ako pero binatukan na siya ni Namjoon.

"Bata bata pano ka ginawa. Ang landi mo din eh." Inirapan siya ni Jungkook at umupo sa tabi ni Chimin na kumakain kaya nakishare siya kay Chimin.

Putangina ang sakit ng ulo ko. Kulang ako sa tulog dahil sa kalandian ng Jimin na yan! Ano ba kasing ginagawa niya dito. Naghahanap ng libog kaya ako pinuntahan? Nandiyan naman ang fiance niya bat di niya ikama. Nakakagago. Baka naman isang dalagang pilipina ang pakakasalan niya kaya nagpapakipot lang. Sus nasa loob din ang kulo niyan, baka mamaya pagkatapos nilang ikasal siya na mismo bubuka ng hita niya para kay Jimin.

At dahil inaantok talaga ako umakyat ako sa kwarto at nahiga sa kama. Sumakit din ang likod ko sa posisyon namin ni Jimin. Akala ko nung una saglit lang pero putangina manyak ang isang yun inabot kami ng alasingko ng umaga. Tapos nandoon lang kami sa loob tangina talaga.

Hanggang ngayon iniisip ko kung bakit ako pumayag na gawin namin yun. Bruh limang taon siyang nawala tapos magpapa easy to get lang ako? Isa pa yung fiance niya. Kahit bali baliktarin natin ang mundo mali yung ginawa namin. Kabit ang magiging image ko wtf ang isang Summer Lee isang kabit? Putangina mas okay pang patulan si Jungkook na mas bata sakin kaysa maging kabit.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip nang may pumalo sa pang upo ko. Mabilis akong lumingon sa likod ko at lalo akong napasimangot ng makita si Jimin.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na sambit ko. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Ang pangit pangit tapos yung mata hindi na makita ang sarap tirisin.

"Matutulog." Pabagsak siyang humiga sa likod ko. "Ah... ang sarap.."

"Teka Jimin, ang bigat mo." Pinilit kong gumalaw pero ang bigat talaga niya. Grabe ang liit liit tapos mabigat. Pinagloloko ata ako nito.

"Matutulog ako wag kang magulo."

"Umalis ka dito! Doon ka sa kabilang kwarto." Lalandiin lang ako ng isang 'to eh.

"Hon magusap nga tayo." Naramdaman kong umupo siya pero hindi parin ako lumilingon sa kanya.

"Isa, kapag hindi ka lumingon I'm going to take you here, right now." Madiin na sabi niya kaya agad akong umupo at lumingon sa kanya.

"Ano naman ang paguusapan natin?"

"Tungkol satin." Tumaas ang kilay ko.

"There was never an us."

"Hon seryoso ako."

"Ano naman kasing paguusapan natin? Wala naman tayo. Ikakasal ka na nga diba? Bakit ka ba nandito?" Hindi ko alam pero tuwing naiisip ko na ikakasal siya sa ibang babae naiinis ako. Parang dati lang dalawa kaming nagpaplano magpakasal. Pero iba ang sitwasyon ngayon.

Park Jimin's Child (Completed)Where stories live. Discover now