Epilogue

2.6K 84 28
                                    

Pasensya na kung epilogue agad sa sobrang tagal na kasi nito nakalimutan ko na yung flow ng story. Sabi ko dati maraming twists pero kookingina hanggang salita lang ako hahaha. Hindi na talaga ako magsasalita ng tapos. Sayang kasi kung buburahin ko kaya mamadaliin ko nalang ahehehehe. Maraming salamat sa mga umabot hanggang dito. Sa mga nagcocomment maraming salamat pati sa mga votes ermegerd maraming thank you. Mahal ko kayo as in huhuhu kita kita tayo sa next story ko charot lang ahehehehe. 😘

***

Hindi natuloy ang pag g-grocery nila dahil sa mga reporter na nagkalat sa labas ng bahay ni Summer. Hindi nila alam kung paano nila natunton ang bahay niya kaya walang lumalabas ni isa sa kanila.

Nasan na ba kasi yung lawyer mo hyung?" Tanong ni Jungkook.

"Tinawagan ko na yun kahapon sabi niya baka ngayon daw ang punta niya. Binigay ko din yung address dito." Nilalaro ni Jimin ang daliri ni Summer dahil sa pagaalala. Ayaw niyang madawit ang pangalan ni Summer at ni Chimin sa issue na ito pero parang wala silang choice kung hindi sabihin sa publiko ang totoo.

Na moved din yung concert nila ng 3 days dahil sa issue iyon ang utos ni Bang PD-nim. Ngayon na dapat ang concert pero hindi tuloy.

"HYUNG YUNG LAWYER MO NANDITO NA!" Sigaw ni Jungkook. Mabilis naman siyang tumayo at sinalubong ang lawyer niya.

"Bakit ngayon ka lang?" Inis na bungad ni Jimin.

"Aba pare nandito ako para maging lawyer mo at hindi kaibigan. Igalang mo naman ako."

"Pwes hindi ka kagalang galang." Tinalikuran ito ni Jimin at umupo ulit katabi si Summer.

"Ang cute niyo talagang tignan lalo na kapag magtatalo kayo parehas kayong pandak." Natatawang sabi ni Namjoon.

"Porket matangkad ka may karapatan kang maliitin ako? Aba lawyer ako dito." Maangas na sabi nito.

"Lawyer lawyer tss. Pandak!"

Umupo ito sa tabi ni Jungkook. "Ang internasyonal pleiboi natin lumalaki na." Ginulo nito ang buhok ni Jungkook na kinaiinis nito.

"Pandak ka kasi." Sabi ni Jungkook. Napailing lang ito. Lumingon naman ito kay Summer.

"Siya ba ang kinababaliwan ni Jimin? Nice catch man!" Kinindatan nito si Summer.

"Hoy Jinhwan wag mong nilalandi ang asawa ko kung ayaw mong hindi kita bayaran. Ayusin mo nalang ang gulong ito para matapos na." Tumayo ito kasabay ng paghila kay Summer patayo.

Sisilipin nila ang kanilang anak na baka nilulunod na ng Uncle Yoongi niya sa pool.

"DADDY!" Sigaw ni Chimin nang makita ang ama. Kinawayan ito ni Jimin. Umupo sila sa may bench at inakbayan si Summer.

"Bakit ba kating kati na yang Dianne na yan para ikasal sayo?" May pagkairita nitong sabi kay Jimin.

"Hon sabi ko naman sayo hindi kami ikakasal ni hindi kami engaged." Napatingin ito sa kanya.

"What do you mean?"

"Magkaibigan lang kami ni Dianne. Ang totoo niyan plano niyang pagselosin si Luhan kaya sinabi niyang engaged kami." Nagulat si Summer sa sinabi niya. Hindi pala si Jimin ang gusto nito kundi si Luhan.

"Magkakilala sila?"

"Nagkakilala sila nung trainee palang sila under SM Entertainment pero hindi tinuloy ni Dianne kasi para daw silang robot doon ang daming bawal. Pagalis daw ni Dianne after a week daw nag debut si Luhan sa EXO kaya nawalan sila ng time sa isa't isa." Hinalikan ni Jimin si Summer sa pisngi.

Park Jimin's Child (Completed)Where stories live. Discover now