Special Chapter

3K 90 67
                                    

MATAPOS ang unang araw ng concert at laman ng balita ang pagpopropose ni Jimin kay Summer. Hindi mawawala ang mga opinyon ng publiko pero hindi lang iyon pinansin ng dalawa. Ang mahalaga ay masaya sila sa piling ng isa't isa.

"Dad hindi ka naman babalik sa Seoul diba?" Nagkatinginan sila ni Summer sa tanong ng anak.

"May trabaho si Daddy, anak. Naiintindihan mo naman yun diba?" Biglang bumagsak ang balikat ni Chimin. Lumapit si Summer kay Chimin at pinaupo sa lap nito.

"Hindi pwedeng magstay si Daddy dito ng matagal. Pagkatapos ng concert babalik na sila sa Seoul." Mahinang sabi ni Summer sa anak. Kahit siya ay hindi pa alam kung ano ang mangyayari kapag umalis na ang nobyo.

"Babalik naman si Daddy dito kapag hindi na ako busy. Tapos tatawag ako dito araw araw." Nginitian ni Jimin ang anak pero hindi ito ngumiti pabalik.

Tumayo si Chimin at umakyat ng hagdan. Sinundan lang nila ng tingin ang anak.

"Aalis ka?" Tanong ni Summer. Nililigpit nito ang mga kalat sa sala. Nilapitan siya ni Jimin at niyakap.

"Hindi ako pwedeng magtagal dito."

"Iiwan mo na naman kami? Aalis ka na naman para sa putanginang career mo? Ganun nalang yun? Jimin hindi mo alam kung gaano yun kasakit sa bata." Galit nitong sabi. Sino nga bang hindi magagalit kung mas pinipili nito ang career kaysa sa pamilya niya.

"Summer, hindi basta basta ang pagalis sa grupo. May kontrata kaming pinirmahan at hindi pa yun tapos. Madidemanda ako kapag basta nalang akong umalis. Intindihin mo naman ako please? Ngayon lang 'to. Tatapusin ko lang yung kontrata, huh?" Hinalikan nito ang noo ni Summer.

"Paano kami?"

"Babalik ako. Pangako ko yan."

"Hanggang kailan ba yung kontrata mo?" Tinignan siya nito sa mata.

"2 years pa." Pakiramdam ni Summer isa yun sa pinakamasakit na salita na narinig niya. Katatapos lang ng problema nila may problema na naman ulit. Limang taon niya itong hinintay tapos aalis siya ulit para sa pesteng career niya.

Iniwan niya si Jimin doon na nakatayo at dinala ang kalat sa kusina. Naramdaman nitong yumakap si Jimin sa likod niya.

"I love you." Paglalambing nito pero hindi niya pinapansin.

"Kailan ka aalis?"

"Bukas." Hindi siya nakahinga sa sinabi nito. Mabilis niyang hinarap si Jimin.

"Bukas na?! Bakit bukas agad?" Naiiyak niyang sabi. Masasaktan na naman si Chimin kapag nalaman niyang bukas na ang alis ng Daddy niya at hindi niya kakayanin na makitang umiyak ang anak niya at dahil na naman iyon sa tatay niya.

"Last day ng concert bukas kaya pagkatapos na pagkatapos ng concert bukas aalis na kami." Mahinang sabi nito atsaka pinunasan ang luhang umaagos sa mukha ni Summer.

"Hindi ba pwedeng dito ka nalang?" Yumakap si Summer kay Jimin. Jimin hugged her back.

"Babalik naman ako eh. Wag ka nga umiyak, naiiyak din ako sayo eh." Natatawang sabi ni Jimin.

AT dumating na ang oras na kinatatakutan ni Summer. Ngayon ang araw na aalis ang kanyang nobyo papuntang Seoul. Pakiramdam niya bumabalik yung sakit nung iwan siya ni Jimin. Kung pwede lang niya itong ikulong sa bahay niya ay gagawin niya para hindi lang ito umalis.

Tinititigan lang ni Summer si Jimin habang buhat buhat ang anak. Ito na ang huling beses niyang makakaharap ang nobyo.

"Bakit mo ako tinitignan ng ganyan? Gusto mo ba ng round 4?" Natatawang sabi nito kaya natawa nalang siya. Mamimiss niya ng sobra si Jimin. Bigla niyang niyakap si Jimin at doon na tumulo ang luha niyang kanina pa gustong lumabas.

Hanggang dito nalang talaga. Nasa NAIA na sila kaya wala ng ibang paraan para hindi ito umalis.

"Shh. Don't cry. Babalik nga ako ang kulit." Niyakap din ito ni Jimin gamit ang isang braso.

"Dad, i'll miss you." Yumakap din si Chimin sa leeg nito at puro hikbi ng magina ang maririnig.

"Pinapahirapan niyo ako niyan eh. Sabi ko na wag kayong pupunta dito para makaalis ang ng maayos." Nahihirapan din si Jimin dahil nakikita niya ang magina na umiiyak.

Maya maya pa ay tinawag na siya ng kanilang manager.

"Noona aalis na kami. Magiingat kayo dito." Niyakap din siya ni Jungkook at ng iba pa.

"Uncle Yoongi ma mimiss din po kita." Buhat buhat ni Yoongi si Chimin. Naramdaman niyang may humila sa kamay niya at niyakap siya ng mahigpit. Yung parang hindi na sila magkikita muli.

"Mamimiss talaga kita." Nanginginig ang boses ni Jimin kaya napaiyak na naman siya. Ilang segundo pa ay naririnig na niya ang hikbi ni Jimin.

"Hyung tara na." Sabi ni Jungkook.

"Kailangan ko na talaga umalis. Alagaan mo si Chimin tsaka yung sarili mo ha?" Hinalikan siya nito at dali daling umalis na hindi lumilingon sa kanilang dalawa ng anak.

Muli ay lumingon ito ng nakangiti at kumaway sa kanila.

"Jimin..." Bulong niya.

"MOMMY."

"MOMMY."

"MOM, WAKE UP." Binuksan niya ang mata at nakita niya ang asawa at anak. Umupo siya at pinunasan ang pawis at luha.

Panaginip lang pala...

"Bat umiiyak ka diyan para kang timang." Natatawang sabi ng asawa niya. Hinablot niya ang unan sa tabi at binato sa asawa.

"Jimin ka pa ng Jimin. Wag kang ilusyonada hindi kayo magkikita non." Nangaasar na sabi nito kaya inirapan niya ito. Nilingon niya ang anak na si Chimin at niyakap.

"Jimin? The one you loved the most when you were 18?" Tanong ng anak. Ngumiti lang siya dito at ginulo ang buhok.

"At dahil sa kabaliwan ng Mommy mo isinunod niya ang pangalan mo sa poreber daw niya." Natatawang sabi ng asawa.

"Bakit ka ba nandito?" Inis na sabi niya.

"Sabi kasi ng anak ko kinakain kana daw ng kama mo at ayaw gumising."

"Kainis. Akala ko pa naman totoo. Maniniwala na sana ako sa dreams do come true na yan." Sabi ni Summer.

Umasa siya. Akala niya totoong pakakasalan siya ni Jimin pero hanggang ilusyon nalang talaga siya. Naalala niya noong kabataan niya masyado niyang mahal si Jimin na hindi man lang niya naisip na magkaroon ng boyfriend.

Yung mga panahon na nakikipagaway pa siya sa twitter dahil binabash ang bangtan. Yung mga panahon na sobrang dami niyang account na ginawa para lang bumoto kapag nagcocomeback ang bangtan. Yung mga panahon na iniipon niya ang baon niya para makabili ng albums at concert tickets. Those memories.

Napangiti nalang siya. At least nakita niya sa panaginip si Jimin at nahalikan pa niya!

"Sorry misis pero ako ang pinakasalan mo kaya magsawa ka sa pagmumukha ko. I love you." Mabilis siya nitong hinalikan sa labi at lumabas ng kwarto bitbit ang anak nila.

"JULIUS ALLAN!" Sigaw nito sa inis. Tawa lang ng asawa ang narinig niya kaya mas lalo siyang nainis.

"Lumabas kana diyan para makakain na tayo." Narinig niyang sigaw nito. Wala sa sarling ngumiti nalang siya at hinawakan ang umbok ng tiyan niya. She's 5 months pregnant at plano niyang ipangalan sa susunod na anak ay Kookie.

***

Oo alam ko na, umasa ka hahahaha. Sa wakas tapos na talaga siya. Last na to at wala ng kasunod pero sorry parin dahil minadali ko hahaha. Maraming salamat parin kasi pinagtiyagaan niyo ito. Sa mga nagcocoment and votes. Hindi niyo alam kung gaano yun nakakataba ng puso. Follow niyo ako sa twitter at doon tayo magusap ahehehe @/jiminstation ang username ko. Love lots.

Park Jimin's Child (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat