02

3.8K 186 37
                                    

Magkakalahating oras na akong nakaupo sa bench pero wala paring Jimin na nagpapakita. Pinapunta niya kasi ako dito dahil may mahalagang bagay daw siya na sasabihin.

"SUMMER!" Nilingon ko ang tumawag sakin at mahigpit akong niyakap. Halatang masaya siya dahil halos mapunit na ang labi niya sa lawak ng ngiti niya.

"Hon. Sabi ng manager namin magdedebut na daw kami sa susunod na buwan. Hon. Matutupad na ang pangarap ko na maging singer!" Masayang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Masaya ako para sa kanya pero pano naman ako?

"Oh bakit malungkot ka?" Tanong niya.

"Iiwan mo na ako?" Gusto kong maiyak pero ayokong umiyak sa harap niya.

"Ano ka ba naman, diba napagusapan na natin 'to? Sabi ko naman sayo na para sa kinabukasan natin 'to. Summer mahal na mahal kita."

"Pero paano ako? Jimin sa ibang bansa ka pupunta buti sana kung sa Pilipinas lang pero Jimin, Korea yun. Ang layo layo nun." Hindi ko napigilan ako luha ko. Ayokong magisa. Sabi niya hindi niya ako iiwan. Sabi niya dito lang siya sa tabi ko.

"Honey, babalik ako. Pangako ko yan. Babalikan kita yun ay kung hihintayin mo ako." Sinabi niya iyon ng nakatingin sa mata ko.

"Jimin ayoko. Dito ka lang please." Niyakap ko siya ng mahigpit      at tuluyan ng humagulgol sa pagiyak.

"Shhh.. Hon tama na." Tinapik niya ako likod ko.

"Jimin, b-buntis ako." Saglit na natigilan si Jimin at tinignan niya ako. Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya. Nakita kong tumulo ang mga luha niya habang nakatingin sakin na nakangiti.

Park Jimin's Child (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin