12

3.4K 105 14
                                    

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong kumakalabit sakin. Unti unti kong binuksan ang aking mata at napatingin sa gilid ko. Kumunot anong noo ko.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?"

"Sorry na." Hinila niya ako papalapit sa kanya gamit ang isang braso. Nakayakap kasi si Chimin sa kanya. Naramdaman ko na hinalik halikan niya ang leeg ko.

"Sorry na please." Hindi ko siya pinansin at inirapan lang siya.

"Hon.. sige na.."

"Huy.."

"Hon."

"Honey."

"Hahalikan kita."

"Isa."

"Hon. Sorry na kasi." Ngumuso siya. Pinikit ko ulit ang mata ko. Tss manigas siya diyan!

Gulat na iminulat ko ulit ang aking mata nang maramdaman ang kamay niya sa tiyan ko at kiniliti. Nung una ay pinipigilan ko ang pag tawa pero hindi ko na talaga kaya kaya napahalakhak na ako. Napahiga ako sa sofa habang tumatawa. Pumaibabaw siya sakin habang patuloy parin siya sa pagkiliti sakin.

"T-tama naaaa..." Nahihirapang sabi ko dahil sa kakatawa. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng hininga sa kakatawa.

"J-jimin... tama na please HAHAHAHAHAHA."

"Sabihin mo muna na bati na tayo." Natatawa niyang sabi.

"O-oo na HAHAHA tama naaa HAHAHAHA."

"Di ko marinig."

"OO NA NG-" Natigilan kami parehas ng marinig na umiyak si Chimin. Nilingon ko siya sa na nasa sahig na. Bubuhatin ko sana siya pero naunahan na ako ni Jimin. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Why are you crying?" Tanong ko. Umiyak lang siya ng umiyak.

"Anong nangyari sayo? Are you gay?" Tanong ni Jimin habang pinapatahan siya.

"I'm not gay!" Sigaw ni Chimin.

"Then why are you crying?" Tinignan ako ni Chimin at sumimangot.

"Sinipa ako ni m-mommy." Tapos sinamaan niya ako ng tingin. Imbis na patahanin siya at napatawa ako pati narin si Jimin.

"Why are you laughing?!" Galit na sigaw ni Chimin. Tumalikod ako sa kanila at pinipigilan ang pagtawa. Nakita ko rin ang tropang bayag na natatawa din. Lalong umiyak si Chimin ng marinig ang malakas na tawa ni Yoongi.

"Sinipa ka ni mommy? Saan masakit? Bad yan si mommy, naninipa." Hindi mapigilan ni Jimin ang pagngiti dahil natatawa siya habang tinatanong si Chimin. Hindi siya sinagot ni Chimin at patuloy na umiiyak.

"Sorry na. Kiss nalang kita." Akmang lalapit ako pero lalong lumakas ang iyak niya. Lumapit si Taehyung at kinuha si Chimin sa bisig ni Jimin.

"Halika dito sa tito mong pogi. Bad yang mga magulang mo, tinatawanan ka. Kain nalang tayo shhh... tama na." Dinala niya si Chimin sa may kitchen dahil nandoon silang lahat, lumalamon.

"Ikaw naman kasi hon, bakit mo sinipa?" Hinila niya ako paupo sa tabi niya at niyakap.

"Ikaw 'tong nangiliti tapos ako may kasalanan? Atsaka hindi ko siya nakita doon." Hindi ko naman talaga siya nakita. Gago kasi itong si Jimin may kiliti effect pa na nalalaman.

"Ang bango bango mo naman." Inamoy amoy niya yung leeg ko pero lumalayo ako nakakakiliti kasi.

"Anong mabango? Hindi pa nga ako naliligo. Kadiri 'to!" Lumayo ako sa kanya. Nakita kong ngumisi siya habang nakatingin sakin tapos tumaas baba yung kilay niya. Sa tingin na yun ay alam ko na kung ano ang nasa isip niya.

Park Jimin's Child (Completed)Where stories live. Discover now