15

3.2K 92 13
                                    

"Love deserves a second chance."
-

     Napangiti si Summer habang tinatanaw ang mag-ama niya na masayang naghahabulan sa garden. Ngayon lang niya nakitang sobrang saya ang kanyang anak kaya't hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman para sa anak.

Paano kaya kung hindi kami iniwan ni Jimin noon? Masaya kaya kami ngayon? Tanong niya sa sarili. She just sighed at tumungo sa kitchen para kumuha ng snacks. Kumuha siya ng dalawang orange juice, dalawang slice ng chocolate cake at isang bottle ng whipped cream para kay Chimin.

"Mom!" Tinawag siya ng anak at kumaway sa kanya kaya kumaway din siya sa anak. Lumapit ang dalawa sa kanya. Kinuha ni Summer ang pamunas na nakasampay sa balikat nito atsaka pinunasan ng pawis ang anak.

"Ang baho mo. Yuck!" Sabi ni Summer kay Jimin. Binalingan naman siya ng tingin ni Jimin at hinila papalapit sa dibdib nito na basa ng pawis.

Inis na tinulak ni Summer si Jimin "Bastos ka talagang lalaki ka!" Dinuro pa niya ito at binato ang towel sa kanya "Magpunas ka nga! Ang baboy nito." Tinawanan lang siya ng dalawa.

"Mom punasan mo din si Dad para fair." Sabat ni Chimin na pinupuno ng whipped cream ang cake.

"Oh hindi ako may sabi 'non." Dipensa ni Jimin. "Pagbigyan mo na ang anak ko." Pangaasar niya. She just rolled her eyes at padabog na kinuha ang towel at pinunasan siya ng may kasamang diin.

"Aray! Puta!" Daing ni Jimin

"Dad what's puta?" Nag peace sign lang si Jimin atsaka binalingan ang anak.

"Wala yun anak. Kalimutan mo nalang." Nginitian siya nito.

"Ok." Pinagpatuloy ni Summer ang pagpupunas kay Jimin. Hinawakan ni Jimin ang kamay ni Summer.

"I love you." Mahinang sabi niya.

"Di kita mahal." Natawa si Jimin sa sinabi nito.

"Anak di daw ako love ni Mommy." Hindi inalis ni Jimin ang mata kay Summer. He smirked.

"What?! Mom are you serious?!" Lumapit ang kanyang anak sa kanilang dalawa at masama ang tingin sa ina.

"Joke lang yun." Pasimpleng kinurot niya ang tagiliran ni Jimin dahilan para dumaing ito ng malakas.

"Hindi na talaga tayo bati." Inis na sabi ni Jimin at pagkatapos ay binuhat ang anak atsaka nag walk out.

"I hate you Mommy!" Sigaw pa ni Chimin.

Anong problema ng taong yun? Lagi nalang ako yung kawawa bwiset. Ang sarap niyang sabunutan sa ilong! Niligpit niya ang pinagkainan ng dalawa at pumasok sa loob.

Umakyat siya sa taas papunta sa kwarto nila at naabutan niya ang anak na kalalabas lang ng banyo. Inakay niya ito at binihisan.

"Nasan ang tatay mong may topak?"

"Mom bakit ba niaaway mo lagi si Dad?"

"Hindi ko siya inaaway."

"But daddy is galet kanina." At bakit siya magagalit?

"Pabebe yun masyado hayaan mo siya." Pagkatapos nito bihisan ay tumakbo na ito pababa. Bumuntong hininga lang siya at pabagsak na humiga sa kama. Napatingin siya sa cellphone na nasa tabi niya dahil tumunog iyon. Kinuha niya yun at binasa.

-
From: Dianne

Hey baby. Where are you? I need you.
-

Napa awang ang labi ni Summer. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib, hindi niya alam kung bakit niya nararamdam iyon at hindi dapat. Matagal na silang wala ni Jimin kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganon nalang ang kirot na naramdaman niya.

Park Jimin's Child (Completed)Where stories live. Discover now