08

3.2K 145 27
                                    

"So ayon nga nung tinawagan ko yung number na nakuha ko binabaan ako, saklap shit." Nagkukwento si Amanda about dun sa nakuha niyang phone number. Remember nung kinuha niya yung phone ni Luhan para kunin yung number ni Sehun?

"So ayan lang ang pinunta ko dito? My god Amanda! May trabaho ako tapos hindi mo ako pinapasok kasi may mahalagang sasabihin ka sakin tapos ayan lang?" Napasabunot ako sa sarili dahil sa frustration. Fuck yung business ko hindi ko na nachecheck dahil sa busy ako tapos ito. Shit

Ngumiti siya sakin at nag peace sign. "Sorry na hehehe. May sasabihin naman talaga ako." Tinaasan ko lang siya ng kilay and gave her a 'what' look.

"Nanood kasi ako ng news nu-"

"I dont care about that fucking news Amanda. I need to go." Tumayo ako at lumabas ng starbucks. Ayokong marinig ang sasabihin niya, masisira lang ang araw ko.

"Hoy teka lang!" Tumigil ako at humarap sa kanya.

"Amanda please, ayoko pagusapan yun." Mariin akong napapikit.

"Chill ka lang, masyado kang hot." Sabay kaming naglakad papuntang parking lot ng mall.

"Pero alam mo Sam, feeling ko hindi yun totoo."

"Tanga ka ba? Ayon na nga oh si Jimin na daw mismo ang nagsabi about sa engagement niya putangina niyang hayup siya." Naiinis ako. Napakawalang hiya talaga ng Jimin na yan, pati anak ko idadamay sa kalandian niya. Shit siya shit!

"Sabi ko nga." Tahimik ang buong byahe namin papunta sa restaurant na pagmamayari ko. Pinagipunan ko yun ng husto after kong grumaduate. Naging photographer ako at lahat ng kinita ko doon ay inipon ko para makapagpatayo ng sariling business at para na din sa anak ko.

"Good morning ma'am." Bati samin ni Jasper, isa sa waiter dito. Isa kasing French Restaurant ito at sa pagkakataon na ito ay masasabi kong isa akong successful single mother charr.

"Uhm.. Summer, I think we should go." Kunot noo ko siyang tinignan pero para siyang nakakita ng multo kaya sinundan ko ang mata niyang nakatingin sa may bandang kaliwa ko. Doon ko nakita si Jimin kasama si Dianne na siyang papakasalan niya. Gusto ko silang lapitan at saktan si Jimin pero ayokong gumawa ng scenario. I just signed.

"Alam mo Amanda dapat hindi na pinapakialaman pa ang buhay ng ibang tao at lalong lalo na kung parte siya ng nakaraan. Past is past, right? Nakaraan ibig sabihin tapos na. Diba yan ang mga linya ng mga classmates natin noon? Bentang benta nga yan sa mga bitter na katulad ni Angelin na iniwan ni Enzo, right?" Mahabang sabi ko.

Alalang-alala ko pa dati kung paano umiyak si Angelin dahil niloko siya ni Enzo na ex boyfriend niya. Nalaman niya kasi na may ibang girlfriend si Enzo kaya ayun hindi na naniwala na may forever. Ang totoo kasi niyan, wala talagang forever. Hindi ako bitter, I'm just stating the fact na niloloko niyo lang ang mga sarili niyo dahil sa forever na yan. Tignan niyo yung forevermore ang corny ng forever nila, kasi wala talagang forever.

"But he is still your son's father." Nilingon ko ulit si Jimin na nakikipagtawanan sa fiance niya. Damn him! Wala na ngang mata tumatawa pa.

"He left me. He left Chimin. Past is past kaya wala siyang anak." Madiin na sabi ko atsaka naglakad papunta sa opisina ko. Umupo ako at ibinagsak ang ulo sa lamesa.

"Summer, kahit balibaliktarin mo ang mundo si Jimin ang ama ng anak mo at karapatan niyang makilala ang anak niya." Itinaas ko ang ulo ko at tinignan si Amanda sa mata.

"Alam mo ba kung gaano kamiserable si Chimin ngayon dahil sa putanginang tatay niya?! Hindi siya kumakain kasi wala daw siyang gana, hindi siya lumalabas ng kwarto kasi pagod daw siya, hindi niya ako pinapansin kasi lagi siyang nagtutulogtulugan tapos ano?! Makikita ko siyang umiiyak sa kwarto! Putangina naman Amanda!" Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

Park Jimin's Child (Completed)Where stories live. Discover now