📌 FOUR

305 31 0
                                    

Alexis POV

"Ahhhhh!!!!"

"Mabuti naman at gising kana Alyssa?"

Mabilis kong kinuha ang baril ko sa ilalim ng unan at itinutok iyon sa nagsalita.. Nasa mini table ko sya na kinakalikot ang mga gamit ko.

"Devila?" nagulat ako ng makilala ko sya. Dali dali kong itinago ang baril kung hawak..

"Buti naman at nakilala mo ako.. At mukhang bumalik na ang mga alaala mo.." sabi nya at lumapit sa akin..

"Ano bang sinasabi mo?" irita kong tanong sa kanya.

Bumagon ako sa hinihigaan ko at umupo sa upuan malapit sa kama ko.

"Yung alaala mo?" sabi nya..

"Anong alaala?"

"Hindi mo pa ba maalala?" - Devila.

"Ano ngang alaala na hindi ko maalala?" inis kong sabi..

Kunti nalang pipitikin ko na nguso nito..

"Yung mga alaala mo sa Magical Kingdom?" - Devila.

Napatigil naman ako sandali..

"Nagpapatawa ka ba? Panaginip ko lang naman ang mga yon.."

"Anong panaginip ka jan?" natatawa nyang sabi. "Lahat ng yun ay totoo.."

"Ayokong ng biro Devila. Kaya pwede b--"

"Aber!! Kung biro lang yun, bakit mo ako kilala?" sabi nya..

"Kasi nakita kita sa pana--" napatigil ako at tinitigan syang mabuti..

'Oo nga no? Ngayon ko lang sya nakita.. Pero bakit kilala ko sya? Sa panaginip ko sya nakilala.'

"Dahil nakita mo ako sa spirit land. Kapatid ko si Hileria." sabi nya.

"Spirit land? Hileria?..... Parang naaalala ko si Hileria." sabi ko at inisip kong saan ko ba sya nakilala. "Oo, naalala ko na sya.."

"Tama ako.."

"Sya yung babaeng kausap ni Tiyo Riko kagabi na may saltik sa utak." nakangiti kong sabi ng maalala ang pangalang Hileria..

"Bwahahahahha....." napatingin bigla ako sa kanya ng tumawa sya ng malakas at taka syang tinignan

"Anong nakakatawa?" taas kilay kong sabi.

"Hahaha.. Mali ang hinala ko.." kunot noo ko syang tinignan.. "Akala ko naalala mo kung paano ka nya bigyan ng misyon.. Yun pala naalala mo yung pumunta sya dito at sinabi ang totoo.."

Kunot noo ko naman syang tinignan..

"Alam mo kung wala ka na rin naman sasabihing matino, dyan ka na. Kakausapin ko muna si Tiyo Riko." sabi ko at tumayo..

"Wala na si Riko.. Umalis na sya.."

Napatigil naman ako sa sinabi nya..

"Wag ka ngang magbiro.. Hindi na ako natutuwa." inis kong sabi.

"Totoo ang sinasabi ko.. Kinuha na sya ni Hileria dahil wala na syang kapangyarihan.."

"Pwede ba.."

"Ginawa nya ang lahat para maibalik ang alaala mo.. Dahil sa katandaan nya naubus agad ang kapangyarihan nya dahilan ng pagkamatay nya.." seryoso nyang sabi.

Tinitigan ko sya ng mabuti at kita ko sa mga mata nya na nagsasabi talaga sya ng totoo..

"Wag kang mag-alala, dahil masaya na sya ngayon dahil kasama nya na ang anak nya.. At naging masaya sya dahil inalagaan ka nya. Sa huling sandali nya."

Dahil sa sinabi ni Devila napaluhod ako at humagolgul..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon