📌 NINETEEN

214 22 0
                                    

Narrator POV

Ang mga halimaw at mga Magi ay busy sa kanilang mga ginagawa, hindi nila na pansin na may isang nilalang ang pumasok sa pinagbabawal na bahay ng mga halimaw..

Kinuha nito ang berdeng kristal kung saan napapanatiling kalmado ang mga halimaw..

Maya maya pa'y biglang nagbago ang mga mata ng mga halimaw pati na ang mga sungay nila, humaba at lumaki.. Namatay din ang kulay nang buong paligid..

"Wgggrrrrr!!!"

Nagulat ang mga Magi sa pagsisigaw ng mga halimaw.. Hindi nila alam kung ano ang nangyari..

Kaya may isang Magi ang lumapit sa kaibigan nitong halimaw subalit....

"AHHHHH!!!!!"

Tinusok ng halimaw ang Magi sa tyan sa pamamagitan ng mahahabang kuko nito..

Halos himatayin ang ilang Magi ng makakita sila ng mga dugo..

"TAKBO!!!!!!"

Ang pagsigaw ng Magi'ng iyon ang naging hudyat ng pagsugod ng mga halimaw papunta sa kanila..

Lahat ng maabutan ng halimaw ay pinapatay nila..

Lumalaban naman ang ilang mga Magi sa abot ng kanilang makakaya..

Halos nagkalat na ang mga dugo at katawan sa iba't ibang parte ng lugar..

"ARYA!!! IBALIK MO ANG BERDENG KRISTAL, NGAYON DIN!!!" sigaw ni Evan mula sa ere..

Napatingin ang dalaga kung nasaan ang binata..

"ANO BANG PINAGSASABI MO EVAN!! WALA SAKIN ANG BERDENG KRISTAL!!" sigaw pabalik ng dalaga..

"WAG KANG MAGSINUNGALING!!!"

Bumuo ng kidlat si Evan at mabilis itong dumaretsyo sa pwesto ni Arya..

Patalikod na tumalon si Arya at iniiwasan ang mga tirang ginagawa ni Evan..

Si Evan ang namamahala sa Berdeng Kristal at ganun din ang pangangalaga nya sa mga halimaw..

"IBALIK MO ANG NINAKAW MO ARYA!!!" galit na sigaw ni Evan..

Kahit sya nawawalan na rin sa kontrol dahil sa galit.. Patuloy na binabato ng kapangyarihan ng binata si Arya..

"WALA AKONG NINANAKAW NA KAHIT ANO, EVAN!!!!" sigaw pabalik ng dalaga at todo iwas sa atake..

"KUNG HINDI MO IBABALIK ANG BERDENG KRISTAL, LAHAT NG MAGI DITO AY MAMAMATAY!!!!"

Lumakas ang kabog sa dibdib ng dalaga.. Wala na syang ibang paraan kundi ang kalabanin ang kaibigan nya.. Alang ala sa buhay ng mga Magi gagawin nya ang lahat..

Mabilis syang naglaho at pumunta sa isang lugar na pinagtataguan ng mga Magi..

Habang ang binata ay nagwawala at pinasasabugan ang lahat ng makikita nyang may kinalaman sa Magi..

Binuksan ni Arya ang bag nya at dali dali nyang pinapasok ang mga Magi..

"Wala na bang ibang Magi?" tanong nito sa mga papasok palang sa pag nya..

"May ilang Magi pa po sa ibang taguan.."

"O sige, pumasok na kayo.." sabi ni Arya at mabilis na isinara ang bag nya..

Naglaho ulit sya at napunta sa iba pang pinagtataguan ng ilang mga Magi..

Mabilis nyang pinapasok ang mga ito..

Nang masigurado nyang wala na isang Magi ang nasa labas, maliban sa mga patay.. Ay isinara nya na agad ito.

"ARYA!!! LUMABAS KA DYAN!!"

Narinig nya ang galit na galit na sigaw ni Evan..

Naglaho ito at lumipad sa ere..

Kaharap nya si Evan sa hindi kalayuan..

"Ano ba Evan, wala sakin ang berdeng kristal!!" sabi ni Arya..

"Wag ka ngang magsinungaling Arya.. Sa ating tatlo, alam kong malaki ang paghuhumaling mo sa berdeng kristal.. Kaya paano mo nasabing hindi mo kinuha yun?!!" halata sa boses ng binata ang galit..

"Oo, nahuhumaling ako sa kristal.. Pero hindi ko kukunin yun kung ang kapalit naman ay ang buhay ng mga Magi!!" diin sabi ng dalaga..

"Wala akong pakialam.. Ibalik mo yun!!"

Mabilis na sumugod si Evan papunta sa dalaga.. Dahil sa hindi na makontrol pa ni Evan ang kanyang galit at kapangyarihan, nahing itim na ang kanyang mata..

Patuloy na nagpapalitan ng atake ang dalawang panig.. Walang gustong mapatalo at sumuko..

Malalakas na sipa, suntok at batuhan ng kapangyarihan ang ginagawa ng dalawa.. At sa huli nilang tira sabay silang naglabas ng napakalas na kapangyarihan at ibinato sa isa't isa..

Sumabog sa katawan nilang dalawa ang kapangyarihan na ibinato nila dahilan ng pagbulusok sa magkabilang dereksyon ng katawan nila..

Puro sugat, dugo at pasa ang mga katawan at mukha nila.. Ang mga damit nila ay naggutay gutay na rin..

"Is-isang p-para-an nal-lang ang ka-ilanga-n kong g-gawin.." nahihirapang sabi ni Arya at dahan dahang tumayo hawak ang tyan nya..

"Dyosa ng mga dyosa nawa'y mapatawad mo po ako sa aking gagawin.. Tulad po nang sinabi ko sa inyo, isusugal ko ang kapangyarihan ko para sa buhay ng mga Magi.."

Ipinikit ni Arya ang kanyang mata at naglabas ng napakalakas na kapangyarihan na ngayon lang naramdaman ng mga halimaw na lalapit na sana sa kanya..

Sa pagdilat ng mata ng dalaga ay nahing puti ang mata nya at dahan dahan syang umangat sa ere..

Dahan dahan nya din inangat ang dalawang kamay nya at paramg may itinutulak sa hangin..

Nagkaroon ng lindol dahilan ng pagkawala ng balanse ng mag halimaw..

Hinahati ni Arya ang lupa na namamagitan sa Dark Heaven at Magical World..

Malakas nyang itinulak palayo ang lugar ng Dark Heaven hanggang sa mawala na ito sa paningin nya..

Bigla naman nawala ang kulay puti nyang mata at dahan dahan na bumaba sa lupa..

"Patawad Evan." umiiyak nyang sabi..

Sobrang sakit para sa kanya ang ginagawa nya sa kaibigan..

Tumingin sya sa paligid at lalo syang napaiyak.. Wasak wasak ang lugar..

"Ang ganda ng palabas!!"

Mabilis na nilingon ni Arya ang malambing na boses mula sa hindi kalayuang pwesto nya..

"Athena."

Lalong nabuo ang galit ni Arya ng makita nya ang hawak ni Athena..

"Ikaw ang magnanakaw!!" mababakasan sa boses ni Arya ang galit..

"Hindi ako magnanakaw Arya.. Hiniram ko lang naman ito.. Hindi ba ang ganda!!"

Itinaas ni Athena ang berdeng kristal at itinapat sa araw dahilan ng pagkinang nito..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon