📌 TWENTY

243 26 0
                                    

Alexis POV

Ang napanuod kong iyon ay halos dumurog sa puso ko..

Kitang kita ko mismo ang pagpatay nya kay Arya habang tumatawa..

Kung paano nya wasakin ang katawan ni Arya.. Karumaldumal ang pangyayaring iyon..

Halos itago ko ang sarili ko kay Vamas at kahit takpan ko ang tenga ko nang dalawang kamay ay naririnig ko ang pagsigaw nya sa sakit..

Inaamin kong marami na rin akong pinatay pero di ko binabalatan ng buhay..

Kung ikukumpara ko ang Athena na nakita ko sa Spirit Land at Athena na pinapatay si Arya.. Ay sobrang laki ang pinagkaiba..

Ang Athena na nakita ko sa spirit land ay isang perpektong dyosa.. At ang Athena na nakikita ko ngayon ay masahol pa sa demonyo..

Tumingin ako kay Vamas na may pag-alala sa kanyang mukha..

Pinunasan nya ang pisngi ko na hindi ko namamalayan na lumuluha na pala ako..

Hindi ko akalain na magagawa nya ito..

Matapos nyang patayin si Arya, pumunta sya sa mismong lugar ng dyosa ng mga dyosa.

Natuwa ang dyosa ng mga dyosa dahil si Athena palang ang unang nakagawang makapasok sa lugar nya..

Pero laking gulat na lang nya nang ngumiti ito nang nakakatakot.. At mabilis pa sa sigundong na paslang nya ang dyosa ng mga dyosa..

Sa lugar nya kasi ay isang normal na tao lamang sya na walang kapangyarihan.. Inilalagay nya lang ang kanyang wand sa kanyang sekretong taguan..

Subalit na laman din ni Athena ang taguang iyon..

Lahat ay pinagplanuhan nya sa loob ng anim na araw.. Inalam nya ang lahat ng sekreto ng mga dyosa ng mga dyosa..

At nang makuha lahat ni Athena ang kapangyarihang ninanais nya.. Bumalik sya sa Magical World..

Dun, gumawa sya ng sariling mundo.. Binuksan nya ang bag ni Arya at doon ipinaliwanag nya ang mga kasinungalingan hindi naman dapat..

Naniwala ang mga taga Magical World na masasama ang mga Dark Heaven.. Dahil pinatay nila ang isa sa babaeng may pinakamalakas na kapangyarihan..

Sinabi din ni Athena na sya ang bagong mamamahala sa Magical World dahil yun ang inatas sa kanya ng dyosa ng mga dyosa..

.

.

"Sapat na ba ang nakita mo, mahal ko? Upang paniwalaan ang sinasabi ko?" tanong ni Vamas..

"Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit gusto nya kayong mawala. Kung nagawa na nyang makuha ang kapangyarihan ng dyosa ng mga dyosa at ang kristal ng mga halimaw.."

"Gusto nyang makuha ang kapangyarihan ng dating hari.." - Vamas.

"Si Evan?" tumango naman sya.. "Hindi ba patay na sya? Paano na pa iyon makukuha?" nalilito kong sabi.

"Tama ka, patay na sya.. Subalit ang kapangyarihan nya ay nabubuhay pa.."

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi nya..

"Paano?" tanong ko.

"Isa iyon sekreto, mahal ko.. Malalaman mo din iyon sa tamang panahon.." sabi nya at tumingin ako sa kanya na may pag-alala..

"Ano ang gagawin ko para matulungan kayo?"

"Wala kang gagawin mahal ko kundi ang mahalin lang ako.." sabi nya at hinalikan ako sa noo na puno ng tamis

----

Matapos naming lumabas sa kwartong iyon..

Nanlambot ang tuhod ko at halos mapaupo ako, mabuti nalang mabilis akong naalalayan ni Vamas.. Ang sabi nya nababawasan ang kapangyarihan namin dahil sa haba ng pinanuod namin sa nakaraan.

Tinanong ko sya kung bakit hindi tumatalab sa kanya.. Ang sagot lang nya ay isa syang Prinsipe..

'Anong konek nun?'

Binuhat nya ako at dinala sa kwarto nya.. Kailangan ko na daw kasi magpahinga..

Marami pa akong katanungan na gusto kong masagot agad.. Kaso pinagbawalan na ako ni Vamas na pumasok sa silid na yun.. Baka lalong masaid ang kapangyarihan ko pagpumasok ulit ako dun.. Hayaan ko daw muna na bumalik ang lakas ko..

"Magpahinga ka na mahal ko.. Andito lang ako para bantayan ka."

Sa malambing yang salita.. Nakaramdam ako ng isang ligtas na lugar..

---

Narrator POV

"Ang Prinsipeng yun!!! Masyado syang mautak!!" diin na sabi nya..

"Ano na ang gagawin natin ngayon? Sinabi na ng espeya natin na nakapasok na sya sa silid na iyon.. Mukhang alam nya na.."

"Hahahah.. Hayaan mo, akong kumausap sa kanya.. Kung hindi sya makuha sa magandang usapan, dadaanin natin sa dahas."

-----

🏰 Magical Kingdom

Allan POV

"Fragron!!! Walgron!!!"

Halos sigawan ko na ang dalawang halimaw na todo bantay sa labas ng palasyo at hindi manlang namamansin..

"Sabihin nyo na kasi kung nasaan si Alyssa!!" dagdag ko pa. "Ilang araw na rin syang wala.. Di ba kayo nag-aalala?"

Ngunit di man lang sila nagtangka kahit tignan man lang nila ako..

"Hindi nyo talaga sasabihin?" tanong ko.. "Kahit palatandaan lang nya?"

Nang hindi pa rin sila umiimik ay wala na akong magawa..

"Heneral Flint.."

Mabilis naman lumapit sakin si Heneral Flint at may ibinulong ako..

Tumango naman sya bilang pagsang ayon..

"Ayaw nyo talagang sabihin ha!! Pwes humanda kayo.." mahinang sabi ko pero alam kong na rinig nila iyon..

"CHIIIIIIIII~

Isang nakakabinging sigaw ni Chichi ang narinig namin..

Tumatalon talon ito at pilit na inililipad ang maliliit nyang pagkpak..

Si Chichi ay mas dumoble ang laki mula nung ibinigay sya sakin ni Alyssa..

Nagulat naman ang dalawang Gron at taranta kung saan sila pupunta..

'Tama nga ang hinala ko.'

"Saan galing yan?" tanong ni Fragron lumipad sya..

Ganun din ang ginawa ni Walgron..

"Delikado ang lakbird na yan Prinsipe Allan.. Saan mo nakuha yan?"

"Wag na kayong magtanong ng magtanong.. Sasabihin nyo sakin kung nasaan si Alyssa o papakain ko kayo kay Chichi.. Alam nyo naman siguro ang mga kayang gawin ng Lakbird hindi ba?"

Napapakamot na nagtinginan ang dalawa..

"O sige na." sabi ni Walgron.. "Hindi namin alam kung saan banda ngayon si Prinsesa Alyssa.. Pero sinabi nya lang sa amin na maglalakbay na sya!!"

"ANO?! AT HINDI MAN LANG NAGPAALAM?!" pasigaw kong sabi..

Nagkibit balikat lang ang dalawa..

'Ang babaeng yun talaga!!!!'

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Where stories live. Discover now