📌 ELEVEN

273 28 0
                                    

Alexis POV

*Boooogsh*

"Ano yun?" sigaw ko matapos akong mapaupo sa sahig..

"Kamahalan!!" isang Magi ang pumasok at kumaripas papunta sa harap ni Allan at yumuko.. "Pinasok po tayo ng mga halimaw mula sa Dark Heaven.."

"ANO?!!" sigaw ni Allan at napatayo sa kanya trono.. "Paano sila nakapasok?!"

"May malakas na pwersa po ang gumawa ng butas sa pananggalang para makapasok ang mga halimaw.."

Mabilis na tumakbo sina Allan palabas ng trono at sumunod ako sa kanila..

Nakasalubong namin si Flint na tumatakbo palapit samin..

"Kamahalan." sabi nya at yumuko.

"Heneral Flint, ihanda mo lahat ng kawal at ang iba ipadala mo sa ligtas na taguan.." utos ni Allan..

"Masusunod po." mabilis na tumakbo si Flint.

"Kawal!" tawag ni Allan sa isang kawal.. "Dalhin mo ang Hari at Reyna sa sekretong silid.. Magmadali ka..!!" sabi ni Allan..

Mabilis na kumilos ang kawal.. Kame ni Allan ay tumakbo kung saan nagsimula ang pagsabog..

Wala pa kame sa labas ay may nakita na kameng mga Magi na nagsisipagtakbuhan papasok..

May isang Magi naman ang nabagsakan ng malaking kahoy matapos ibato ng lumilipad na halimaw..

"Allan ikaw na bahala sa iba pang Magi.. Ako na sa mga halimaw na ito.." sabi ko at tumango naman sya..

Pero bago ko ilipad ang sarili ko sa ere. May sinabi sya..

"Mag-iingat ka at wag mong hayaan na masaktan ka.." sabi nya.

Ngumiti ako at lumipad..

"Wind Blast!!!"

Inilabas ko ang hanging katana ko at sinugod ang malapit na halimaw sa akin..

Hinati ko ang katawan ng ilan na sumugod sakin at mabilis na naging abo..

Nung tumingin ako sa ibaba, nakita ko na nakikipaglaban ang mga Magi sa mga halimaw na malapit sa kanila..

Ilan sa mga Magi ang nasusugatan.. At marami ding napapatay na halimaw na nagiging abo..

'Ang dami nila.. Bakit sila sumugod dito? Ano ang pakay nila? Hindi ko pa nagagawa ang misyon ko pero ito na agad sila.' galit kong sabi sa isip ko.

Sa hindi kalayuan may nakita akong babae... Babaeng halimaw pala..

Sinisira nya ang panggalang ng hari..

Agad ako pumunta doon, ang kaso may ilang halimaw na humaharang sa daan ko.. Mabilis ko naman silang hinahati sa dalawa dahilan ng pagiging abo nya..

"Hoy ikaw!!!" sigaw ko nang makalapit ako sa kanila..

"Andito na sya." rinig ko sabi nya sa mahinang boses..

Kumunot ang noo ko nung tumakbo sya. Hinabol ko sya palabas ng palasyo at pumunta sa paanan ng bundok Regust..

Pumasok ka sa mapupuno na lugar.. Kaya bumagal ang paghabol ko sa kanya..

"Nasaan na yun?" mahina kong bulog.

Lumapag ako sa lupa at nilibot ang tingin sa paligid..

Habang naglalakad ako may naramdaman akong pamilyar na kapangyarihan sakin..

'Teka? Saan ko to naramdaman?'

Napansin ko rin na dumidilim, lalong dumidilim.. Feeling ko na mabubulag na ako..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon