📌 TWENTY-FIVE

221 24 0
                                    

Narrator POV

"Hindi uubra sakin yan Emerald.."

Pagkasabi nun ni Athena, pinaliwanag nya ang sarili nya at biglang nasira ang mga nakapulupot sa kanyang baging.. Malakas nyang winasiwas ang Forest Blade at binalik ang tira kay Emerald..

"AAHHHH!!!"

"EMERALD!!" sigaw ni Alexis at mabilis na lumipad papunta sa nakahigang si Emerald.. "Wag kang sumuko, pakiusap!!"

Puro sugat at duguan na rin si Emerald.. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Athena ay wala sya sa kalingkingan nito..

"A--Ale...lex---"

"Katapusan nyo na!!!"

Pagtingin ni Alexis sa pwesto ni Athena ay naglabas ito ng napakalakas na kapangyarihan papunta sa kanila.. At mahigpit na napapikit si Alexis habang yakap yakap si Emerald..

"Grim hole"

"Paanong--"

"Hindi ako makakapayag nasaktan mo ang prinsesa ko.."

Napamulat si Alexis ng makilala nya ang boses na yun at tumingin sa lalaking nasa harapan nila..

"Vamas!!" mahinang sabi ni Alexis..

"Kaya mo pa ba mahal ko?" tanong ni Vamas at humarap sa dalawa..

Tumango bilang sagot si Alexis.. Humarap naman si Vamas kay Athena..

"Magbabayad ka sa pananakit mo sa mahal ko.." sabi ni Vamas at masamang tumingin kay Athena..

"Ang prinsipe ng Dark Heaven.. Mukhang hindi na ako mahihirapang hanapin at patayin ka.." sabi ni Athena..

"Bakit mo pa papatayin si Vamas kung kapangyarihan lang naman ni Evan ang kailangan mo?!" - Alexis..

"Nasa kanyang kapangyarihan kasi ang susi ni Evan.. Kung mamamatay sya, makukuha ko ang kapangyarihan nya at lalabas ang susi na magtuturo kung saan nagtatago ang puso ni Evan.. Ang puso nya na puno ng kapangyarihan,  gusto ko yung makuha para makagawa ako ng bagong mundo.. Ang sarili kong mundo.." sabi ni Athena at tumawa na parang baliw..

Mapapansin din unti unting pagbabago ng awra ni Athena.. Nagiging pula na nahahaluan ng liwanag ang kapangyarihang inilalabas nya..

"Ha!! Sa tingin mo hahayaan kong mangyari yun?" sabi ni Vamas at naglabas na din ng nakakatakot ng kapangyarihan..

Pantay ang inilalabas nilang kapangyarihan ngayon..

"Demon Slash!!"

"Lightning Sword!!"

Sabay silang naglabas ng espada at walang kisapmatang mabilis na sumugod sa ere si Vamas at Athena..

Nagpapalitan sila ng tira ng kapangyarihan nila.. Habang nagtatamaan sila ng sandata nila..

Dahil sa lakas na ibinabato nila sa isa't isa.. Mapapansin na din ang mga galos sa katawan nila

"LIGTH HOLE!!!" naglabas si Athena ng bilog na liwanag at hinagis ito kay Vamas..

"Hindi tatalab yan.. GRIM HOLE!!" itim na bilog ang ipinansalubong ni Vamas patungo sa tira ni Athena..

Nang sumabog ang kapangyarihan nilang dalawa ay mabilis na sumugod si Athena.. Hindi ito napansin ni Vamas..

"Goddess Thunder!!!"

"AAHHHH!!!" bumulusok si Vamas paibaba sa lupa dahilan ng paglikha ng malaking butas..

Tinamaan si Vamas ng libo libong kidlat na hindi kinaya ng katawan nya dahil galing sa dyosa ang kidlat na yun.

"Tatapusin ko na ito para mapasakin na ang kapangyarihan ni Evan!!"

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon