📌 SEVENTEEN

231 21 0
                                    

Alexis POV

Lumabas kame ng palasyo para daw ipasyal ako..

Nagpunta kame sa isang bayan na puro halimaw.. Nakakatuwa dahil kilalang kilala nila si Vamas.. Binabati nila ito pag nakikita nila.. Ang tingin ng mga halimaw dito ay ordinaryong mamamayanan lang si Vamas dahil yun daw ang gusto ng Prinsipe nila.. Pero malaki pa rin daw ang respeto nila sa kanya.. Hindi man nila ipakita dito pero pinaparamdaman naman daw nila sa kanya..

Ang ganda nga ng bayan nila eh!! Nagkakasundo sundo ang lahat ng halimaw dito.. Ang mga patay na puno ay kanilang pinapaganda.. Sinasabitan nila ito ng iba't ibang kulay na palamuti kahit kupas na..

Natutuwa din ako sa mga batang halimaw.. Nagbibigay sila ng patpat..

Sabi ni Vamas ang patpat na binibigay nila ay mga patay na halaman.. Yun daw ang pamamaraan nila para ipakita na masaya sila na makita ka..

Makikita mo kung anong uri ng halaman ang papat, kung titignan mong mabuti ang ugat..

Sabi din nya, hindi nabubuhay ang mga halaman dito.. Magtanim man daw sila mabilis ding namamatay.. Dahil daw yun sa walang araw at walang sustansyang hangin ang pumapasok sa lugar nila..

"Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na pagandahin at ayusin ang Dark Heaven, kukunin ko ang pagkakataong iyon.." napatingin ako sa kanya na sa bayan nakatingin..

Andito kame sa isang burol kung saan makikita ang bayan na walang buhay.. Kahit nga ang puno na katabi namin ay patay din.. Nakaupo kame sa lupa na sinapinan nya ng itim na balabal..

"May katanungan ako." sabi ko na ikinatingin nya sakin..

'Simpleng tingin mo lang bakit parang nang aakit ka..'

Sa totoo lang, saglit ko lang nakakasama si Vamas pero parang matagal na kaming magkasama.. Siguro sa kalahati ng kapangyarihan nya..

Napapansin ko din ang ugali nya na sinabi sakin ng Gron Pack..

"Ano iyon, mahal ko?"

"Kung gusto nyong mga nilalang na payapang buhay.. Bakit sumugod kayo sa kaharian namin at pinatay ang mga Magi? Lalo nung dalawangputdalawang taon akong nawala sa Magical World.."

"Wala kaming pinapatay na Magi, kahit isa.. Ang ginawa lang namin ay manggulo at hindi pumatay.. At ang nangyari nung nakaraang araw sa palasyo nyo ay isa lamang plano, gumamit ako ng mahika na kayang pagpanggapin na patay ang isang katawan kahit buhay naman ito.. Natutulog lang ang kanilang kaluluwa at hindi nawala.."

"Bakit mo naman ginawa iyon?"

"Alam kong sasama ka sakin kung gagawin ko ang paraan na yun.. At tama naman ang naging plano ko.." sabi nya at kumindat sakin..

Medyo nainis ako sa parang ginawa nya kaya inirapan ko sya.. Natawa naman sya at pinisil ang ilong ko..

"Wag mong pisilin ang ilong ko, masakit.." inis kong sabi..

"Hahaha, paumanhin mahal ko.. Masyado ka lamang maganda kaya nabibighani ako sayo.." sabi nya at hinawakan ang kamay ko at dahan dahan itong pinisil..

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano..

"May isa pa akong tanong." sabi ko habang busy sya sa kamay ko. "Kung sinasabi mo na hindi nyo pinatay ang mga Magi. Bakit sinabi ng mga dyosa na kayo ang--"

Pinutol nya ang sasabihin ko at masamang tumingin sa malayo..

"Ang mga dyosa na iyon ay masyadong magaling sa pagsisinungaling.. Hindi mo makikita ang masasama nilang ugali dahil sa taglay nilang kagandahan.."

"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong.

"Gumagawa talaga sila ng paraan para mawala kaming mga taga Dark Heaven." sabi nya at tumingin sakin ng seryoso.. "Sila ang dahilan kung bakit nawala si Ina.. Sila din ang dahilan kung bakit nahiwalay ang Dark Heaven sa Magical World at pinalabas na masasamang nilalang ang mga uri namin... Sila din ang dahilan kung bakit nag-away ang unang hari ng Dark Heaven at pinakamakapangyarihan sa Magical World.."

"Mas lalong hindi kita maintindihan."

"Gusto mong makita ang mga kasinungalingang ginawa ng mga dyosa?"

May bahagi sakin na ayaw kong maniwala sa sinasabi ni Vamas pero lumalamang ang kagustuhan kong malaman ang totoo..

"Wag kang mag-alala mahal ko, lahat ng ipapakita ko sayo ay purong katotohanan.. Kung ako man ay magsisinungaling sa mga  makikita mo.. Ang isa kong sungay ay mapuputol mismo sa harap mo.."

---

Andito kame ngayon sa palasyo nya.. Pumasok kami sa isang silid na tinatawag nilang 'pinto ng kasagutan' lahat daw ng tanong na gusto mong malaman ay makikita mo sa silid na to..

Hinawakan ni Vamas ang kamay ko at binuksan ang pintuan..

"Halika na mahal ko." sabi nya at tumango naman ako..

Kinakabahan ako sa mangyayari sa loob ng kwartong ito..

"Ano man ang makikita o maririnig mo ay purong totoo." sabi nya habang nakatitig sakin.

Tumango ako sa kanya at pumasok na kame sa loob ng silid..

Naipikit ko ang mata ko dahil pakiramdam ko na mabubulag na naman ako..

"Maaari mo nang imulat ang mata mo, mahal ko.." rinig kong sabi nya..

Kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mata ko at takang tumingin sa paligid..

"Asan tayo?" tanong ko sa kanya..

"Nasa unang siglo tayo kung saan magkasundo pa ang mga nilalang ng Dark Heaven at nang mga Magical World.." sabi nya at tumingin din sa buong paligid.. "Ang ganda nang paligid hindi ba? Hindi mo aakalain na magkasundong magkasundo ang mga nilalang na iyan.. Walang ayaw, walang alitan at higit sa lahat nagbibigayan sila.."

Tama nga sya! Ang mga halimaw ay tumutulong sa bawat Magi na nandito, kahit taga ibang kaharian ay tinutulungan din nila..

Sa hindi kalayuan ay may napansin akong masayang nag-uusap usap..

"Sino sila?" tanong ko kay Vamas.

Tumingin sya sa tinuro.

"Sila ba?" sabi nya at hinila ako palapit sa mga nag-uusap usap.. "Wag kang mag-alala, hindi nila tayo makikita.... Sya si Evan ang unang hari ng Dark Heaven."

Itiuro nya ang binata na hindi nalalayo sa edad namin, ayun yun sa itsura nya.. Itim na  itim ang buhok nya at may baluti syang asul..

"Eto si Athena--"

"Si Athena yan?" gulat na taong ko.. Hindi mapagkakailang maganda sya kahit kabataan nya.. May mala anghel syang mukha at bumagay pa sa kanya ang puting kameseta na suot nya..

"Oo, mahal ko.. Hindi pa sya ganap na dyosa ng liwanag.... At ito naman si Arya sya ang babaeng may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong Magical World.." sabi ni Vamas.

Itinuro nya ang babaeng may mahabang puting buhok at may mala dyosa na mukha..

"Sino naman sya?" turo ko sa babaeng may edad na at may hawak na wand..

"Sya ang dyosa ng mga dyosa.. Walang nakakaalam ng pangalan nya.. Sa kanya mismo nang galing ang mga kapangyarihan nina Evan, Arya at Athena.." sabi ni Vamas at biglang nag-iba ang lokasyon na kinakatayuan namin..

"Asan tayo?" tanong ko..

"Andito tayo, kung saan aalis ang dyosa ng mga dyosa."

"Babalik naman sya di ba? Bakit nag-iiyakan sila?"

Nakita ko na puro bulaklak ang paligid at iba't ibang kulay ng paro paro ang lumilipad..

Umiiyak ang ilang halimaw at mga Magi.. Kahit sina Athena at Arya ay umiiyak din.. Tahimik namang humihikbi si Evan..

"Babalik naman ang dyosa ng mga dyosa pero hindi na ito magpapakita pa.. Maliban nalang kung may magandang rason ka.."

Maya maya pa ay nag-iba na naman ang lokasyon namin..

"Andito tayo kung saan mangyayari ang pinakamasakit nakaganapan.."

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon