📌 FIVE

304 29 0
                                    

Alexis POV

Matapos ikwento ni Devila ang lahat.. Ay naging kalmado na ako..

Ikinuwento nya din na nasa panganib ang Magical Kingdom, dahil sa iba't ibang halimaw ang nagsulputan sa hindi malamang dahilan.. At nahihirap ang mga Magi na kalabanin sila dahil sa dami at malalakas pa ang mga ito.. Nagmula daw iyon sa Dark Heaven sabi ni Devila.

"Bakit hindi kayo ang kumalaban sa kanila?" tanong ko.

"Dahil may mas importante pa kaming kailangan gawin.."

"Ganun kaimportante kesa sa mga Magi?"

"Oo.." maiksi nyang sagot..

"Wag nyong sabihin na hindi nyo tutulungan ang mga Magi?" naiinis kong sabi.

"Tutulungan namin ang mga Magi pero sa ibang paraan.." sabi nya.. "Kaya tara na, may misyon ka pang gagawin.. Panigurado ako, galit na sa atin si Hileria.."

Tumayo na sya, na sinundan ko naman.. Gumawa sya ng portal at walang sabi sabing hinila ako papasok..

"Ahhhh!!!"

Dahil sa sobrang nakakahilo sa loob ng portal, naipikit ko ng mahigpit ang mata ko..

"Andito na tayo.." rinig kong sabi ni Devila.. "Pwede mo nang imulat ang mata mo.."

Dahan dahan ko naman binuksan ang mata ko.. At sobrang namangha sa aking nakita..

Oo, nakita ko na ito noon pero di ko inaasahan na mas gaganda pa pala ito ngayon..

Para ka talagang nasa isang paraiso na puno ng mga iba't ibang kulay ng bulaklak at mga puno na malalaki.. May ilang espirito ang naglalakad sa paligid at nakaupo sa ilalim ng mga puno.. Makikita talaga sa mukha nila na wala silang problema, na ang payapa ng buhay nila, ganun!! ..

"Tara na.." nagsimula na sya maglakad na sinundan ko naman..

Nakarating kame ngayon sa lugar na may lawa na may maliit na water falls.. Ang gandang tignan dahil kumikislapkislap ang tubig na animo'y dyamante..

Sa gilid ng lawa may lamesa't upuan.. At na andoon si Hileria, Emerald at ang babaeng sobrang ganda..

Napahinto ako.. Di ko alam kung bakit.. Feeling ko di ko kayang lumapit sa kanila.. Lalo na sa babae na nakangiting nakatingin sakin ngayon..

"May problema ba?" tanong ni Devila.. Tumingin ako sa kanya..

Gusto kong ibuka ang bibig ko pero bakit di ako magawa makapagsalita..

"Tama nga ang hinala ko.."

Nakita ko ang babae na nasa harap ko na..

'Teka nakaupo lang sya kanina ahh?'

Pumitik sya ng dalawang beses at naramdaman ko na naigagalaw ko na ang katawan ko..

"Anong nangyari?" takang tanong ko..

"Hahaha.. Sinubukan lamang kita.. Maligayang pagbabalik Alyssa.." sabi nung babae..

Hindi ako makasagot sa kanya.. Gusto kong lumuhod at halikan ang paa nya dahil sa taglay nyang kagandahan at kulay ginto nyang awra..

"Ang dyosa ng lahat.." wala sa sarili kong sabi..

Tumawa sya ng mahina..

'Shit!!! Sobrang hinhin.. Kung isa syang bagay at sa akin mapupunta.. Ni isang alikabok walang makakadikit sa kanya.. Isa syang ginto na dapat pahalagahan, higit pa sa isang buhay.'

"Hahaha, salamat sa pagpuri mo, Alyssa.."

Napatigil ako sa sinabi nya.. Nakalimutan ko nga palang nakakabasa sila ng isip.

Natampal ko naman ang noo ko.. Na lalong ikinatawa nya..

"Halika, magtsaa muna tayo bago natin pag-usapan ang huli mong misyon.." nakangiti nyang sabi..

Nauna syang naglakad, hindi pala sya naglalakad. Nakalutang pala sya..

Sumunod ako at umupo sa bakanteng upuan.. Gamit ang kapangyarihan ni Hileria, pinalipad nya ang maliit na takure at nilagyan ang baso ng bawat isa..

Ininum nila iyon, kaya ginaya ko din...

"Kamusta ang buhay mo sa lupa, Alyssa?" tanong nang babae..

"Ayos naman po, mmmm.. Alexis po ang pangalan ko hindi Alyssa.." nahihiya kong sabi..

'Shit.. Pwede na ba akong bigyan ng award dahil sa pag 'po' ko?'

"Pero Alyssa ang totoo mong pangalan.." sabi nya.. "O sya sige, kung saan ka sanay.."

"Salamat po." magalang kong sabi..

'Kailangan ko na yatang i-celebrate ang sarili ko dahil sa pagiging magalang ko.'

"Hahaha, nakakatuwa ka talagang bata Aly-- este Alexis pala.."

Pansin ko ngayon, si Athena lang ang nagsasalita.. Hindi umiimik ang tatlo.. Tahimik lang silang nagmamasid.. Hindi tulad noon na ang dadaldal..

"Pag-usapan na natin ang huling misyon mo Alexis.." sabi nya.

"Ano pong misyon?"

"Dahil sa nagsusulputang halimaw mula sa Dark Heaven.. Mukhang nanghihingi ng gera ang hari, sa pagitan ng Magical World at Dark Heaven.." seryoso nyang sabi..

"Ano po ang gusto nyong gawin ko?"

"Ang anak ng hari ang misyon mo."

Napaisip ako at biglang lumabas ang salitang ikinatungo nila..

"Papatayin ko ang Prinsipe ng Dark Heaven."

----

Matapos nilang sabihin ang dapat kong gawin ay pinapapunta na nila ako sa Magical Kingdom..

Gamit ang kapangyarihan ni Emerald ay gumawa sya ng portal patungo dun..

"Tandaan mo ang sinabi ko sayo Aly- Alexis.. Maraming nagbago sa Magical Kingdom.. Kaya ihanda mo ang sarili mo." - huling pahabol ni Athena..

"Sige po.." sabi ko.. Papasok na sana ako sa portal ng masalita si Athena..

"Maalala ko pala.." napahinto naman ako at lumingon sa kanya..

"Ano po iyon?"

"Bawal mong dahil ang bagay na ito.." sabi nya at pinalutang papunta sa kanya ang baril na nasa likod ko..

"B-bakit po?"

"May kapangyarihan ka.. Hindi mo na kailang ang bagay na ito.." sabi nya at itinulak ako bigla papasok ng portal..

"Ahhhh!!!"

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon