📌 TWELVE

261 27 1
                                    

Alexis POV

"Kaytagal nating hindi nagkita.. Labis akong nangulila sayo.."

Ang bawat salita nya ay nakakapanindig balahibo.. Pero bakit ganun ang nararamdaman ko.. Kakaiba!!

"S-sino ka?" lakas loob kong sabi.. Nasa likod ko sya hawak ang buhok na parang inaamoy nya.. "Hindi kita kilala.."

"Wag mo naman ako saktan, mahal ko.. Alam kong alam mo, nung mga panahon na yun ay nararamdaman mo ako.. Kaya imposibleng hindi mo ako kilala.." sabi nya..

Inalala ko kung saan ko nararamdaman ang ganitong kapangyarihan..

"Pinapanuod kita habang pinapasok mo ang mga alagad ni Vana sa loob ng bag mo at inilalabas pagbangkay na ang mga ito.."

'S-sya?!! Sya ba yun?! Imposible'

"Andun din ako, kung paano mo sinunog ang katawan at kaluluwa si Vana at Frida.."

"Imposible.. Hindi kita nakita, kaya paano kita makikilala.." matapang kong sabi..

"Ako ang tumulong sa mag-ina at binuhay ang kanilang ama.." sabi nya.

'Mag-ina? Ama? Sino? Hindi ko sila matandaan!'

"Sa East Land sila nakatira.." dagdg nya pa.

Hindi ko man sya nakikita alam kong nakangiti sya..

'Sina Ate Rossel ba ang tinutukay nya? Pero hindi ko naman sya nakita doon..'

Pilit kong inaalala ang mga nangyari noon.. Nung natulog ako katabi si Allan.. Nung nagising ako na andoon na ang ama nya.

'May mali.. May kulang!!'

"Gusto mo bang ipaalala ko sayo?... Matapang mong kinalaban ang hari ng Dark Heaven... Nakiusap ka sakin na iligtas sila.." mabagal nyang sabi..

"I-Ikaw?!! Ikaw yung lalaking bumuhat sakin?!" sabi ko matapos kong maalala ang pangyayaring yun..

Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naalala yun... Kaya pala nung paggising ko may nakalimutan ako..

"Ako nga, mahal ko.."

"Ngayon naalala ko na ang nangyari nun.. At pamilyar sakin ang kapangyarihan mo.. Anong kailangan mo kung ganun?"

"Ikaw lang mahal ko!!"

"Bakit? Bakit mo ako kailangan?"

"Dahil ikaw ang pinili ko para maging kabiyak ng buhay ko at sasama sa mundo ko.."

"Hindi ako tanga para maging kabiyak at sumama sayo Prinsipe ng Dark Heaven.."

"Alam ko naman na hindi ka papayag sa sinabi ko.. Kaya gumawa ako ng paraan para kusa kang sumama sakin.." sabi nya at naramdaman ko nalang na bigla syang nawala sa likod ko..

Pero nararamdaman ko pa rin ang kapangyarihan nya sa paligid..

"Pumili ka mahal ko.... Ang palasyo mo at mga Magi'ng nakatira doon o ikaw? Hihintayin ko ang sagot mo bukas.. Dito mismo mahal ko.. Wag na wag mo akong paghihintayin ng matagal dahil hindi mo magugustuhan ang masasaksihan mo pag sinaktan ko na ang pamilya mo.."

Sa sinabi nyang yun, bigalang nabuo ang takot at galit sa dibdib ko..

Unti unti na ding lumiliwanag ang paligid dahil sa bilog na buwan.. Hindi ko na rin sya maramdaman.. Mukhang umalis na sya..

Nagulat ako na may isang halimaw ang sumulpot sa harap ko.. Kaya mabilis akong naghanda sa atakeng gagawin nya..

Pero ang halimaw ay lumuhod sa harap ko..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon