📌TWENTY-ONE

205 25 0
                                    

Alexis POV

"Ayos ka lang ba mahal ko? Kanina ka pa walang kibo.."

Napatingin ako kay Vamas na sinusuklay ang mahaba kong buhok..

"Masama ba ang pakiramdam mo?" dagdag nya pa.

"Ayos lang ako.. Masama lang siguro ang gising ko.." sagot ko..

"Masamang panaginip?"

Tumigil sya sa pagsusuklay at humarap sya sa akin.. Inilagay nya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.

Sa totoo nyan nakausap ko kagabi si Hileria.. At ang mga salita nya ang nagpapakabagabag sa akin ngayon..

=Flashback=

Naalimpungatan ako sa gitna ng gabi..

Hindi ako makatulog sa di ko malamang dahilan..

Tinanggal ko ng dahan dahan ang braso ni Vamas na nakayakap sa tyan ko..

Tumayo ako at pumunta sa bintana..

"Ang ganda ng buwan, hindi ba?"

Nagulat ako sa nagsalita at naalerto..

"Maghunis dili ka, Alexis.."

"Hileria?"

"Ako nga!!" nakangiti nyang sabi..

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tumingin ako kay Vamas na mahimbing na natutulog..

"Mahimbing ang tulog nya kaya hindi sya basta magigising.."

Tumingin ako kay Hileria..

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya..

"Pinapaalalahanan ka ni Dyosa Athena.. Mag iisang buwan ka na dito pero hindi mo pa rin natatapos ang misyon mo.." sabi nya.

Tinitigan nya ako at ganun din ang ginawa ko sa kanya..

"Patawad Hileria, pakisabi kay Athena na hindi ko na magagawa ang huli kong misyon.."

"Alam kong iyan ang isasagot mo.. Kaya naman, papipiliin kita.. Tatapusin mo sya o mamamaalam ka nasa pamilya mo at sa Magical Kingdom.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya..

"Papatayin mo lang naman sya, kapalit ang buhay ng mga minamahal mo.. Bibigyan pa kita ng ilang araw para gawin ang ipinag-uutos sayo.." sabi nya at bigla syang naglaho..

Umalis sya nang hindi manlang ako hinahayaang magsalita..

Lumingon ako sa natutulog na si Vamas. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang pisngi nya..

"Hindi kita kayang saktan, dahil mahalaga ka na rin sakin Vamas.. Subalit hindi ko naman kayang mawala ang mga taong pinoprotektahan ko.."

Umagos sa pisngi ko ang luhang pinipigilan ko..

=End of Flash=

"Siguro masama ang pakiramdam mo.. Gusto mo bang magpahinga muna?" tumango ako sa kanya..

Humiga ako sa kama at tinabihan nya ako..

"Hindi ko alam kung ano ang bumabagabag sayo, mahal ko.. Pero gusto ko sanang malaman mo na kapag kailangan mo ako.. Tawagin mo lang ako at sasamahan kita.." sabi nya at hinalikan ang noo ko..

Sa loob ng isang buwan ko dito sa palasyo nya.. Tuluyan na nahulog ang loob ko sa kanya..

Hindi sya mahirap mahalin.. Tama ang mga sinasabi ng mga Gron, isang perpektong nilalang si Vamas.. Halos na sa kanya na ang lahat ng hinahangad ng isang babae..

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon