📌 TWENTY-SIX

237 22 0
                                    

Alexis POV

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko dahil may nararamdaman akong dumadampi sa ilong ko.

Liwanag ang tumama sa akin kaya naipikit ko ulit ang mata ko.

"Gising na sya.." isang maliit na boses ang narinig ko..

Kaya iminulat ko ulit ang mata ko.. Dahan dahan kong iniupo ang sarili ko at inikot ang paningin ko.

"Teka!! Nasaan ako?!"

Di ko alam kung nasaan ako.. Nakikita ko ang isang patag na lupa.. Punong puno ng bulaklak at iba't ibang halaman.. May paro paro at ilang insekto ang lumilipad sa paligid..

May ilang puno din ang nakapalibot malayo sa pwesto ko.. Maririnig din ang mga huni ng ibon..

"Kamusta?"

Napatingin ako sa paligid ng may maliit na nagsalita kung saan..

"Nasa ibaba ako.."

Dahan dahan akong napatingin sa may gilid ng hita ko..

"Teka? Ano ka?" tanong ko..

"Ako si Lilith, isa akong Mifox.."

[A/N : paimagine po na dalawang dangkal ang laki nya.. Ang katawan at ulo nya ay sa tao pero ang braso at hita hanggang paa ay sa fox.. May buntot at tenga din sya na pangfox.. Heheh naisip ko lang 😅😁.. Enjoy💕💕]

"Mifox?"

"Ako ang tagapagbigay ng balita sa dyosa ng mga dyosa.." sabi nya.. "Sumunod ka sa akin naghihintay na sila sayo.." Nagsimula na syang maglakad.. "Tumayo ka na dyan para masagot mo ang mga katanungang gumugulo sa isip mo.."

Napapakamot ako nang ulong sumunod sa sinabi nya.. Tumayo ako at nagsinundan sya..

'Ang ganda dito.'

Para kang nasa isang paraiso.. May nakikita akong mga hayop at ilang halimaw na masayang ginagawa ang mga gawain nila..

May ilang tao din na bumabati samin..

"Anong lugar to?" tanong ko..

"Ito ang Heaven's Magic."

"Heaven's Magic?"

"Hmm." tango nya.. "Ito ang langit ng mga dyosa.."

"A-ano? Langit n--"

"Andito na tayo.."

Napatingin ako sa itinuro nya.. Isang napakalaking puno ang nakikita ko..

Doble ang laki nito kesa sa bahay ng mga Gron..

"Pumasok na tayo.." sabi nya..

Sumunod ako sa kanya.. Pagpasok namin halos tumulo na ang laway ko sa ganda ng loob..

Iba't ibang kulay ng alitaptap ang makikita sa paligid.. May ilang libro ang nakalagay sa paligid..

Pero hindi yun ang tumuon sa atensyon ko, kundi ang tatlong tao na nakatayo hindi kalayuan sa pwesto..

"Kamusta iha?"

Narrator POV

Samantala si Vamas at ang halimaw na si Athena ay patuloy pa rin sa paglalaban..

"AAAAHHHH!!!" sigaw ni Vamas matapos syang matamaan ng kapangyarihan ni Athena at mabilis na bumulusok paibaba sa lupa.

'Buhay pa rin ang prinsipe hanggang ngayon? Ilang oras na ang lumipas..' galit na sabi sa isip ni Athena..

'Hindi mamamatay si Prinsipe Vamas dahil buhay pa ang kalahating kapangyarihan nya..' isang tinig ang narinig ni Athena sa isip nya..

"ANO?!!" sigaw ng halimaw na si Athena.

ALEXIS ADVENTURE 'Last Mission' Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon