Chapter 1

497 14 0
                                    

James Pov:

"Ohh James susmiyo bumangon ka na dyan at tanghali na paano kapa makakahanap ng trabaho mo!"sigaw ni mama na nagpagising saakin may kasama pang kalampag ng pinto

"5 minutes pa ma"ungot kong sagot

"Anong 5 minutes,5 minutes ka dyan mayaman ka?mayaman ba tayo anak ha?bumangon ka na dyan kung ayaw mong buhusan kita ng kumukulong tubig!"sabi nito sabay kurot ng aking singit kaya napabalikwas ako ng bangon

"ARAY MA! Ang sakit paano kung yung bayag ko ang nakurot mo edi na pisa na toh sa sakit ng kurot nyo"reklamo ko dito ngunit ngumiti lang si mama

"Sus binata na talaga ang anak ko importante nagising ka diba pero patingin nga baka nadamage ko eh di mo pa ako mabigyan ng apo"sabi nito at akmang hahawakan ang garter ng boxer ko ng takpan ko ito ng unan

"Ma naman di na ako bata"

"Ay sus napakaarte mo samantalang nung bata ka eh kapag pinapaliguan kita eh ako rin naman nagsasabon nyan pati yang pwet mo alam ko nga kung saan ang nunal mo s-"agad ko ng tinakpan ang bibig ni mama upang di na nya matuloy ang sasabihin nya

"Mama naman wag mo ngang sabihin yan atsaka ma dati na yun binata na ako ngayon"inis na sabi ko dito kaya napangiti nalang si mama at umupo sa kama ko

"Oo nga pala anak lumilipas na ang panahon na napakabilis dati iniluwal palang kita sa sinapupunan ko ngayon binata ka na kung nandidito sana ang papa mo sigurado ako magiging proud yun sayo dahil kamukhang-kamukha mo sya"nakangiting sabi nito ngunit kita ko sakanya ang labis na kalungkutan at pangungulila sa aking ama kaya agad ko itong niyakap at sinandal sa aking dibdib

"Wag ka ng malungkot mama kung nandito si papa ay sigurado akong hindi yun matutuwa na makita kang malungkot kung nasaan man ngayon si papa sigurado akong hinihintay ka nun at patuloy pa rin tayong binabantayan... pero ma wag ka muna sumama ha"sabi ko dito sabay biro kaya agad ako nitong kinurot sa aking tagiliran

"Sigurado naman ako anak na kung nasaan man ang tatay mo ay masaya na ito sana lang ay hinihintay ako nito at hindi pa naghahanap ng iba ang babaerong yun"sabi nito na parehas namin ikinatawa ang kwento saakin ni papa at mama ay babaero daw talaga si papa noong binata pa ito nagtigil lamang sya nung nakilala nya ang aking napagandang ina

5 taon ng nakakalipas ng mamatay ang aking ama namatay ito sa sakit na bone cancer namatay ito sa edad na 51 years old,close kami ng aking ama kaysa sa aking ina kaya ng namatay ito ay napakasakit sa aking damdamin ngunit alam kong mas nasasaktan ang aking ina

"Alam mo mama tama na tong dramang toh maliligo pa ako eh maghahanap pa ako ng trabaho sa hospital"sabi ko dito kaya tumango ito at ngumiti saakin sabay halik sa aking noo

"Habang nandito pa ako anak pipilitin kong punan ang pagkukulang ng ama mo pipilitin kong maging ina at ama para sayo anak ko dahil mahal ka ni mama"sabi nito sabay himas sa aking likod bago tumalikod ngunit hindi nakaligtas sa aking mga mata ang luha nito

Napahinga nalang ako ng malalim ng mamatay ang aking ama napagtanto ko na tunay na napakaikli ng buhay kaya kung may mahal ka wag kang magsayang ng panahon na sabihin at iparamdam sa kanila kung gaano mo sila kamahal dahil kahit hindi mo gusto babawiin din ng diyos sa atin sa itinakdang panahon ang hiniram nating buhay sakanya

Napatawa nalang ako ano ba yun aga-aga ang drama ko na ni hindi ko pa nga naipapakilala ang sarili ko sa inyong lahat at magpapakilala na ako dahil ayaw ko namang maging bastos sainyong lahat

Ako nga pala si James Santiago 19 years old tulad ng aking ama ay namana ko ang kaputian nito dahil may lahi itong espanyol na talaga namang namana ko,hindi tulad ng aking ama na napakakisig,may malalaking braso at hulmado dibdib ang akin ay sakto lang kumbaga lean body may abs din naman ako singkit ang aking mata,matangos ang ilong,at may mapupulang labi

Marami rin akong nunal sa katawan dahil namana ko ito sa aking ama may nunal ako sa mukha na apat isa sa gilid ng aking kaliwang mata,sa ilalim ng aking kanang mata,sa ilong,at sa ilalim ng labi

May tangkad akong 5'9 matangkad na ito ngunit maliit ito sa tangkad ng aking ama na may height na 6'2

Graduated din ako ng nursing ngunit 6 na buwan ng tambay sa bahay dahil tinatamad minsan maghanap ng trabaho nakapasa na rin ako ng board exam

Nang matapos maligo agad akong nagsuot ng polo na kulay blue,black jeans,at black loafers sabay wisik ng pabango na polo black at suklay lang ng unti then tapos na

"Napakagwapo mo talaga James"bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin hindi ko naman itatanggi na namana ko ang pagiging babaero ng aking ama wala pa yata akong sineryosong relasyon

"Anak kinain ka na ba ng banyo?lintik ka daig mo pa akong magayos ah bumaba ka na nga dito at kumain na ng umagahan"katak sa akin ng napakaganda kung ina

"ITO NA MA PABABA NA!"sigaw ko dito sabay takbo pababa at dun ko nakita si mama na nakapamewang sa lamesa

"Matagal ba ako masyado ma?"tanong ko dito

"Ay hindi naman anak hindi dahil nga sa bilis mo malamig na ang kanin at ulam mabilis ka lang talaga anak"sarkastikong sabi nito kaya natawa nalang ako 48 na si mama ngunit taglay pa rin nito ang kagandahan at kasexyhan na siyang nagpabihag kay papa

"Ito naman si mama oh hali na nga kayo at kumain na nawawala ang ganda nyo at kasexyhan eh"sabi ko dito kita ko naman napangiti ko ito

"Naku manang-mana ka talaga sa tatay mo"sabi nito sakin at naupo na sa upuan agad ko naman itong hinainan ng pagkain

"Ma hatid na kita sa grocery mo?"tanong ko dito may-ari kasi kami ng 4 na grocery story dito sa Makati

"Ay hindi na anak at mamaya pa ang punta ko dun"sabi nito kaya tumango nalang ako

Ng makatapos kumain agad akong nag mouthwash at humalik sa pisngi ni mama

"Ma una na po ako ha"paalam ko dito kaya tumango ito at yumakap sa akin

"Oh sya sige basta magiingat sa pagmamaneho mo ah"bilin nito sakin kaya tumango ako agad sabay kuha ng susi ng kotse namin

Ng makasakay ako sa fortuner namin ay bumusina muna ako kay mama at nang magumpisa na ako sa aking pagmamaneho ay isa lang ang nasa isip ko

Sana ay makapasok na ako ng trabaho para makatulong na rin ako kay mama...

Captivated By My Uncle(BxB)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz