Chapter 10

258 6 0
                                    

James Pov:

Masaya akong umuwi sa bahay pagkabukas ko palang ng pinto ay nakita ko si mama sa sala kaya agad akong nagmano sabay halik sa noo nito

"Magandang gabi sa napakaganda kong mama"masayang bati ko dito kaya kunot-noo ako nitong tinignan

"Ano ang nahithit mo sa labas at parang sobrang saya mo naman ata anong meron?"tanong ni mama sakin kaya agad akong umiling

"Wala naman ma masama bang maging happy today?"tanong ko dito kaya inirapan ako nito

"Paenglish-english ka pang nalalaman dyan maghain ka nga dun sa mesa tutal wala kang pakinabang sa bahay nato buong maghapon"utos sakin ni inay na malugod ko namang sinunod

Pagkatapos kong maghain ay agad kong tinawag si mama kaya agad itong pumunta dito sa dining

"Hindi ko talaga alam kung anong nahithit mong bata ka"umiiling na sabi ni mama

"Ayaw mo nun ma sinusunod ng napakagwapo mong anak lahat ng utos mo?"tanong ko dito sabay kindat kaya binatukan agad ako nito

"Gago may pagwapo-gwapo ka pang nalalaman tawagan mo na nga lang ang tito mo nang makakain na"utos muli sakin na agad kong sinunod dahil nakauwi na pala si uncle agad akong umakyat at nangmakarating sa kwarto ni tito ay agad akong kumatok

"tito tawag na po kayo ni mama kakain na"tawag ko dito sa labas ng pinto nya

"Busog pa ako pakisabi"tanging sagot nito mula sa loob kaya bigla akong bumuntong at naglakad na paalis

Pagbaba at pagpunta sa dining area ay agad akong umupo sa upuan ko

"Oh nasan yung tito mo diba sabi ko eh tawagin mo?"tanong sakin ni mama

"Busog pa daw po"sagot ko dito kaya umiling nalang ito

"Hayaan mo na ang mokong yun kakain din yun pag nagutom"sabi nito sakin kaya tumango nalang ako at nagsimulang magdasal

Sa buong kainan ay tahimik lang ako at tanging si mama lang ang maingay dahil kinukwento nito ang movie na pinapanood niya kanina na isinasagot ko lang ng tangong

Bigla akong nalungkot ng hindi ko man lang nasilayan si uncle sa buong maghapon

Pagkatapos kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan dahil nais ko ng magpahinga dahil maaga ang pasok ko sa trabaho bukas

"Ma akyat na po ako goodnight"paalam ko dito sabay halik sa pisngi nito

"Oh sya mabuti naman ng maaga kang magising bukas"sabi nito kaya tumango ako pagpasok ko palang sa kwarto ay agad akong naghilamos,sipilyo atsaka himiga sa kama

Hindi mawala sa aking isip na para bang iniiwasan ako ni uncle dahil sa hindi nito pagsabay sa hapag-kainan pero baka sadyang busog din ito at sadyang ako lang ang praning

Gusto ko sana syang makausap tungkol sa halik na ibinigay nya saakin kagabi pero hindi ko naman magawa dahil hindi ko nga ito nakita sa maghapon at nandito din si mama may pagkachismosa rin ito

Ipinikit ko nalang ang aking mata at muling sinariwa ang halik nito sakin kagabi nais kong muling maramdaman ang malalambot nitong labi sa aking labi

Umiling nalang ako sa aking iniisip dahil baka mapunta na naman ako sa aking mahalay na imihinasyon bagkus na ipagpatuloy ito ay nagdasal nalang ako hanggang sa ako ay dalawin na ng antok

6:00 palang nang umaga ay nagising na ako dahil bago 8 dapat ay nasa hospital na ako

Agad kong hinanda ang uniporme ko sa hospital ang sapatos ko bago pumasok sa banyo

Captivated By My Uncle(BxB)Where stories live. Discover now