Epilogue

341 13 3
                                    

James Pov:

Nang marating ako sa puno kung saan itong ang saksi sa halos lahat ng mahahalagang bahagi ng aking buhay matanda narin ito tulad ko ngunit nanatili itong buhay hanggang ngayon

Mula ng mamatay si mama ay pinamana nito ang lahat ng kanyang ari-arian sakin ganun din si uncle na matagal na palang inasikaso ang kanyang last will of testament at ngayon ay pinamana ko na ito sa aking mga anak

Nang makaupo ako at nakasandal sa puno ay napatingala ako sa kalangitan parang ganun din nung panahon na yun papalubog din ang araw ngunit ang pagkaiba lang ay wala na si uncle iniwan nya na ako

Sadyang may mga tao talaga na hindi natin inaadahang darating

Sadyang may mga tao rin na talagang hindi rin nating inaasahang aalis

Ngunit ang totoo masaya na ako namatay man si uncle ay nakita ko ang totoong dahilan kung bakit ito agad na kinuha ng diyos sa akin noon at sa totoo lang isinisisi ko pa noon sa diyos na kung bakit pa niya ipaparanas saakin ang ganoong klasi ng pag-ibig kung agad niya rin namang babawiin dahil nang mamatay si uncle ay parang tumigil ang ikot ng mundo ko nawalan ito ng kulay at sigla ngunit habang tumatagal dun ko naintindihan ang kahalagahan ng alaala dahil kahit na mawala ka man o kahit anong mangyari ay mananatili itong nakaukit hindi lang sa ating isip kung hindi pati na rin sa ating mga puso at ganun ang nangyari sa pagmamahalan namin ni uncle iniwan man ako nito ngunit ang alaala nito ay nanatili itong nakaukit sa aking puso

Dati ay isang normal lang naman ako na binata isang nurse na may mala-armalite na mama,laman ng mga bar kasama ang bestfriend ko na si Oliver(na ngayon ay nasa states na kasama ang sarili nitong pamilya)at mangbabae at pakipagsex sa iba't-ibang babae ngunit ng dahil sa isang makapangyarihang halik na naganap dito ay nagbago ang lahat

Minsan hindi ko rin mapigilan tanungin ang aking sarili kung hindi kaya namatay si uncle masaya kaya kami ngayon? Alam kung oo ang sagot sana ay kasama ko pa sya sa aking pagtanda,ginawa lahat ng nais namin marami mga pangarap na sana nagawa namin noon nung siya ay nabubuhay pa

Noong araw na yun alam ko na yun ang huling araw na makakasama ko sya ngunit pinilit kong patatagin ang aking sarili ang hindi ko inaasahan ay ang paglisan nito sa ganung paraan masyado akong nakapante sa sinabi nitong hihintayin nya ako yun pala ang dahilan kung bakit ako nagdadalawang isip na umalis kaya muli ko itong nilingon dahil yun narin palang ang huling beses na makikita ko itong nakatingin sa akin na may puno ng pagmamahal sa mga mata

May mga tao talagang dadaan sa ating buhay ang iba ay mabubura lang sa ating mga alaala may iba rin naman na magiging parte na kung sino ka.Minsan may mga pagpapaalam na napakahirap minsan nanaisin mo nalang itong iwasan lalo na ito ay takasan.

Nung araw ng kanyang libing ang hirap isipin na uuwi ako ng bahay na kailanman ay hindi ko na ito muling makikita,kailanman ay hindi ko na masisilayan ang kanyang magagandang ngiti,masisilayan ang kanyang napakagwapong mukha,mahahalikan ang malambot nitong mga labi,at maririnig ang mga tawa na kay sarap lang pakinggan,lahat ng yun ay hindi ko na muli pang mararanasan dahil wala na siya

Napatingin ako sa painting habang ito ay hinahaplos ng may napansin akong parang papel kaya agad kong maingat na binuksan ang frame at ng makuha ko ang lumang papel at mabuksan ito ay nalaman ko isa itong sulat para saakin ni uncle

Mahal kong James,

Sa oras na mabasa mo ito siguradong linisan ko na ang mundong ito nawa'y wag ka sanang magalit o magtampo dahil iniwan kita maniwala ka o sa hindi lumaban ako at alam kong nasaksihan mo ito lumaban ako kahit na alam kong imposible ng magtagal pa ako sa mundong ito naisin ko mang magtagal pa sa piling mo at sa mga taong mahal ko ngunit mismong aking katawan ang bumigay at wala na akong magagawa dito ngunit masaya ang paglisan ko sa mundo dahil nakilala at minahal kita kahit sa sandaling panahon lang mas gusto ko ring naman na makasama ka kahit ilang minuto lang kaysa habang buhay na walang ikaw mahal ko

Captivated By My Uncle(BxB)Where stories live. Discover now