Chapter 3

295 12 0
                                    

James Pov:

Nang makaupo kami sa upuan ay sakto namang umupo si tito ko daw sa mismong harapan ko pa hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa presensha nito ngunit totoo naman talaga na kapag nakita mo ito ay mapapatahimik ka at tiyak kong halos lahat ng babae ay mapapanganga dahil sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan

"Anak say grace"utos ni mama kaya nagsign of the cross ako pati rin sila

" Bless us, O God. Bless our food and our drink. Since you redeemed us so dearly and delivered us from evil, as you gave us a share in this food so may you give us a share in eternal life."dasal ko at nagsign of the cross at sumandok ng pagkain gaya nila

"Ah eh anak bat nga pala maypaflowers ka pa anong meron sa pagkakatanda ko di ko nman birthday,hindi rin namin anniversary ng papa o birthday nya so anong meron?"tanong ni mama bago sumubo ng pagkain sumulyap muna ako sa tito ko daw bago sumagot kay mama

"Bakit ma kailangan may okasyon pa para bigyan kita ng bulaklak?"

"Hindi naman sa ganon anak kaya lang....ay basta ano nga ba talaga ang dahilan bat maypabouquet ka pa"

"Ma natanggap ako St.Carmen hospital"nakangiting sabi ko dito kaya napatigil ito sa pagsubo at humarap sakin ng nanlalaki ang mata

"Talaga anak natanggap ka na?! wow anong meron sa hospital na yun anak may mas nalate pa ba sayo?,mas mababa ang grade?,o mas panget sayo?"sunod-sunod na tanong ni mama na nagpasimangot saakin

"Ay wow ma damang dama ko talaga yung support mo para sakin ma salamat ha feel na feel ko talaga"sarkastikong sabi ko dito kaya napatawa ito sabay palo sa aking braso

"Ito namn nagbibiro lang anak syempre masaya ako..OH MY GOSH ANAK ST.CARMEN HOSPITAL YUN ANG GALING NG ANAK KO ROLANDO NOH!"sigaw ni mama kaya tumango si uncle habang nakangiti samin

"Oo nga ma eh di ko rin inexpect na sa St.Carmen Hospital pa ako matatanggap"sabi ko dito

"Oo nga anak sa St.Carme-...sandali lang anak san ba yung St.Carmen na yan?"kamot ulong tanong sakin ni mama kaya napakamot ako ng ulo habang si tito ay napatawa

"Akala ko pa naman ma alam mo dahil daig mo pa po ang may kabisado dun sa hospital kung makasigaw ka dyan...yung private hospital malapit lang din dito ung sa tapat ng simbahan"sabi ko dito at sumubo na

"Ay dun ba? Shala ka anak huh mga mayayaman ang mga naadmit dun iba ka talaga kita mo Rolando ang galing ng unico hijo ko noh?"pagmamalaki ni mama kaya napailing nalang ako

"Oo nga di ko naman akalain na tapos na pala ito ng pagaaral"sabi ni tito kaya agad akong nabilaukan kaya agad akong pinainom ng tubig ni mama

"Ate? Ibig sabihin mas matanda sayo ang mama ko?"tanong ko dito ng mahimasmasan ako sa pagkasamid

"Oo ate ko siya"sagot ni tito sakin

"Eh bat po ganun mukhang nasa 30's or 20's palang po kayo"tanong ko sa uncle ko daw

"Sus ikaw naman iho eh biniro pa ako 45 na ako"sagot bito naikinagulat ko dahil hindi talaga halata sakanyang pisikal na anyo

"So anong gusto mong palabasin na mukha na talaga akong 48 at hindi na baby face ganon ba anak?"tanong ni mama

"Parang ganon na nga po mama"

"Ay wow ang mama Danica mo toh oh anak,ina mo toh oh hiyang hiya naman kami ng papa mo sayo multuhin ka sana ni Alejandro"inis na sabi ni mama kaya natawa ako ganun din si uncle

"Joke lang po yun ma pero bakit po ba parang ngayon ko lang nakita si uncle ma?"tanong ko dito kaya tumingin ito saakin

"Eh last na uwi ng gunggong na yan eh nung bata ka pa kaya hindi mo na matandaan pero kada pasko ay sya ang may regalo sayo ng mga sapatos mo kaso natigil lang yun nung 9 ka na dahil yang tito mo ay nagasawa ng hindot na habol lang pala ay pera ng kapatid ko ang gagang yun naku pagnakita ko yun ay ipapakamot ko sa pusa ang puki nya eh hindi lang kamot may kasama pang kalmot unlimited for free"gigil na sabi ni mama napailing nalang ako ganyan lang talaga si mama may pagkasiga,ang sabi sakin ni papa ay siga na daw talaga yang si mama mula pa ng makilala niya ito kaya nga daw lagi syang tiklop kay mama

"Buti na nga lang natauhan tong gunggong kong kapatid at hiniwalayan ung asawa nyang mukhang bisugo naku pagnaalala ko talaga ang walang hiyang yun agad kumukulo ang dugo ko mala 360° ang peg sarap bugbugin"patuloy na kwento ni mama kaya nailing nalang kami parehas ni uncle

"Ate tama na matagal ko ng hiniwalayan si Steph hindi ka pa nakakamove on"sabi naman ni uncle

"Ay nako lando basta maalala ko lang ang malanding yun agad kumukulo ang dugo ko"sagot naman sakanya ni mama

"Nasaan ho ang anak nyo uncle?"tanon ko dito kaya agad itong umiling

"Wala kaming naging anak da-"naputol ang sagot ni uncle ng sumabat si mama

"Dahil baog ang gaga pasalamat nga sya at kahit baog sya eh tinaggap pa sya ng kapatid ko eh karma nya yun"sabi ni mama na ngayon ay nakataas ang paa habang nagkakamay na sumusubo

"Mabuti ho kahit ganon ay natanggap nyo pa rin sya?"tanong ko dito dahil baka kung ako yun ay mahirapan akong tanggapin

Sasagot na sana si Uncle ng unahan na naman ito ni mama

"Syempre anak hulog na hulog ang lokong toh dun sa pokpok na yun kaya kahit na ayaw namin eh sinuway nya pa rin kame"sagot ni mama

"Ate ikaw na kaya si Rolando sagot ka ng sagot eh di naman ikaw ang tinatanong"

"Ay sorry pasensya na nacarried away lang ako,oh sya sige sagutin mo na ang tanong"sabi ni mama sabay subo ng pagkain

"Tinanggap ko sya dahil mahal na mahal ko sya at maari naman kaming magampon eh kaya kahit ayaw nila ate,kuya pati na rin ng bunso namin ay tinanggap ko ito"sagot saakin ni tito kaya napatango nalang ako nasa isip ko sinayang ng babaeng yun ang tito ko kahit nga ako ay gusto ang lahat kay uncle hindi maitatanggi na kahit matanda na ito ay masisigurado mong mas gwapo ito nung kabataan kaya sigurado akong mas gwapo pa ito saakin noon at sa tingin ko hanggang ngayon

"Naku kumain na nga lang tayo bago pa ako mainis ng tuluyan sa babaeng yun"sabi ni mama kaya tumahimik na kami ni uncle at nagsimulang kumain ng tahimik

Captivated By My Uncle(BxB)Where stories live. Discover now