Chapter 4

262 10 0
                                    

James Pov:

Matapos namin kumain ay nagpresinta ako na ang maghuhugas ngunit hindi pumayag si mama samahan ko nalang daw si uncle sa sala upang manood ng netflix

Kaya ngayon ay nanonood kami ng movie ni uncle sa aming flat screen dito sa sala

"Ah tito pagpasensyahan nyo na po si mama sa mga nasabi nya minsan kase may pagkatabil ho ang bibig nya"paghinging umanhin ko dito na ikinatawa nito

"Nako sanay na ako dun iho mga bata palang kami ay para na sya ang pangalawang kuya namin"natatawang sabi ni uncle kaya natawa din ako

"Kwento nga ho sakin ni papa na talagang siga yang si mama nung kadalagahan nya"kwento ko dito

"Alisin mo na ang po masyadong nakakatanda kahit na matanda na ako eh ituring mo nalang akong kuya mo ha"sabi nito kaya tumango ako dito

"Totoo naman yung sinasabi ng papa mo eh alam mo nung mga binata at dalaga kami ay iisa lang ang unibersidad na pinapasukan namin matagal ko ng kilala ung papa mo dahil miyembro ako ng gang na pinamumunuan nya"kwento nito kaya napalaki ang mata ko

"Gang? Si papa miyembro ng gang at siya pa ang lider?"tanong ko dito kaya napangisi agad ito sakin sabay tango

"Batas yan sa university namin kaso biglang nagbago ang ihip ang hangin ng isang araw ay nakita nya ang ate dahil pinuntahan ako ni ate sa building ko kaya sila nagkita balak lang sana ni papa mo na ikama ang mama mo nung una kaso kahit anong gawin pagpapapogi ng papa mo ay wla lang kay ate bagkus nababangasan pa itong papa mo kaya nachallenge sya kay ate hanggang sa mahulog ang loob ni papa kay ate"kwento ni uncle na talagang nagpamangha sakin

"Dating batas yang papa mo pero nung minahal nya si ate batas pa rin naman sya yun nga lang si ate na ang taga gawa ng batas haha"tawang sabi ni uncle kaya maski ako ay natawa na rin napasulyap ako sa wedding picture nila mama at papa grabe hindi ko alam na ganun pala ang naging tagpo ng pagmamahalan nila

"Sa kwento niyo wala sa hinuha na sa bandang huli ay sila pa pala ang magkakatuluyan"sabi ko dito kaya napatango ito

"Talaga,hindi ko din inakala na ang gangster kong bestfriend ay sya rin palang magiging bayaw ko"sabi nito kaya napatango din ako

Patuloy lang kami sa pagkwekwentuhan ng kung ano-ano ng lumabas si mama sa may dining area at ang ikinagulat ko ng may dala itong fundador,yelo,at pulutan

"Magiinuman tayo ngayon para sa pagdating mo kapatid kaya pasalamat ka ganyan kita kamahal"sabi ni mama na ikinailing ko nalang alam ko naman na sadyang gusto lang talaga ni mama na uminom eh

"At dahil para sayo ang inuman na toh ngayong gabi ay siyempre sayo ang unang tagay sunod sayo anak tapos ay akin"sabi ni mama at binigyan ng tagay si tito hanggang sa umikot na ang tagay at patuloy ang kwentuhan namin mula sa nakaraan nila at mga pagibig nila noong kabataan sila

"Eh uncle bat hindi po kayo ulit nagasawa uncle para sa pagtanda nyo may makasama kayo?"tanong ko dito

"Naku anak yan nga ang sinasabi ko sa mokong na toh eh sa gwapo at kisig nyan ay makakabingwit pa yan ng fresh na isda"sabi ni mama dahilan para matawa si uncle

"Ikaw talaga ate ang dami mong alam...hindi kasi ganito yan dahil sa nangyari sa huli kong relasyon ay labis akong nasaktan kaya mas pinili ko nlang ituon ang oras ko sa barko at hindi ko na namalayan na tumatanda na pala ako"sagot ni uncle kaya tumango ako bago tumungga ng alak

"Nga pala Lando may mga dala ka bang damit mo?"tanong ni mama kay uncle

"Meron naman ate ang kaso hindi nababagay dito ung mga dala kong damit dahil pangmalamig ang mga damit ko eh"sagot nito kaya tumango si mama

"Bukas pumunta ka ng mall magpasama ka dyan kay James pwede ka naman bukas anak diba?"tanong ni mama sakin kaya agad akong tumango

"Opo ma susunod na araw pa ang pasok ko"

"Oh ayun magpatulong ka kay James tandaan mo na rin ang daan para makagala ka magisa may sasakyan naman dyan at motor mamimili ka kaya bukas anak ay ipasyal mo rin sya dito ng malaman nito ang pasikot-sikot dito"sabi ni mama kaya parehas kaming tumango ni uncle

Lumipas ang oras ay nangalahati na namin ang bote ng fundador alam kong lahat ay may tama na ngunit wala pang lasing ng mapatingin ako sa orasan ay napagdesisyunan kong patulugin na si mama dahil gabi na rin

"Ma umakyat na po kayo oras na ho"sabi ko dito kaya napirap ito sakin

"Epal ka talaga anak oh sya mauna na ako sainyo anak doon mo muna patulugin ang tito mo sa kwarto mo di ko kase alam kung saan ko nailagay ang susi ng 2 guest room gabi na rin kase kaya hindi ko na mahanap ha anak"sabi ni mama kaya tumango ako

"Sige po ma umakyat na po kayo at ako ng bahalang magligpit dito"sabi ko dito sabay halik sa noo nya ng makaakyat na si mama ay napatingin ako kay uncle

"Ganyan din ang papa mo maangas ngunit malambing sa mama mo kaya nung una kitang nakita kanina ay namangha ako dahil mula porma,ugali at hilig ng papa mo ay nakuha mo lalo na ang pagiging maangas"sabi ni uncle na ikinangiti ko dahil alam kong totoo un dahil kung ipagtatabi mo kami ni papa at para kaming pinagbiyak na bunga

"Sige na uncle mauna na po kayo sa kwarto para makapaghilamos na ho kayo dahil sigurado ho ako pagod kayo sa biyahe"sabi ko dito at nagsimula ng magligpit

"Sigurado ka?"tanong nito kaya agad akong tumango

Nang makaakyat na si uncle ay pinagpatuloy ko ang paglilinis hinugasan ko na din para wala ng huhugasan bukas si mama

Nang matapos ako ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nang makapasok ay nakita ko si uncle na natutulog sa aking kama wala naman problema dun dahil kahit 4 pa ang matulog sa kama ko ay pwede dahil sa laki nito

Agad akong nagtungo sa banyo at naghilamos ng matapos ay nagcheck muna ako ng social media accounts ko at ng makaramdam na ng antok ay agad akong nagdasal bago ipikit ang aking mga mata

Captivated By My Uncle(BxB)Where stories live. Discover now