Chapter 1

884 33 1
                                    

Chapter 1:

~~~~~

     Isang nakakarinding sigaw ang gumising sa tahimik na gabi ng Poblacion San Joaquin, binulabog ang matiwasay na tulog ng mga taong nandoon. Kasabay ang isang pagaspas ng pakpak at nakakabinging sigaw ng isang nilalang na nagbibigay kilabot sa sinumang makarinig nito.

Walang nagtangkang tignan kung saan nanggaling ang sigaw. Takot na mapahamak at maaaring kamatayan ang kanilang kahahantungan sa oras na lumabas sila ng kanilang mga kabahayan.

~~~~~

KINABUKASAN

" Natagpuang na nanamang patay ang isang babae walang saplot sa katawan, wakwak ang dibdib, nawawala ang mga lamang loob at halos maubos ang dugo sa katawan sa isang liblib na lugar ng Poblacion San Joaquin. Ilang araw na palang nawawala ang babae at ngayon lang nakita.Hanggang sa ngayon ay wala paring lead ang mga pulisya na maaaring mag----"

Inis na pinatay ko ang Tv namin, ilang araw na kasing laman ng balita ang mga nangyayaring krimen sa Poblacion San Joaquin pero hanggang ay wala paring makakapagsabi kung ano ang tunay na nangyayari.

Maraming babae na ang nawawala at natatagpuang patay nalang kinabukasan ang malala pa dito ay kalunos-lunos pa ang sinapit ng mga biktima.

Maraming nagsasabi na baka isang mabangis na hayop lang ang may gawa nito dahil ang Bayan ay pinalilibutan ng kagubatan. Meron ring nagsasabi na baka mga adik lang ang may gawa nito, pero meron ring naniniwala na Aswang ang may kagagawan nito.

Natatakot na tuloy akong umuwi sa lugar na kinalakihan ko ---- Ang Poblacion San Joaquin, doon naninirahan ang pamilya ko. Lumaki ang mama ko sa San Plaridel at ang papa ko naman sa Poblacion San Joaquin nagkakilala sila sa isang Fiesta sa San Laurel, naging magkaibigan at sa huli ay nagkaibigan, nagpakasal at nanirahan nalang sa Poblacion.

Napunta lang ako sa Manila pagkatapos kong makapag-graduate sa kolehiyo para makipagsapalaran at makahanap ng magandang trabaho.

Limang taon ko ng hindi nakikita ang pamilya ko, na-mi-miss ko na rin sila pero natatakot akong umuwi dahil sa mga nangyayari ngayon sa Bayan namin. 

Pero nangako ako sa bunso kung kapatid na uuwi ako pagsapit na ika-7 niyang kaarawan 3 araw nalang simula ngayon. Nangako rin ako noong tumawag sila sa akin na magdadala ako ng malaking cake para sa  kanya, ayaw ko siya/silang biguin.

Pumasok ako sa kwarto ko dito sa apartment na tinutuluyan ko. Kinuha ko ang mga damit ko sa kabinet at itinuping maayos para isilid sa maleta ko. Naisip ko kasi na magtagal doon ng mga isang buwan lang para makasama naman sila ng matagal-tagal.

Marami-rami narin ang naipon ko, nakapagpaalam narin ako sa boss ko na mag-le-leave muna ako ng isang buwan pumayag naman siya.

Balak ko sanang bukas na ako aalis ng madaling araw para hindi ako gabihin sa pagdating sa Poblacion lalo na't napakadelikado na ng sitwasyon ngayon doon.

Kinuha ko ang cellphone at wallet ko. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa ibabaw ng pintuan ng kwarto ko. Alas 3:00 palang naman hapon, may bukas pa namang bake shop na mabibilhan ko ng cake para sa kapatid ko.

Balak ko kasing bumili muna ng cake ngayon palang para ipapa-reserve ko nalang para hindi ako maubusan. Lumabas ako ng apartment at naghanap ng malapit na bake shop, hindi naman ako nagkamali at may nakita agad ako.

" Hi miss, ano po ba yung pinakamalaki niyong cake dito? " tanong ko sa babaeng nagbabantay ng shop sabay sulyap sa mga nakahilerang cake sa harap ko

" Ay! Ma'am yung pinakamalaki po namin ay yung Triple Bavarian Chocolate Cake at yung Black Forest cake po namin ma'am " sabay turo sa mga cake

" Bibilhin ko nalang po yung Triple Bavarian Chocolate Cake, puwede po bang iwan ko nalang muna dito? Tapos kunin ko nalang bukas ng Umaga? Anong oras po ba kayo magbubukas? "

" Sure po ma'am, 4:30 am palang po ay bukas na kami kaya puwede niyo pong balikan dito bukas ng umaga "

Binayaran ko na ang cake at umuwi para maghanda para bukas.

Alas tress palang ng Umaga ay gising na ako, hindi kasi ako makatulog sa sobrang excited at the same time ay kinakabahan rin. Nakaligo at nakapagbihis narin ako. Inilabas ko na rin yung mga dadalhin ko. Para mamaya ay hindi na ako mahirapan pa kukunin ko pa kasi ang cake mamaya.

Kumain na ako ng umagahan ko at saktong pagkatapos ko ay 4:30 na ng umaga. Bumaba ako para pumunta sa bake shop para kunin ang cake na binili ko.

Dala dala ang cake ay bumalik ako ng apartment para kunin ang mga gamit na kailangan ko pauwi sa Poblacion. Tumawag ako ng Taxi para magpahatid sa Terminal ng Bus papuntang probinsya.

Labindalawang oras ang layo ng Probinsya namin sa Manila. Habang nakasakay sa bus ay nakatingin ako sa bintana nito, iniisip ang magiging kaligtasan ng pamilya ko, iniisip na ilipat nalang sila ng magandang matitirahan na malayo sa panganib. Kung saan magiging mapanatag ako na walang mangyayaring masama sa kanila.

Maingay na terminal ang nadatnan ko pagkababa na pagkababa ko ng bus.
Naghahanap na ako ng tricycle para ihatid ako sa Poblacion, medyo mahirapan pa ako dahil sa dala dala kong cake, mabuti nalang at maganda ang pagkakabalot sa sisidlan nito kung hindi ay kanina pa ito nasira.

Lumapit ako sa isang driver ng tricycle upang magtanong.

" Manong? Sa Poblacion po. " Pagkasabi ko non ay biglang tumahimik ang buong terminal, tunog lang mga busina ang bus ang maririnig mo, ang kaninang mga taong nag-iingay ay biglang tumahimik, tinignan ko ang mga tao ay nakita ang pagkatakot sa mata ng karamihan.

" Sigurado ka ba ineng? " Nagaalangan na tanong saakin ng driver.

" Opo manong "

" Ihahatid kita---" hay akala ko pa naman mahirapan pa ako " --- pero hanggang doon lang sa bukana ng Poblacion, pasensya na at hindi kita maihahatid sa mismong bayan " okay na yon kaysa naman sa wala akong masakyan, tsaka alam ko naman ang rason kung bakit ganon nalang ang reaksiyon nito at ng mga taong nakarinig ng banggitin ko ang Poblacion.

" Okay lang po " nakangiting sagot ko dito.

Sasakay na sana ako ng tricycle ng lumapit saakin ang isang matanda na nagtitinda ng tubig.

" Mag-ingat ka ineng, masyado na ngayong mapanganib ang Poblacion. Hindi na ito tulad na dati, marami ng kababalagahan na nangyayari sa lugar na iyon, hindi na ito ligtas pa. "

Nagaalangan man ay nginitiin ko na lang ang matanda at tuluyang pumasok sa tricycle

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now