Chapter 22

490 26 3
                                    

Chapter 22

Pagkatapos non ay umalis na silang lahat sa loob ng kuwarto niya. Habang si Hades ay nag-aayos parin. Nakatulalang naka-upo naman ako sa kama nito. Ito na nanaman ang kabang nadarama ko kanina pero mas dumoble pa ito dahil nalaman ko ng nandito rin an Deeg mga Lolo at Lola nito.

Pero bakit parang hindi naman tumatanda ang Lola niya? Batang bata parin ito tignan at aakalain mong dalaga pa dahil sa kinis at ganda ng balat nito. Wala rin itong kulay puting buhok kahit ni isa.

Bahagya naman akong napatalon sa kinauupuan ng may humalik sa pisngi ko. Si Hades na nag-aalalang nakatingin sa akin.

" Are you okay? " Tanong nito sa akin

" O-okay lang ako " pilit na sabi ko rito sabay ngiti ng pilit

Mukha namang hindi ito kumbisado sa sagot ko dahil kumunot ang noo nito hanggang sa dumapo ang tingin sa magkasalikop kong mga kamay na nanginginig na pilit kong pinipigilan.

Itinago ko naman mula sa paningin nito ang kamay ko. Bumuntong hininga ito at hinawakan ito.

" Are you nervous Mi Reina? " tanong nito habang simisilip ang nakayuko kong mukha

Itinaas ko naman ang paningin ko dito at dahan dahang tumango.

" Medyo kinakabahan lang ako " sabay ngiti ng pilit

" Don't be, they will love you, you see " nakangiting sabi nito

Ngiti na para bang kayang pawiin ang lahat ng kaba na nadarama ko. Ngiti na kayang magpahinto ng pag-ikot ng mundo ko, ang ngiting nagpapanatag sa nararamdaman ko at ang ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Ang ngiti niyang gumugulo sa buong sistema ng pagkatao ko. Ngiting hindi ko makakalimutan kahit kailan pa man. Siya lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganitong kasayang pakiramdam at hindi ko na kakayanin pang hindi makita ang mga ngiting yon.

" Come on, Mi Reina they are waiting for us downstairs---" sabay hila ng kamay ko "--- by the way your so beautiful in that white dress Mi Reina, your like an Angel " namumulang nag-iwas naman ako dito ng tingin

" Thank you "

Lumabas na kami ng kuwarto nito at tahimik na naglalakad sa mahaba nitong pasilyo. Hindi ko kanina masyadong nakita ang mga detalye dito dahil sa kaba at pangambang naramdaman ko kanina.

Napakarangya talaga ng pamumuhay nila Hades dahil ang bawat muwebles at mga palamuti na nakikita mo dito sa bahay nila ay hula kong nagkakahalaga ng milyones. Maging ang sahig nila ay napakalinis, pakiramdam ko nga ay puwede akong manalamin dito.

Meron ring mga nakasabit na portrait ng bawat henerasyon ng pamilya nila. Napahinto ako saglit ng makita ang isang larawan na siyang nakakuha ng pansin ko. Larawan ng isang komunidad. Komunidad na kakaiba sa lahat dahil ito ay nasa nag-iinit na lugar. Parang nasa gitna ito ng bulkan dahil sa nalalagablab na paligid nito.

Meron rin mga kakaibang nilalang na nag-aapoy sa kalangitan. Isang uri ng ibon na apoy ang mga balahibo at ang buong katawan nito. Nakakamangha at nakakakilabot dahil pakiramdam ko parang totoo ito. Ang mga mamamayan rin doon katulad na katulad sa nakita noong minsan at umuwi ako mag-isa.
Itim na itim ang mga mata, matatalim ang mga ngipin, may mahabang sungay na nakaturo sa kalangitan, at merong pakpak na parang sa paniki.

Totoo rin ba ang lugar nato? Dahil ang mga nilalang na nakikita ko ngayon sa litratong ito ay totoo, dahil nakakita na ako ng isa nito. Pero higit itong mas malaki at mas matikas kasya sa mga nilalang dito.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now