Chapter 21

389 20 0
                                    

Chapter 21

Unti-unting nanlaki ang mata at kasabay ng pagkaawang ng labi nito. Gulat, pangkamangha, at saya ang makikita mo sa mukha niya. Parang hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya.

" Are you sure Mi Reina?---" biglang sumimangot ang mukha nito " stop playing games with me " kunot noong sabi nito sa akin

" I'm not playing with you baby " nakangising sabi ko rito

" Ayaw mo ba? " Tanong ko pa rito

Nanlaki bigla ang mata nito at napatayo sa kama.

" F*ck!! I'm I dreaming? " Hindi makapaniwalang sabi nito

" H*ly Sh*t! Probably!! " Sabay sabunot nito sa buhok

Hindi rin siya makapaniwala na sinagot ko siya, natatawa nalang ako habang nakatingin sa kanya, ang cute niya lang kasi. Ang sarap niyang pagmasdan habang magulo ang mga buhok niya, dagdag mo pa ang iilang galos sa mukha niya, nag-mu-mukha siyang badboy dahil diyan.

" Your not dreaming baby"

Lumuhod siya sa akin, at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. Parang ayaw niya na itong bitiwan dahil sa higpit ang pagkakahawak nito. Mamasa-masa rin ang mga matang tumitingin sa akin. Teka? Naiiyak ba siya?

" F*ck! I don't even know how to react baby! But I promise, I will be the best boyfriend to you, I may be have so many flaws and short comings but I will fulfill it to you, I will not be the same Hades you know.I am now a better version of the young Hades. I won't make the same mistakes 5 years ago." Mahabang sabi nito

Napakunot tuloy ang noo ko. ' same mistakes? 5 years ago? ' ano ang ibig sabihin non. Ano ba talaga ang nangyari limang taon na ang nakakaraan. Bakit parang napakalaki ang kinalaman nito sa akin?

" Hades, kung ano man ang mga pagkukulang mo ay pupunan ko yon, kahit naman ako ay hindi rin perpekto, hindi ko rin maipapangako na magiging perpekto akong kasintahan sayo, pero gagawin ko ang lahat para sa relasyon nating dalawang " malumanay na sabi ko

Tinignan naman ako nito ng puno pagmamahal at saya, bago dumukwang sa akin at pinatakan ako ng halik sa labi.

" Te amo Mi Reina? " Nakangiting sabi nito at hinawakan ang magkabila kong pisngi bago ako hinalikan ulit.

Hinalik na puno ng pagmamahal at pag-iingat. Halik na kasing tamis ng kendi at tsokolate.

Nalalasahan ko pa ang alak mula sa mga labi nito. Bahagya kaming napalayo sa isa't isa at napatingin sa may pintuan ng may kumatok dito.

" Kuya? Art? Mommy is waiting for you both downstairs " tawag ni Hayden sa amin

" Tell her that were coming! " Balik na sigaw ni Hades dito

Nang tumigil na ito ay lumingon ulit sa akin si Hades na siyang ikinapula ng pisngi ko.

" A-a-ano, m-mauuna n-na ako sayo sa b-baba m-mag-ayos ka na dito " nagkakanda utal utal na sabi ko dito

Hindi rin ako makatingin ng diretso dahil nahihiya ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang paghalik nito sa akin. Siya kasi ang first boyfriend ko at ang first kiss ko. Hindi ko rin akalaing ganito ang pakiramdam ng magkaroon ng boyfriend. Para akong kinakabahan na ewan, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Napaangat naman ako mula sa pagkakayuko ng marinig ko ang mahinang tawa nito. Kunot noo ko namang itong tinignan.

" Your really cute Mi Reina, you look like a tomato when you blush " sabay pisil ng magkabila kong pisngi at kinantalan ito ng magaang halik.Ngumuso naman ako dahil sa sinabi nito.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now