Chapter 13

471 34 3
                                    

Chapter 13

Dalawang araw na ang nakalipas at tuluyan na nga akong gumaling sa lagnat. Dalawang araw narin ang lumipas at hanggang ngayon ay umuulan parin. May bagyo yata kaya ang sama ng panahon. Kailan kaya titila ang Ulan? Napakalamig rin panahon dahil sa lakas ng hampas ng hangin sa bawat puno. Para kasi itong mabubuwag sa kinakatayuan nito.

Nandito ako ngayon sa kama. Nakaupo habang nakatanaw sa bintana. Binabantayan ang bawat pagpatak ng ulan at nakikinig sa bulong ng hangin. Hinihimas himas ko rin ang balahibo ng pusa ko na nakaupo sa kandungan ko. Tinignan ko ito at kinilatis ng mabuti. Napakaganda kasi talaga ng mata nito. Kulay berde na siyang nagpapa-alala sa akin sa isang tao.

Si Hades.Dalawang araw na ang lumilipas at palaisipan parin sa akin ang pagdalaw niya noong nilalagnat ako pati narin ang sinabi ni Nanay na ' Naku talaga yung batang yun hindi nakakalimot sayo kahit kailan ' ngayon lang kasi naproseso sa isip ko ang sinabi niyang yon.

Ano ba ang ibig sabihin Nanay, hindi nakakalimot kahit kailan? Hindi nakakalimot? Bakit? Palagi bang nandito si Hades noon? Na kapag nagkakasakit ako ay dinadalaw niya ako? Close ba sila ng pamilya ko? Pero bakit noong una ay pinagbintangan pa nila Tatay ang mga Vallderama na sila daw ang mga nangbibiktima? Sa paraan kasi ng pagkakasabi niya non ay parang may itinatago siyang galit sa pamilya Vallderama.

" Hayyyyy " buntong hininga ko

" Meow "

Tumingin ako sa pusang nasa kandungan ko. Mabuti pa siya walang masyadong iniisip. Samantalang ako, sumasakit na ang ulo kakaisip. Dahil sa paninitig dito ay kumunot ang noo ko. Wala pa pala siyang pangalan.

" Hmm ano kaya ang magandang ipangalan sayo? Hanggang ngayon ay wala parin pala akong naibibigay na pangalan sayo" Tanong ko sa pusa

" Meow " Tumingin lang sa akin ang pusa

Bahagya naman akong tumingala sa itaas at nag-isip ng maipapangalan sa kanya. Nemesis! Nemesis ang ipapangalan ko kanya. Ang Nemesis kasi ay tumutukoy sa patron na diyosa ng paghihiganti sa mitolohiya ng Greek, na nagdulot ng pagbagsak ng mga gumagawa ng kasalanan.

Naalala ko kasi nitong nakaraang araw ay nakikita ko ang tunay na ugali ng pusa ko. Noong isang araw kasi nilalaro siya ng kapatid ko. Panay ang pitik nito sa tenga ng pusa ko kaya nagulat nalang ako ng bigla nitong sinakmal ang kapatid ko. Mabuti nalang at naka-jacket ito kaya hindi ito masyadong napuruhan. Kapag naman ako ang gumagawa noon ay hindi naman ako kinakagat nito.

Sa halip ay tumitihaya pa ito na parang nakikiliti at gustong gusto nito ang ginagawa ko. Tapos naalala ko pa ang mapakasamang tingin nito sa kapatid ko noong araw ring iyon. Idagdag mo pa ang ginawang pag-ngat-ngat nito sa mga iilang damit ng kapatid ko. Hindi talaga siya nagpapatalo. Kaya sa tingin ko ay bagay na bagay sa kanya ang pangalang Nemesis.

Napatingin naman ako bigla sa bintana ng kuwarto ko. Para kasing may nakita ako doon kanina. Tumayo ako sa pagkaka-upo at lumapit sa bintana. Binuksan ko ito at nakita na wala namang tao. Luminga linga rin ako sa paligid, Baka sakaling may makita pero wala naman. Dali-dali kong isinarado ang bintana dahil sa lakas ng hangin.

Pagkaharap ko ay siya namang ikinagulat ko ng husto ng makita ang isang nilalang na kulay pula ang balat, naaagnas, kulay pula ang mata at inuuod narin ang katawan. Napakasangsang rin ng amoy nito. Nakakahilo. Hinawakan ako nito sa kamay ng sobrang higpit.

Pilit ko namang inaagaw ang kamay ko dito. Lumilipat kasi sa akin ang uod nito sa katawan. Hindi ko rin matiis ang amoy nito. Pero kahit anong gawin ko ay hindi talaga matanggal ang pagkakapit nito. Ibinuka nito ang bibig at lumabas ang napakaraming ipis na kumalat sa buong kuwarto ko.

Bakit bukas ang bintana? Sa pagkaka-alala ko ay isinarado ko ito. Baka naman si Nanay ang nagbukas. Ipinag-kibit balikat ko lang ito. Tumigil narin pala ang ulan. Lumapit naman ako sa bintana ng may naaaninag ako. Isang tangkay ng kulay pulang rosas. Paano naman to napunta dito? Kunot noong tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ito, ngunit nabitawan ko rin dahil sa biglaang pagsulpot ng pusa ko.

Umiling nalang ako. Bakit ba palaging pasulpot sulpot ang pusa nato? Binuhat ko si Nemesis at kinuha narin ang rosas. Para nakita ko na ito kung saan. Hmmm tama! Ganito nga yung rosas na makikita mo sa Mansyon ng mga Vallderama! Pero anong ginagawa nito dito? Isinawalang bahala ko nalang ito at inilagay sa isang vase.

Wala sa sarili ay bumaling ako sa labas ng gate namin. Parang merong nakatayo doon. Tinitigan ko itong mabuti pero hindi ko talaga makita kong ano yon! Madilim narin kasi sa labas. Napatakip naman ako ng tenga at napa-upo ng makarinig ng isang sigaw! Sigaw na parang pinapahirapan, kasunod non ay ang sigaw na parang nanggaling sa kinakatay na baboy.

Sa pagkakaalam ko wala namang alagang mga baboy ang kapitbahay namin. Kung meron man ay impossible rin naming marinig dahil malayo pa ang susunod na bahay mula sa amin. Umihip ang hangin, at nakaamoy ako ng hindi inaasahan. Amoy dugo. Preskong dugo! Tumayo ako at akmang isisirado ang bintana ng mapasigaw ako.

Isang babaeng may pakpak na may mahahabang kuko. Ngunit ang mas lalong nagpagimbal sa akin ay ang meron itong ulo na parang sa baboy pero ang kalahati nito naaagnas at ang kalahati naman ay hindi. Itinulak ako nito ng malakas at tumilapon ako sa pader. Napaliyad ako dahil sa sakit na idinulot. Hindi pa ako nakakaupo nang biglang pumasok ito sa bintana ko at galit na galit na sumugod ulit sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko dahil katapusan na ng buhay ko. Hindi ko na nagawa pang sumigaw dahil sa labis na takot. Pumikit ako at hinintay ang pag-atake nito. Lumipas pa ang ilang minuto ng wala akong naramdaman ay iminulat ko ang mga mata ko. Nakalutang ito sa itaas ng kuwarto at hawak hawak ang leeg nito. Para siyang sinasakal. Unti unti ay lumubo ang buong katawan nito at sumabog. Nagkalat sa buong paligid ang gutay gutay na mga lamang loob nito at nagsitalsikan sa akin ang malapot na dugo.

Kasunod non ay ang pabalyang pagbukas ng pintuan ng kuwarto ko at ang pagpasok nila Tatay.

~~~~~

" Isang napakalaking pagkakamali ang ginawa mo Daeva! " Sigaw ng isang nilalang na naka-upo sa silya nitong gawa sa balat ng mga tao na pinagtagpi-tagpi.

Nakayuko naman ang tauhan nito si Daeva at tinatanggap ang bawat sinasabi ng Amo nito.

" Hindi ka ba nag-iisip! Sa lahat ng puwedeng papatayin mo sa mga tauhan mo, bakit yung babaeng yun pa! He must be looking for you now! Papatayin ka niya sa oras na makita ka!! " Nanggigigil na sabi nito. Lumalabas narin ang mga ugat nito sa katawan.

" P-pasenya n-na po kamahalan " nanginginig naman nitong pahayag

Sarkastiko namang tumawa ang tinatawag nitong kamahalan.

" Pasensya! Anong magagawa niyang pasensya mo! Maliligtas ba tayo niyan! Alam mo kung paano sila/ Siya! Magalit! Baka nakakalimutan mo! Siya ang umubos ng lahi natin dahil lang sa pinagtangkaan ko ang babaeng mahal niya! Ngayon sabihin mo! Bakit mo ginagawa yon! " Gigil na gigil na sabi nito sa kaharap

" B-bigla p-po k-kasing n-natakam si I-ina n-ng m-maamoy niya m-mabangong h-halimuyak ng b-babaeng yon---" bago pa niya matapos ang sinasabi ay bigla nalang gumulong ang ulo nito sa sahig

Bigla namang napatayo ang kamahalang sinasabi ni Daeva at nanginginig na napaatras dahil nasa harapan niya na ang lalaking pinag-uusapan nila kanina lang. Nanlilisik rin ang mga itim nitong mga mata habang nakatingin sa kanya.

" Entonces eres el líder de esas estúpidas criaturas que saquearon la casa de mi reina? Hmmm, ¿qué debería hacerte? " ' So your the leader of that stupid creatures who ransacked the house of my queen?Hmmm what should I do to you? ' mahinahong sabi nito

Nanginginig namang lumuhod dito ang lalaki nagmamakaawa na pakawalan siya. Pero hindi manlang ito makikitaan ng pagka-awa at sa halip ay ngumisi pa ito.

" Die! " Biglang naging mabangis ang anyo nito at binalibag ang nagmamaka-awang lalaki sa pader na malapit dito. Bumaon ito sa lakas ng pagkakahagis at sumuka ng dugo.

Bago pa ulit maka-tayo ay nasa harapan niya na ulit ang nilalang at walang hirap na pinunit ang katawan nito sa dalawa. Pinagpapatay rin nito ang lahat ng makitang nilalang sa lugar na iyon at walang itinira kahit ni isa. Dumanak ang dugo at ang mga katawang nakahandusay.

Ang sino mang manakit sa reyna niya ay siguradong makakaranas ng totoong Impyerno mula sa kanya.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now