Chapter 4

596 30 0
                                    

Chapter 4

Kinaumagahan ay laman parin ng isip ko ang nakita ko kagabi. Kinikilabutan ako ng husto, hanggang ngayon ay naninindig parin ang balahibo ko. Parang ayaw ko ng lumabas at magkukulong nalang ako sa kuwarto buong araw. Pero hindi puwede, ngayon na kasi ang kaarawan ng kapatid ko.

Kailangan kong tulungan sina nanay sa paghahanda. Bumangon na ako sa pagkakahiga at sinuot ang pambahay kong tsinelas. Pumasok na ako ng banyo upang maghilamos at magsipilyo para makaligo narin ako.

Pagtapos ng mahigit na tatlumpong minuto ay natapos narin ako sa pagligo. Pinulupot ko tuwalya sa katawan ko bago lumabas ng banyo. Pagkalabas ko ay napakurap kurap pa ako ng makita ang pusa ko sa ibabaw ng kama na mariing nakatingin sa katawan ko.

Naaalibadbaran tuloy ako. Para kasing ang sama ng tingin niya akin, umiling nalang ako dahil parang mababaliw na ako, kung ano ano nalang kasi ang naiisip ko simula pinag-usapan namin ni tatay kagabi.

Hindi parin kasi ako makapaniwala sa nakita ko kagabi, parang may kung ano sa akin na hindi naniniwala Pero kahit anong tanggi ko at kahit anong sabihin ko ay alam kong totoo yon at hindi lang gawa ng imahinasyon ko.

Pagkatapos kong magbihis kinuha ko pusa sa kama at bumaba na ako. Hanggang ngayon ay wala parin akong maipangalan sa pusa ko, ano kaya ang magandang ipangalan? Hmmm mamaya ko nalang siguro iisipin.

Hindi pa ako tuluyang nakakababa ay maririnig mo na ang ingay sa bahay namin. Nandito rin kasi ang mga kapitbahay namin tumutulong sa paghahanda.Nang tuluyan na akong nakababa ay tinawag na ako ni nanay sa kusina

" Art! Naku naman mabuti at gising ka na, tulungan mo kami dito maghanda at mamayang alas dos lang ay magsisimula na handaan ng kapatid mo " nagmamadaling sabi nito

" Opo nay, asan nga pala si Aries? " Tanong ko kay nanay sabay baba ng pusa ko sahig. Kanina pa kasi ako palinga linga pero hindi ko parin makita ang bunso kong kapatid

" Ah yon ba? Nandoon sa labas naglalaro " sabi nito habang naghahalo ng kanyang niluluto

" Po!? Hindi ba't delikado ngayon? Bakit nandoon siya sa labas naglalaro? Sandali po at papauwiin ko " aalis na sana ako ng muling magsalita si nanay

" Anak, hindi naman kasi delikado ang Poblacion kapag umaga, tsaka tuwing gabi lang naman kami nababahala dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari, hayaan mo na ang kapatid mo at nag-e-enjoy naman siya pagbigyan mo na kaarawan naman niya" pigil nito saakin

" Sige po " labag man sa loob ay pumayag narin ako

Kinuha ko ang mga sangkap na gulay at hiniwa ito,maging ang mga karneng gagamitin ay hiniwa ko rin ng naayon sa iluluto dito. Tahimik lang ako sa paghihiwa ng tawagin ulit ako ni nanay

" Art!? " Tawag sa akin nito

" Po? " Tinigil ko ang paghihiwa at tumingin dito. Nakita ko ito na may dalang maliit na papel.

" Puwede bang ikaw nalang ang mamili nito sa bayan? Nagkulang kasi tayo sa mga sangkap, hindi naman kasi puwede si Audrey" sabi nito

" Sige po, ano po ba ang bibilhin? " Tanong ko naman bago pumunta sa lalabo para maghugas ng kamay. Habang pinupunasan ko ang aking kamay ay inabot nito saakin ang maliit na papel na dala nito.

" Ito oh, lahat ng bibilhin mo nandiyan na nakalista, ito rin ang Pera " sabay abot nito sa akin

" Naku huwag na po nay, may pera naman ako, itabi niyo nalang yan " tanggi ko rito

" Oh siya sige magpahatid ka nalang sa Tito mo gamit ang tricycle nila para hindi ka na mahirapan " suhesyon nito saakin

" Opo " pumunta ako sa kuwarto para makapagbihis narin ako

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now