Chapter 17

556 29 9
                                    

Chapter 17

Dahan dahan namang lumapit sa akin ang pusa ko at naupo sa kandungan ko. Tinitigan ko lang ito at hindi alam kong ano ang gagawin. Pa-pa-anong napunta to dito? Napakalaking palaisipan para sa akin ang nangyayari ngayon. Nalingat lang ako sandali ay nawala na si Hades na siya namang paglitaw ng pusa ko

Tumingin ako kay Hayden at nagtatakang tinanong ito.

" N-nasaan si Hades? Nasaan ang kapatid mo? " Tanong ko dito

Ngumisi naman ito ng nakakainis bago nagsalita. " Umalis lang sandali sa tabi mo si Kuya tapos hinahanap mo na? Na-mi-miss mo siya no? " At tinaas baba nito ang kilay

Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi niya. Nito rin kasing nakaraang araw ay napapansin ko rin ang mapang-asar na pag-uugali ni Hayden. Buong akala ko talaga ay seryoso itong tao pero mukhang nagkakamali ako.

" Hey! Relax! Pumunta lang siya ng Cr noong bigla ka nalang natulala " taas kamay na sabi nito

Tumango tango naman ako dito bilang sagot. Natahimik tuloy ulit ako. Iniisip parin kung paano napunta dito ang pusa ko. Kani-kanina lang ay iniisip at pinag-uusapan lang namin siya tapos bigla nalang siyang susulpot bigla. Hindi kaya Aswang tong pusa ko?

Tinignan ko ito habang nakaupo parin sa kandungan ko. Nakatingin rin kasi ito sa akin pabalik. Hinimas ko ang ulo nito at papikit pikit naman nitong mas inilapit ang ulo sa kamay ko.

Napatingin naman ako sa pintuan ng banyo ng bumukas ito at lumabas si Hades. Bahagya naman itong natigil ng mapansin na nakatingin ako dito. Nagtatakang lumapit naman ito sa akin pero bahagya siyang napa-atras ng makita ang pusa sa kandungan ko.

Kunot noong lumapit naman ito sa akin, at parang hindi makapaniwala na nakatingin sa pusa ko. Bahagya naman akong napatingin sa pusa ko at nakita na mariin rin itong nakatitig kay Hades habang lumalapit. Para silang nagpapaligsahan sa paninitig.

Pero ganon nalang ang pagkabigla ko ng umalis sa pagkaka-upo ang pusa ko at bigla nalang tumalon papunta sa balikat ni Hades. Buong akala ko ay kakalmutin siya nito pero umupo lang ito dito. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa mga ideyang nabuo sa isipan ko.

H-hu-w-wag niyong sabihin na kay Hades ang p-pusang napulot ko!? Kaya ba malaki ang pagkakahawig nito pag-uugali ni Hades? Kaya ba palagi nalang ito nawawala at bigla bigla nalang susulpot sa kung saan dahil umuuwi parin ito sa tunay na nagmamay-ari sa kanya?

" S-sayo ba a-ang p-pusang y-yan? " Nanginginig na tanong ko dito

Napakamot naman siya sa leeg niya at na hihiyang ngumiti sa akin

" Yeah, I been looking for him everyday because he always disappear from my sight---" tumigil ito saglit sa pagsasalita ng makita na nakasimangot ang mukha ko "---why? "

Paano ba naman kasi, nakita lang ni Nemesis yung amo hindi na niya ako pinapansin. Ma-attitude rin tong pusa nato.

" Hmmp! Akin yang pusang yan ihhh bakit mo inaagaw? " Nakangusong sabi ko

Naiiyak na ako. Paano nalang kung kunin niya yung pusa niya sa akin? Hindi ako papayag! Akin yan ih! Ako ang nakakita niyan! Finders Keepers!

Bahagya naman siyang natawa dahil sa sinabi ko.

" Mi Reina, I won't take away my cat to you, besides we can take care of him both ever you wanted to "

Napa-isip naman ako sa sinabi niya, mukhang mas maganda yon pero...

" Hmm, hmm, pero sa akin siya ha? " Tanong ko dito habang pilit na kinukuha ang pusa na nasa balikat niya na ayaw bumitaw.

" Ouch! " Reklamo nito ng bumaon ang kuko ni Nemesis sa balikat dahil sa pilit ko itong hinihila

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now