Chapter 24

398 20 2
                                    

Chapter 24

Nakakapangilabot dahil kamukhang-kamukha ko talaga ang babaeng nasa litrato. Saglit ko pa itong tinitigan ng maigi pero napatigil rin ng may marinig akong yabag. Yabag na parang nagmamadali at aligaga. Gusto ko pa sanang titigan ang litrato ngunit hindi puwede dahil baka pagalitan ako kung may makakita sa akin dito.

Nagmamadali naman akong lumabas ng kuwartong iyon at walang lingon-lingon na umalis at ni-lock ang pintuan. Dumeritso na ako sa kung ano ba talaga ang naging pakay ko kanina. Akmang papasok na ako sa kusina ng mapasigaw ako dahil sa kamay na humawak sa braso ko.

Napahawak naman ako sa dibdib ko ng makita si Hayden na kunot noong nakatingin sa akin.

" Why are you still here Artemis? You supposedly asleep right now " nakataas kilay na tanong nito

Ngumuso naman ako dito at nag-isip ng palusot, ayaw ko namang aminin na basta basta nalang akong pumapasok sa mga silid ng bahay nila. Hindi naman kasi porket girlfriend na ako ng kapatid niya ay may karapatan na akong makialam na basta basta nalang pumasok. Ayaw ko namang isipin niya na nakikialam ako.

Alam ko namang mali ang ginawa ko, pero masisisi niyo ba ako? Nadala lang naman ako ng koryusidad ko.

" A-ahh e-ehh naligaw kasi ako kanina, maling hallway pala ang daanan ko papuntang kusina niyo kaya ito hanggang ngayon nauuhaw parin ako " sabay ngiti ng pilit dito

Saglit namang kumunot ang noo nito at ngumiti sa akin at walang sabi na umalis nalang. Napabuga naman ako ng hangin dahil dito. Dumiretso na akong kusina at kumuha ng tubig. Kumuha ako ng baso at pitsel tsaka nagsalin ng tubig dito.

Habang umiinom ay napapa-isip ako. Saan nanggaling ang mga yabag na narinig ko kanina? Hindi naman puwedeng kay Hayden dahil mukhang hindi naman siya nagmamali o di kaya ay nag-pa-panick ng makita ko siya.

Naibuga ko naman ang iniinom kong tubig ng may biglaang yumakap sa akin mula sa likod at isiniksik sa leeg ko ang mukha nito. Hindi ko na kailangan pang lingunin kong sino iyon dahil pabango palang nito ay alam ko na.

" Why are you still awake Mi Reina? F*ck! I thought you already got home, Tsk! Imagine my shock when I went to your room and see no one is in there? " At mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap nito sa akin

' Sa kanya ba galing ang yapak na narinig ko kanina? '

Humarap ako at bahagya naman itong napabitiw sa mula pagkakayakap sa akin, hinawakan nito ng marahan ang magkabilang bewang ko at tumingin sa akin ang inaantok nitong mga berdeng mata.

" Pasensya na, nauuhaw kasi ako kaya bumaba ako dito---" marahang sabi ko "--- ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising para samahan ako" dugtong ko pa rito

" Hmmm " hindi na ito nagsalita pa at sumiksik nalang sa leeg ko habang hinigpitan ang pagkakayakap nito

" Halika na matulog na tayo " yaya ko dito at umalis mula sa pagkakayakap nito. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang hinila ito. Nagpatianod naman ito sa akin at hindi na nagsalita pa.

Hawak hawak ko ang kamay nito habang binabagtas ang kahabaang pasilyo ng bahay nila papunta sa mga silid namin. Tahimik lang kami habang naglalakad. Nang makarating kami sa pintuan ang kuwarto nito at hinarap ko ito at nginitian.

" Papasok na ako---" sabay turo ng pintuan ng kuwartong tinutulugan ko "---pasok ka narin, magpapahinga na ako" nakangiting sabi ko

Lumapit ito sa akin hinalikan ako sa noo.

" Have a good sleep Mi Reina " binuksan nito ang pintuan ng tinutuluyan kong kuwarto at hinintay na pumasok ako. Pagkapasok ko ay sinulyapan ako nitong muli ngingitian bago tuluyang umalis.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now