Chapter 11

496 27 0
                                    

Chapter 11

Akmang tatakbo na sana kami dahil lumalapit saamin ang aninong yun ng makita namin ang tunay na itsura nito. Isa itong matanda na nakasuot ng lumang damit, at may hawak hawak na tungkod. Siya na ba yung aninong nakita ko noon?

Kunot noong tinignan namin ito. Lumapit pa ito sa amin hanggang isang dipa nalang ang layo nito. Ano ba ang kailangan niya sa akin at palagi ko nalang siya nakikita? Akmang tatanungin ko ito ng bigla nalang itong nagsalita.

" Noong una palang ay binalaan na kita hindi ba? Huwag na huwag kang lalapit sa Pamilya nila, ang pamilyang iyon, lalong lalo na ang lalaking may kulay berdeng mata ay higit na mas delikado kasya sa pamilya niya. " Seryosong sabi nito

" P-po? ano pong sinasabi niyo? " Naguguluhang tanong ko rito

" Layuan mo ang batang Vallderama, at malalayo ang buhay mo sa panganib " sabi pa nito

T-teka si Hades ba ang ibig niyang sabihin? P-paano siya naging delikado? May nagtatangka ba sa buhay nito? Tsaka isa pa, wala naman akong naaalala na binalaan niya ako at paanong naging delikado ang pamilya niya? Gayong ang bait naman nila?

" H-hindi ko po kayo maintindihan " Tanong ko rito

" A-art h-halika na " sabi sa akin ni Trisha sabay hila ng isang kamay ko pero hindi ko ito pinansin

" Ang pamilyang yon ay hindi kasing bait gaya ng mga nakikita at naiisip mo, dahil higit pa sila sa mga demonyong kampon ni Satanas, ngayong nandito ka nanaman sa Poblacion ay mas lalong magiging magulo pa ang lahat---" huminto ito saglit ng makita ang kaguluhang naglalaro sa mga mata ko "Hindi mo talaga maalala kung ano at sino ang pamilya Vallderama? " Tanong nito

Lumingo lingo lang ako dito bilang sagot. Habang si Trisha naman ay panay hila parin sa braso ko.

" A-art, u-umalis na t-tayo " nanginginig na sabi nito

Humarap ako dito at kunot noong tinignan nito.

" Sandali lang, gusto ko lang malaman ang totoong pagkatao ng mga Vallderama " balik sa sagot ko dito

" N-naniniwala ka ba sa matandang Yan? Halikana dahil nag-sisinungaling lang siya " natatarantang sabi nito

" A-ano ba ang nangyayari sayo? Kanina ang tahi-tahimik mo, tapos naman ngayon natataranta ka, may problema ba? Tsaka wala naman masamang nakinig sa kanya diba?-----" tinignan ko saglit ang matanda at ibinalik ulit ang tingin sa kanya "----Isa pa mukha namang hindi siya nagsisinungaling" dugtong ko pa

" A-art! Hindi natin alam kung ano talaga ang tunay na intensyon niya, b-baka may galit siya sa mga Vallderama kaya----" bago pa nito matapos ang sinasabi niya ay pinutol ko na ito

" T-teka lang---" inalis ko ang kamay nito sa braso ko "---paano mo nasasabi na nagsisinungaling lang siya? May alam ka ba sa mga nalalaman niya? Isa pa wala namang mawawala kung maniniwala ako diba? Ano ba ang ikinababahala mo? " Kunot noong sabi ko rito

" A-art k-kasi " mariin ko itong tinitigan. Nilalaro narin niya ang dalawang hintuturo niya. Ginagawa niya lang ang mannerisms niyang yan kapag kinakabahan o di kaya ay bagay siyang gustong sabihin na hindi niya masabi.

Naputol lang ang paninitig ko sa kanya ng magsalitang muli ang matanda.

" Ang mga Vallderama ay isa sa pinakamapangyarihang pamilya sa Bansang Espanya hindi ba? Sila ay kinakatakutan ng mga taong nandoon, sinasamba at nirirespeto nino man---" t-teka p-paanong s-sinasamba? "---Ang pamilya nila ay hindi basta basta lamang, katulad ng sinabi ko kanina ay higit pa sila sa mga kampon ni Satanas, ang pamilyang yon ay nanggaling sa pinakamataas na uri ng mg----" bago pa nito matapos ang sinasabi niya ay may bigla nalang tumalon sa harap namin

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now